"I can't believe it, ako liligawan ni Richard James R. Faulkerson Jr? Parang hindi magsink in sa akin. Paano mangyayari na magkakagusto siya sa isang simpleng babaeng tulad ko? Hay, nanaginip ata ako."
Mahirap matulog kapag lagpas ulo ang kilig na nararamdaman. Yun ang pakiramdam ni Maine sa mga oras na yun. Alam niyang kailangan na niyang matulog kaya lang ayaw talagang dalawin ng antok. Naalala na naman niya ang nangyari kanina sa restaurant kung saan sila nag-lunch ni RJ. Di niya malimutan ang huling sinabi nito bago siya ihatid sa kanilang condo.
Dadalaw daw siya kinabukasan para makilala ang daddy niya.
Lalong di mapakali ang dalaga. Kinakabahan siya na may halong saya dahil ang isa sa pinakahinahabol na lalaki sa bansa dahil sa yaman, talino at kagwapuhan ay nanliligaw sa kanya. Syempre may mga takot din siya. Malamang madaming magagalit at maiinggit. At iyon ang mga bagay na hindi niya mai-alis sa isipan.
"Sana maging maayos bukas ang pagdalaw mo, Richard. Sana magustuhan ka ni Daddy."
Mag-aalas-dos na ng makatulog si Maine.
•••••
Friday, 7:45 am.
"Anak, mukhang tinanghali ka ata ng gising. Ngayon lang ata nangyari ito. May problema ka ba? Hindi ka naman ganyan dati."
"Dad, wala po. Napuyat lang po ako sa kaiisip ng plano para sa project ko sa Palawan. Ako na naman kase ang naatasan ni Chief na mag-intindi nun."
"Ah ganun ba? Kawawa naman ang baby ko. Wala na bang iba na maasahan sa office ninyo? Bakit ikaw ng ikaw ang nakikita niyang Chief nyo?"
"Dad, meron naman. Kaya lang ewan ko ba, paborito kase ako ni Sir e."
"O hayaan mo na at mabuti na rin yun. Para mapromote ka na naman."
"Hahaha! Sana nga Dad, kaya lang mabagal ang promotion. Isa pa may sinusunod na seniority daw. Ewan ko kung saan galing yun."
"Aba, di tama yun. Ikaw ang pinaka'competent sa opisina ninyo!"
"Daddy talaga! Porke anak mo ako. Hahaha! O sige na pumasok ka na at ako na maglinis nito. Okay lang naman akong malate, minsan lang ito."
"Okay. Diyan ka na anak! Mag-ingat ha!"
"Ikaw din, Dad!"
"Bye.."
Pero di la nakakalayo ang ama ay naalala niya na may bibisita mamayang gabi.
"Dad, wait!"
"Bakit?"
"Nga pala, may bisita ako mamaya. Okay lang ba?"
"Manliligaw na ba yan?"
"Ah eh.. opo?"
"Sigurado ka ba? E bakit patanong?"
"Opo, Dad! O sige na, alis ka na. Mag-ingat ka! Bye Daddy! Love you!"
"Dyaskeng bata ka, pinalalayas mo na ako. Sige na nga at malate ako. Mag-ingat ka ha!Bye!"
••••••
Friday, 8pm sa Condo nila Meng...
"Ang tagal naman ng manliligaw mo? Asan na ba yun? Matutulog na ako anak."
"Dad, parating na daw. Nagtext na siya. Basta huwag kang magsusungit. Baka maudlot ang unang manliligaw ko!"
"Oo na! Pero dapat disente yan ha! Ayoko ng mga babakla-baklang tulad nila Paolo!"
"Dad naman e. Di siya bakla! Basta magbait ka... "
Ding..ding..ding..
"Heto na Dad. Upo ka lang diyan. Remember ang bilin ko."
"Opo! Makulit!"
Pagbukas ng pinto ni Maine ay bumungad sa kanyang harapan ang lalaking pormal na pormal. Naka- coat and tie pa ito dahil nanggaling pa sa trabaho.
"Pasok ka, Chard."
"Salamat! Para nga pala sayo."
"Thank you. Lika, pakilala kita sa Daddy ko.."
"Good evening po Sir." Nakipagkamay si Richard kay Mang Teddy.
"Good evening din sayo. Maupo ka iho."
"Dad, si Richard. Chard, Daddy ko."
"Richard R. Faulkerson Jr. po."
"Teodoro Mendoza. Tawagin mo na lang akong Tito Teddy."
"Salamat po."
"Chard, nagdinner ka na ba? What do you want?"
"Okay lang ako. Nagpaserve ako ng food sa secretary ko kanina habang may meeting ako. Busy kase sa opisina kanina."
"Okay. Coffee? Juice o water?"
"Coffee na lang siguro, Maine."
"Okay, wait ka lang diyan ha. Kukuha ko lang kayo ni Dad ng coffee."
"Anak, huwag na ako. Baka di na naman ako dalawin ng antok. Tubig na lang."
"Okay, Dad."
Nang makalayo si Maine sa dalawa ay sinimulan na ni RJ na magsalita. Kabado ngunit nanaig pa rin sa kanya ang pagiging authoritative. Kaya magalang at sigurado ang ginawa niyang pagpapaalam sa ama ni Maine.
"Tito Teddy, naglakas loob po ako na pumunta dito at humarap upang magpaalam ng pormal sa inyo kung pwede kong ligawan si Maine. Alam ko pong ito ay nararapat at igagalang ko po kayo bilang ama niya."
"Richard, walang kaso sa akin kung liligawan mo ang anak ko, ang sa akin lang ay huwag mo siyang lolokohin at sasaktan. Dun tayo magkakaalaman."
"Hindi ko pa gagawin iyon. Aalagaan ko po siya sa abot ng aking makakaya. Asahan po ninyo iyan."
"Mabuti kung ganun. Dahil sa totoo lang, ang anak ko na lamang ang nagiisang tao na kasama ko dahil namatay na ang kanyang ina. Pinangako ko sa Mommy niya na hindi ko siya hahayaang saktan ng kahit na sino. Kaya aasahan ko ang sinabi mo iho."
"Makakaasa po kayo, Tito. Pangako ko po iyan."
Lingid sa dalawa ay nakikinig si Meng. Napahawak ito sa bibig para hindi marinig nila RJ ang piping tili dahil sa narinig mula sa binata. Siya na yata ang pinakamasayang babae dahil nililigawan siya ng isang Richard Faulkerson Jr. Kilig na kilig si Meng at halos masabunutan ang sarili sa sobrang tuwa. Sa unang pagkakataon may manliligaw sa kanya na type niya rin.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
A/N may niluluto po akong bagong istorya na malayo sa isinusulat ko ngayon. I hope when it comes out ay basahin din po ninyo. Salamat.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
Fiksi Penggemar"Hoy, babae! Bakit ipinagkakalat mong asawa mo ako? Ang kapal naman ng mukha mong mag-assume! Di ikaw ang tipo ng babaeng gugustuhin ko! Bawiin mo yun sinabi mo kundi, idedemanda kita!" ----Richard R. Faulkerson Jr. "Excuse me? Hindi ko sinabing asa...