"Sir, you have a three o'clock meeting with Mr Faulkerson Sr. Please proceed na lang po sa office niya. ASAP daw po!""Thank you Selena! Please finish the draft for the contract signing ng bagong hotel na bubukasan sa Boracay. Paki send din agad sa email ko. Kailangan kong ipresent iyun sa board! ASAP ha!"
"Yes Sir. Finish na po. I'll send it now. Alam kong nandun din ang board sa CEO's office kaya tinapos ko na."
"Very Good! Just call Sam para maisama ko siya sa meeting. Ikaw din sumunod dun para if in case may queries sila ay may katulong ako sa pagsagot, besides ikaw nagclose ng deal with Mega Corp."
"Copy, Sir!"
Tinignan ni Richard ang paligid niya pagkalabas ni Selena. It's been 7 years nun mag-assume siya ng office. Namatay kase ang nanay niya na siyang President ng kumpanya noong mga panahong yun dahil sa plane crash. 23 years pa lang siya noon at si Justin na nakababata niyang kapatid ay 21. Papunta ang Mommy niya sa Davao para sa isang convention ng mga hotel owners. Di nito inakala na huling pag-uusap na pala nila nung umaga. Tanda pa niya ang mga kaganapan..
Flashback..
"Mom, I want to get married na! Si Louise na ang babaeng nais kong pakasalan. Please understand!"
"I don't care kung sinong babae ang papakasalan mo, huwag lamang si Lousie! Forgive me anak pero I'm not going to give you the blessing! Alam mo naman na mahal siya ni Justin diba. Kaya nga lumayas yun kapatid mo dahil hindi niya matanggap na ikaw ang mahal ng babaeng yun! Please iba na lang! Huwag lang yun Louise na yun!"
"Pero Mom, di ko naman kasalanan na ako ang mahal ni Louise! And I know Justin will understand..Eventually maiintindihan din niya."
"I don't think so. Di mo ba alam na halos magpakalunod sa alak ang kapatid mo! He was broken! Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko! Parang awa mo na, RJ, eto lang hihilingin ko sayo, kahit mamatay na ako pagkatapos nito, huwag mo lang pakasalan si Louise, please anak!"
"Oh God, Mom bakit ganyan ka magsalita. Ang lakas mo pa. Okay, okay.. may magagawa pa ba ako? Mas mahal ko kayo. Kaya susundin ko gusto mo, lalayuan ko si Louise. Please Mom don't cry. May flight ka pa. Ihatid na kita sa airport."
"Promise mo muna anak!"
"Promise Mom! Kahit labag sa loob ko.."
At iyon na nga ang huling pag-uusap nila dahil matapos ihatid ang ina sa airport at tumuloy sa Condo ni Louise para i-call off ang kanilang kasal ay may tumawag sa phone niya.
"RJ, anak please come home.. Ngayon na. Please.."
"Dad, what's wrong? May problema ba?"
"Anak, please come home muna..Ang Mommy mo.."
"Dad, kinakabahan ako... What happened to Mom? Dad.. Dad....!
Yun lang at naputol na ang linya. Kabadong umuwi si RJ kahit di pa niya nasasabi kay Louise ang napag-usapan nilang mag-ina. Hindi pa siguro ngayon. Mas importante ang Mommy niya..
As soon as makarating si RJ sa bahay ay inabutan niya ang daddy niyang nakasubsob sa mesa. Bagsak ang balikat at lugmok.
"Dad....?"
"RJ, wala na ang Mommy mo. Patay na siya..Bumagsak ang eroplanong sinasakyan niya. Kakatawag lang ng airlines to inform us na kasama ang Mommy mo sa mga casualties....God, bakit si Rosario? Paano na kami?"
"Dad, no! Tell me it's not true. Kasama ko lang si Mommy kaninang umaga. Bakit? Mom please come back. Gagawin ko yun promise ko sayo!"
"RJ, wala na tayo magagawa. I just hope marecover pa yun body, sunog na sunog daw ang mga bangkay. Beyond recognition na. Pero I hope kahit yun mabigyan lang natin siya ng maayos na libing..."
"Dad, asan na daw ang mga casualties? Punta na tayo willing ako sa DNA test. Para makilala natin si Mom. Kahit bumayad pa tayo ng mahal..."
Huwag ka ng mag-alala, ginagawa na ni Col. Sotto ang lahat para maretrieve ang labi ng Mommy mo. I just want you to call Justin at pauwiin mo siya. Kailangan niyang malaman kung ano nangyari sa Mommy mo... Anak sana magka-ayos kayo ng kapatid mo, para sa Mommy mo.."
"Yes Dad, I will...."
Lumipas ang ilang araw matapos mai-cremate ang Mommy niya at magkaayos sila ni Justin ay napagpasyahan ni RJ na kausapin si Louise para tapusin na ang relasyon nila. Labag man sa kalooban niya ay kailangan niyang gawin iyon....
"Louise, I'm sorry pero di natin pwedeng ituloy ang wedding. Kamamatay lang ng Mommy ko.
And I don't think magandang tignan na nagsasaya tayo sa kabila ng pagkamatay ng Mom ko...I'm assuming office as President of our Corporation, baka maging busy ako to the point na mapabayaan kita...I just want you to be happy, Love... ""RJ, I understand.. I'm willing to wait. At least magbabang-luksa muna kayo bago natin i-plan yun kasal..."
"No, Louise, you don't get it... Ayokong maghintay ka sa akin. I'm broken inside. Kailangan kong mag-recuperate.. It's a big loss para sa akin na mawala ang Mommy ko, she was my everything....I can't live without her..."
"What do you mean? Are you breaking up with me? Bakit? Anong ginawa ko? No, hindi ako papayag, RJ! So forget about it okay! I'm willing to wait! "
"Louise, I need you to understand, mas marami akong ibang priorities now that Mom is dead. At hindi ka kasama dun, I'm sorry!"
"How dare you! Bakit ginagawa mo sa akin ito? Mahal na mahal kita RJ, and handa akong magsakripisyo para sa iyo, pero anong ginagawa mo? You're pushing me away! Bakit? Dahil ba kay Justin? Hindi kita maintindihan! Akala ko mahal mo ako? Bakit ganito?"
"Louise, love, please listen, I love you! Alam mo yan!"
"Pero bakit nakikipag-break ka sa akin? Pagmamahal ba yun?"
"Louise, I promised my Mom, I have to give you up! Bago siya namatay, she asked me to break up with you! Ayoko pumayag kase mahal na mahal kita at ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay...Kaya lang she was that persistent! And being a good son that I am, I eventually accepted it! I'm sorry but I have to do this, please understand.. I hope you'll find your happiness.. Goodbye, Love....."
At iyon na ang huling pag-uusap nila ni Louise. Tanda pa niya ang mga huling minuto na yun. Kita niya ang pag-iyak ni Louise at ng mapaupo ito sa sahig dahil sa sakit ng nararamdaman. Gusto niyang bumalik ngunit kailangan na niyang gawin yun kundi, baka hindi na niya magawa pa iyon. Dahil habang nakikita niyang umiiyak si Louise ay parang sinasaksak ang puso niya....
Back to reality..
"Kamusta na kaya siya? Simula ng pumunta siya sa London ay di na siya bumalik... " bulong ni RJ sa sarili niya..
"Sir, it's time... ipinapatawag na daw po kayo ng Dad ninyo..."
At yun lang ay tumayo na si RJ para puntahan ang Dad niya na nag-initiate ng Meeting ng Board.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
A/N
So nakilala na natin si RJ. Konting kwento lamang muna tungkol kay Louise. Tutal sa ngayon wala pa naman siya at kasalukuyang nagtatrabaho sa London bilang isang magaling na Fashion Stylist..
Please follow ne sa twitter.. it's @avajones075
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
Fanfic"Hoy, babae! Bakit ipinagkakalat mong asawa mo ako? Ang kapal naman ng mukha mong mag-assume! Di ikaw ang tipo ng babaeng gugustuhin ko! Bawiin mo yun sinabi mo kundi, idedemanda kita!" ----Richard R. Faulkerson Jr. "Excuse me? Hindi ko sinabing asa...