thirty seven

2.7K 124 1
                                    

Malungkot na malungkot si Maine dahil sa mga nangyayri sa kanila ni RJ. Andun na kase yun sign na nagloloko ang lalaki. Hindi man lang siya kinakausap o sinabihan man lang na nakakilala na ito ng iba. Mukha pa rin siyang tanga na naghihintay. Kaya naisipan niyang lumayo na muna. Nagsabi siya sa Boss niya na idestino siya sa Bacolod. Kailangan kase nila dun ng curator sa Negros Museum na pagmamay-ari rin ng ahensiya. Inapplyan ni Maine ito at agad naman siyang pinayagan. Walang pag-aalinlangan si Sor Wally na irekomenda siya dahil alam niya na magaling si Maine. Tuwang-tuwa naman ang grupo nila Denise dahil sa wakas mawawala na si Mengvsa opisina. Makakakuha na sila ng malalaking proyekto. Ngunit hindi nila alam ay si Paolo na angvpinagkakatiwalaan ni Mr. Zamora imbes na sila. Wala talagang tiwala si Mr. Zamora kay Denise at sa grupo nilya dahil halos lahat ng trabaho ng mga ito ay pabanjing-banjing at hindi napag-iisipan. Nanatili na lang sila na maliliit na trabaho lang ang naibibigay sa kanila. Ayaw kase mapahiya ni Mr. Zamora kaya di ipinagkakatiwala ang malalaking trabaho sa kanila.

•••••••••

After niyang makalipat sa Bacolod. Nagkaroon agad siya ng pagkakataon makapag-isip. Tama na ang pagpapaawa sa sarili. Kung ayaw na ni RJ e di ayaw na niya. Kaya isinubsob ni Maine ang sarili sa trabaho. Pinagbuti niya ang trabaho para sa unag linggo pa lamang niya sa Bacolod. Dineactivate niya ang lahat ng social media accounts niya at nagpalit ng cellphone number. Konti lang ang mga tao na nakakaalam ng bago niyang number. Sinabihan niya si Paolo at ang Daddy niya at Mama Mary Ann( Kasal na kase ang mga ito nung isang buwan pa kaya Mama na ang tawag niya) niya na huwag ibibigay kahit kanino, lalo na kay RJ. Wala siyang sinayang na oras, nagpalipas siya ng oras para alagaan at mahalin ang sarili niya kasabay ng pagtatrabaho. Pagkakataon nga naman na sarili naman niya ang unahin. Lahat naman ng mga mahal niya sa buhay ay maayos na. Lalo na ang daddy niya. Iyon ang importante. Hindi na rin siya umiiyak. Tinanggap niya na ang isang simple at hindi mayamang babae ay hindi nababagay sa isang tulad ni RJ Faulkerson.

•••••••••

Nalungkot si RJ ng malamang nagpadestino si Maine sa ibang lugar. Wala siyang alam kung saan ito nagpunta. Ayaw naman sabihin ng Daddy niya at ni Paolo. Sa mga araw kase na hindi siya nagpapakita kay Maine ay sinusundan pa rin niya ito. Hinahayaan lang niya ang sarili na nakatago. Alam niya ng maglasing si Maine nung pumunta ito sa opisina niya. Nalaman niya kay Paolo iyon nung araw ding iyon. Di naman nasabi ni RJ kay Paolo kung sino yun Dina Valle na nagpunta sa opisina niya. Hindi niya pwedeng sabihin. Nainis nga din si Paolo sa kanya kaya lang kailangan niyang itago ang katotohanan. Sinabi na lamang niya na magtiwala lang sa kanya ang kaibigan ni Maine dahil mahal na mahal niya si Maine. Kailangan niyang makita si Maine kase mabubuwang na siya sa kaiisip sa kasintahan. Mahal niya ito at wala siyang ibang babae na nais makasama kundi si Maine.

•••••••••

"Sir, mag-ground breaking na po tayo. Tara na po."

"Okay. Pasensiya na natulala na naman ako.."

"Okay lang Sir. Tara na po."

"Sige."

Ngayon ang ground breaking ng bagong hotel na itatayo nila sa  Talisay City, Bacolod. Kanina lang sila dumating sa lugar dahil madaming inasikaso si RJ sa Manila. Hindi mawari ni RJ kung bakit parang kinakabahan siya.

"Sir RJ, you have to visit Negros Museum. Napakaganda ng mga pieces of art dun. I know gusto mo ang arts and artifacts."

"Naku, kaya pa ba ng oras ko?"

"Yes Sir. And sabi ng Daddy mo, susunod siya dito with some guest. Kaya mag-extend tayo ng three days."

"Ano? Paano yun commitments ko sa Manila? May meeting ako with Mr. Milan para sa renovations ng Hotel sa Davao."

"Basta Sir yun ang sabi. Naayos na daw ng Dad ninyo. Si Sir Justin din pupunta kasama si Miss Bea."

"Anong meron, Kris? May hindi ka ba sinasabi sa akin?"

"Sir wala po. Utos lang po sa akin. Paano maya, sa Negros Museum tayo. Mag 2pm alis na tayo after ng lunch with Mayor James Jamili. Hanggang 5pm lang po ang Museum. Doon na daw sila makikipagkita sa inyo. I mean ang mga daddy ninyo at guest."

"Okay. Wala na akong magagawa e. Kayo na gumawa ng itinerary ko."

••••••••

"This are nice pieces of art Kris."

"Sabi ko sa inyo maganda dito diba."

"Oo. And I'm enjoying it. Nga pala asan sila Dad?"

"Nagtext po si Miss Jenna. They're on their way na daw po."

"Sige. Ikot pa tayo. May konting oras pa siguro bago dumating sila."

"Let's go Sir."

Habang naglalakad lakad ay may napansin si RJ na pamilyar sa kanya. Sa tindig pa lang ay nakilala na niya agad ito. Kinabahan siya. Di niya malaman kung anong gagawin.

•••••••

Maine was busy checking yun mga bagong artifacts na dumating from London. I-exhibit daw muna ito sa Museo ng isang buwan. Maganda ang mga jars na ito na nagmula pa daw sa Ming Dynasty. Napaka fragile ng mga pieces kaya siya mismo ang tumanggap ng mga ito. Hindi niya alintana na may nakatingin siya dahil busy siya sa pagcheck kung kumpleto ang idineliver na pieces.

Naramdaman na lamang niya na may yumakap sa kanya. Pamilyar ang amoy nito. Napapikit siya. Naisip niya ang nobyo na 3 buwan na ring hindi niya nakikita o nakakausap man lang. Hindi a rin kase siya nagtanong at pinuputol na agad niya nag usapan pag si RJ ang topic.

"Maine.."

"RJ?"

"Ako nga. Humarap ka naman."

"Nananaginip ba ako?"

"Hindi.. andito ako. Miss na miss na kita, Love. Bakit iniwan mo ako?"

Humarap si Maine kay RJ at tinignan ito sa mga mata. Matagal. Nagtatanong. Nagmamakaawa.

"Iniwan? Ikaw nag nawala. Hindi ka nagparamdam. Ikaw ang tumalikod. Sinaktan mo ako.."

"Hindi, Love. Hindi kahit kailan. Mahal na mahal kita. Sana inisip mo yun pangako ko sayo. Hindi yun magbabago."

"Nawala ka RJ. Hinayaan mo akong masaktan mag-isa. Ni isang tawag wala. Ni hindi mo ko kinamusta. Bakit? Dahil dun sa Dina Valle na yun?"

"Love, hindi ako nawala. Sinusundan kita, kung alam mo lang."

"Bakit kailang magtago ka?"

"Kailangan, Love. Kailangan."

"Ikaw, ang kailangan ko, naisip mo ba yun na nasasaktan ako? Selfish ka."

"I'm sorry Love. Kailangan kong gawin yun. I'm sorry."

"Sorry? Yan lang sabihin mo? Ayaw mong ipaliwang yun actions mo?"

"Love, sasabihin ko sayo."

"Kelan? Bakit pinatagal mo? Ayoko na RJ. Bumalik ka na kung saan ka galing. Hayaan mo na ako. I'm sorry pero may gagawin pa ako. I'm busy."

"Love, wait. Please naman huwag kang umalis. Pakinggan mo ako."

"No RJ. Huwag mo akong susundan. Kundi sasapakin kita."

"Meng!"

"No!"

At tuluyang umalis na si Maine. Pumunta siya sa opisina niya at doon tuluyang lumuha. Di niya akalain na babalik lahat ang sakit na pilit noyang kinakalimutan. Ang sakit pa rin pala. Masakit kase mahal pa rin niya...

A/N last chapter na promise.. coming up next. Tapos na ito tonight. Bukas tutuloy ko na ang It Might Be You.

-ava-



Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon