"Mr. Faulkerson, anong ginagawa mo dito?"
"Maine, please talk to me."
"Alam ko na ang sasabihin mo. Okay na, tanggap ko na. Huwag ka ng mag-abala. It's better this way. Ayoko ng maalala pa yun nangyari."
"No! We have to talk. Alam kong nasaktan kita. And I want to make up for it."
"You don't have to. I'm fine. Mas mabuti pa na huwag na lang nating isipin yun. I know you love her. I'm sorry. Akala ko kase wala akong nasasaktan. Akala ko ako lang, mali pala ako. Pero okay na! Maayos na ako. Just leave me alone, RJ."
"I won't unless you listen to me."
"What for? Para masaktan ako lalo? Please, RJ huwag mo naman akong ganituhin. Ano bang nagawa ko sayo? Why do you keep on hurting me? Lumalayo na nga ako sayo, pero tawag ka pa rin ng tawag. Ano pa ba gusto mo? Lalo akong ibaon? Maawa ka naman sa akin."
"Maine, I love you. Naawa lang ako kay Louise dahil iniwan ko siya nung mamatay si Mommy. After kong magpropose sa kanya, I had to leave her kase yun ang gusto ni Mom. Ayaw niya kay Louise dahil mahal siya ng kapatid kong si Justin."
"Si Justin? Kapatid mo?"
"Oo. Yun kasama mo dati sa bar."
"Pinaglalaruan ninyo ba akong magkapatid? Bakit di ko alam?"
"Hindi ba niya sinabi sayo? I thought alam mo? Lumayas siya kaya matagal na kaming di nagkikita. Maniwala ka naman sa akin"
"Iiwan mo ba siya para sa akin? Isisigaw mo ba sa buong mundo na mahal mo ako?
"Maine, just give me time. Sasabihin ko din kay Louise yun. Bigyan mo lang ako ng konting panahon."
"RJ, hindi mo kayang saktan yun ex mo. Kung talagang mahal mo ako, wala ng iba. Gagawin mo ang lahat para sa akin. Pero andiyan pa rin si Louise. Ano naman ako, napakasama ko kung aagawin ko yun kaligayahan niya."
"Hindi ko na siya mahal. Ikaw lang ang mahal ko. Please naman makinig ka."
"RJ, ayusin mo muna ang buhay mo. Hindi kami pwedeng sabay. Kapag ayos ka na, saka ka bumalik dito. Pero sa ngayon, hayaan mo muna na makapag-isip ako. Nasasaktan ako dahil ikaw ang unang boyfriend ko, ikaw yun unang lalaking pinagkatiwalaan ko. Pero hindi mo pala ako kayang ipaglaban."
"Gagawin ko yan gusto mo. Para mapatunayan kong mahal kita. Ikaw lang."
"RJ, I have to go.. Baka dumating si Dad. Di niya alam ang tungkol sa paghihiwalay natin. Please umuwi ka na."
"Oo. Pero remember, I love you, Maine. Please forgive me. I can't live without you. Babalik ako dito para patunayan sayo yan."
Tinalikuran na ni Maine si RJ. Hindi na ito sumagot pa. Pinagmasdan lang ng lalaki ang pag-alis ni Maine. Hindi na siya nagpumilit. Naisip niya na kailangan na niyang gawin ang nararapat dahil kung patatagalin pa niya ito ay lalong masasaktan ang dalawang babae.
••••••••
Dumiretso agad si RJ sa apartment ni Louise. Ayaw na niyang patagalin pa ang paghihirap nila.
"Louise, can we talk?"
"Love what is it? May problema ba tayo?"
"Kailangan ko ng gawin ito. Sorry."
"What is it? Kinakabahan ako sayo."
"We have to break up, for good!"
"What? Anong ginawa ko? May nagawa ba ako na ayaw mo?"
"Wala. You're so good. I don't deserve you."
"Of course you do! Is it about that woman na nagpanggap na asawa mo?"
"Labas siya dito. Don't involve Maine. Wala siyang kinalaman sa usapan natin."
"Then what? Bakit bigla ka na lang makikipag-break sa akin?"
"Louise, I don't love you anymore. May mahal na akong iba. Ayoko ng patagalin ito dahil pareho lang tayong masasaktan. Please let go of me na."
"You know I won't!"
"But you have to. Ayoko ng saktan ka pa. Ayoko na rin pahirapan pa ang sarili ko. Please let me go!"
"How dare you! Hinintay kita RJ, I loved you with all my being. Wala akong ibang minahal kahit nagkalayo tayo. Pero ikaw, anong ginawa mo? Humanap ka ng iba! Napakawala mong kwenta! I hate you so much! Please leave! I don't want to see your face again! Ever!"
Gustuhin man ni RJ i-comfort si Louise kaya lang baka mabigyan pa ng maling impression ang babae. Baka isipin pa nito na kaya siyang makuha dahil sa awa. Naaawa man siya ay umalis siya na nakahinga ng maluwag. Masakit man kay Louise ay alam niyang makakaya nito. Mabait itong babae at alam iyang makikita nito ang tunay na magmamahal sa kanya. At hindi si RJ yun. Buo na sa loob niya na babalikan ang babaeng mahal na mahal niya.
May nabuong plano kay RJ noong araw ding iyon. Kung iyon lang ang paraan para ipakita kay Maine ang pag-ibig niya para sa babae ay gagawin niya. Alam niyang iyon ang magiging daan para patawarin siya ni Maine...
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
Fanfiction"Hoy, babae! Bakit ipinagkakalat mong asawa mo ako? Ang kapal naman ng mukha mong mag-assume! Di ikaw ang tipo ng babaeng gugustuhin ko! Bawiin mo yun sinabi mo kundi, idedemanda kita!" ----Richard R. Faulkerson Jr. "Excuse me? Hindi ko sinabing asa...