fifteen

2.4K 140 3
                                    

A/N Let us go back sa dahilan kung bakit siya nagka-interes kay Maine.

Flashback..

"Mr. Faulkerson okay lang ako. Thank you na lang sa nilibre mong dinner. Pasensiya na sa mga kaibigan ko.. I have to go na. Pasensiya na sa istorbo at sa mga nagawa ko sayong mali. Hindi ko yun sinasadya.."

Those were her last words bago siya iniwan ni Maine at umakyat sa unit nito..

He was stunned. Hindi niya inaakala na hindi na ito makikipagtalo sa kanya. Narinig naman niya lahat ng mga pinagsasabi nung kaibigan nitong si Gwen. Base kase sa mga salita ni Gwen ay mukhang may namagitan sa asawa nito at kay Maine. At yun ang dahilan kung bakit na-curious siya. Nakita niya ang pag-iiba ng aura nito habang sinasabi ni Gwen  ang mga nakalipas nila nung Andrew.

He felt pity para sa babae. Mukha namang mabait si Maine. Kita niya ang pagiging magalang at mapagkumbaba nito sa mga kausap at dating kaibigan. Walang yabang at ere sa katawan. Mga katangian ng babaeng gugustuhin niya. Aaminin niya sa sarili na na-attract siya sa mga oras na yun dahil madami siyang nadiskubre tungkol dito. Nalaman din kase niya na Suma Cum Laude pala ito sa University of the Philippines. Ang pamantasan ng mga matatalino. Nagkamali siya nang pagkakakilala dito. Akala kase niya ay isa siya sa mga flings ni Justin. Maayos din ito sa sarili. Kita sa kanya ang pagkasopistikada at class na maaring maipagmamalaking girlfriend. Wife-material din ang dating nito. Expressive ang mga mata at full ang lips. Simple lamang ngunit malakas ang dating. Hindi niya napansin yun nung unang pagkikita nila nung dinala niya ito sa kanyang bahay na lasing na lasing. Pero ngayong araw na ito ay napagmasdan niya ng mabuti ang babae. Maganda ito at intelehente.

Hindi niya namalayan na matagal na siyang nag-iisip tungkol sa babae.  Napangiti siya sa alalahaning iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nahuhulog siya sa babae nang ganung kabilis. Hindi niya maisip na pwede yun. Napapailing siya sa naiisip kase hindi pa niya matanggap sa sarili niya na malakas ang dating ng babae sa kanya.

Kinabukasan pagkagising ay nagpunta siya sa Reception area para tanungin kung anong floor nakacheck in si Maine para mapadalhan niya ng bulaklak bago pa man ito umuwi mamayang hapon pero nagulat siya ng sinabi ni Ms. Yvana na nakacheck out na ito. Isang oras na halos ng nakaalis ang  shuttle na maghatid sa kanya sa pantalan bago makarating sa airport. Hindi niya maalis na madismaya. Matagal kase niya napag-isipan na gusto niyang puntahan ito at yayain magbreakfast. Ngunit ang dinatnan niya ay wala na ito. Nahuli siya. Ang tagal nagtalo ng isip niya kaya sising alipin na nagsabi sa Manager niya ng hotel na itawag siya agad ng shuttle para maihatid sa airport. Baka maabutan pa niya ang dalaga doon.

Pagdating sa airport ay agad siyang pumunta sa check in area para magtanong kung anong oras nakaalis yun last flight. Kakaalis lang daw, mga 10 minutes na. Napahawak na lang siya sa batok sa pagkadismaya. Hinabol niya si Maine para makausap ito. Pero huli na siya...

Nang mga oras na yun, napag-isipan niyang bibigyan niya ng panahon ang nararamdaman. Sa di malamang dahilan, masaya siya kapag naiisip ang babae. Kaya nabuo sa isip niya na siguro ito na yun panahon para maghanap siya ng ipapalit kay Louise. At si Maine ang babaeng napili niya. Pagbalik sa Maynila ay gagawa siya ng paraan para makita ito at makausap..

••••••

"I like you.."

"Are you serious?"

"I am!"

Napangiti si Maine sa narinig.
Hindi ba siya nananaginip?

"Hey Mister, hindi ako nakikipagbiruan sayo!"

"And I'm not joking also. Alam ko napakabilis nito to think na kakakilala pa lang natin. And hindi maganda ang una nating pagkakakilala. Pero di ko maintindihan kung bakit. Hindi ko mai-explain.."

Natihimik si Maine. Yumuko. Nahihiya siyang tumingin sa lalaki dahil seryoso ito sa sinasabi.

"Hey, listen. I'm not forcing you to believe me now. Pero believe me when I say that I like you. I really mean it. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang alam ko lang, nung huling gabi natin sa Boracay, naramdaman ko na lang na I'm beginning to like you."

"Richard, hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Can we please get to know each other muna. Besides, are you even sure? I don't want to rush things."

"Alam ko mabilis. But yes I'm sure. Kaya I'm willing to show you that I really like you. Will you allow me?"

"Are you prepared to do it?"

"Yes! So pwede kitang ligawan na? Wala bang magagalit?"

"Meron!"

"May boyfriend ka na?"

"Wala. Pero kailangan magpaalam ka muna sa Daddy ko."

"Yun lang? Madali lang yun."

"Really? Do you know him ba?"

"Hindi. Pero I'll do everything para ipakita sa kanya na gusto kita."

"Hmm... ikaw ang bahala. Pero sinasabi ko sayo, hindi madali!"

"So what? You deserve it naman! Maine, I'm willing to wait..."

"I hope you do...."

"I will...."

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

A/N I'll make every chapter short as possible. Hirap mag-isip. And I'll try minimizing full descriptions. Masyado bumabagal ang story.

Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon