thirty one

2.6K 116 1
                                    

After a week of being together again, it was time to go back to reality. Maine and RJ being happy would be an understatement, they are literally being in cloud nine the rest of their stay in Batanes. They got to go to places around the area. Paolo as a friend was as happy for his friend. Kita niya na walang mapaglagyan ang kaligayahan ng kaibigan even if nakabalik na sila sa Manila. Nag-glow kase ang kaibigan, symbolizing na masaya talaga ito.

"Bes, so mukhang tinamaan talaga sayo si Mr. Pogi ah. I'm so happy for you!"

"Pao, I am. I really am!"

"Teka friend, don't get me wrong ha, what happened dun sa Louise na ex niya? How did he break up with her?"

"Rj told me na nakipaghiwalay siya that same day na pinuntahan niya ako sa condo namin ni Daddy. I'm so sorry for her, siya nasasaktan habang ako naman ang masaya. Nagui-guilty talaga ako Bes."

"Don't be! Hindi mo kasalanan na ikaw ang mahal ni Tisoy."

"Pero kase ayokong gawin sa iba ang ginawa sa akin ni Gwen dati."

"Just leave it girl! Basta ang importante, mahal mo yun tao. And mahal ka niya. I'm so happy for you! Sana ako din makakita na ng papa ko."

"Hahaha! Segue pa more yun sa kanya. Pero I hope may magmahal din sayo ng tulad ni RJ."

••••••••••

"Sir RJ, pinatatawag ka ng CEO sa office niya. ASAP po."

"Bakit daw?"

"Di po sinabi. Basta now na daw po."

"Okay. I'll be there, just tell him may inaayos lang ako sandali."

"Sige po Sir. Pero huwag na po kayo magtagal, mukhang mainit kase ang ulo ng Dad ninyo."

"Sige, salamat Kris. Sunod na ako."

•••••••••

"Ano itong nabalitaan kong nakipag-break ka na daw kay Louise?"

"How'd you know? And so what Dad?"

"Don't you know na ang father niya ang isa sa mga business partner ng importanteng client natin, si Mr. Cheng. And I can't afford na siraan niya ako sa Chinese investors natin."

"Diba, Dad ikaw yun nagsira sa amin nun ipakilala mo si Maine na asawa ko? What happened? Why turn the tables?"

"I did 'nt mean it that way, RJ. Gusto ko kaseng maayos mo yun gusot sa tsismis na kumakalat."

"No Dad, you did'nt help at all. Pinagulo mo pa lalo yun sitwasyon. Pero thank you, narealize ko na si Maine ang mahal ko! And before mahuli ang lahat, inayos ko na yun. I don't love Louise, and I know hinding-hindi ko na siya mahal."

"Hindi! You have to take her back or else baka hindi pumirma ang Chinese Investors. I can't afford that. And so do you! Alam mong importante yun sa atin. It will double our income pagnakipag-merge sila sa atin."

"Is that what's important to you. Dati ayaw kong mawalay kay Louise, pero what did Mom do? She asked me to break up with Louise. And now okay na ako. Nakita ko na ang babaeng mamahalin ko habang buhay, tapos ngayon, ikaw naman ang pumipigil. Gusto ninyong balikan ko si Louise kahit hindi ko na ito mahal? My God, Dad naririnig mo ba sarili mo? Ginagawa na ninyo akong tau-tauhan. I'm not going to do that. Kahit ipilit ninyo pa!"

"I'm telling you, RJ na kapag hindi pumirma ang mga Chines na yun sa atin dahil kay Mr. Delos Santos, ikaw ang mananagot. Wala akong pakialam kung sino ang gusto mong makasama, ang importante sa akin ay ang business natin, yun pinaghirapan ng magulang ko!"

"Dad, why? Mas mahalaga na ba sayo ang pera? Diba dapat naiintindihan ninyo ako? Katulad nung panahon na ipinaglaban din ninyo si Mommy."

"Iba ito, RJ. Big account ang mawawala sa atin paghindi sila pumirma. Matatalo tayo ng kalaban nating San Fabian Corporation. I can't afford that."

"Dad, ako ang gagawa ng paraan. Basta huwag kayong makialam sa lovelife ko. Pangako ko, mapapapirma ko ang mga Chinese na yun!"

"Bahala ka! Basta do what you have to do. Ikaw ang mananagot pag hindi sila pumirma."

"I will. Just leave me alone and Maine."

"You may leave now, RJ. I'm expecting you to deliver."

Richard is in a situation na hindi niya alam ang gagawin. Kaya kailangan niyang mag-isip ng paraan para mapapayag ang mga Instik para hayaan na siya ng ama sa pag-ibig nito kay Maine.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

A/N Finally..Christmas Vacation na. I hope few chapters na lang tapos na po ito. I'll update, It Might Be You, my other wattpad story. Please read din po if you have time. Thanks.

-ava-

Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon