six

2.6K 132 1
                                    

Over coffee and breakfast...

"RJ, ano itong nasa dyaryo? May asawa ka na daw? Totoo ba ito? Kelan pa?"

"Dad, ano? Anong pinagsasabi mo diyan? Hindi totoo yan! Siraulo gumawa niyan! Asan? Patingin nga!"

"Ayan tignan mo! May buhat buhat kang babae. At may mga pictures pa kayo na magkayakap.. Ano yang babaeng yan?"

"Dad, hindi ko kilala yang babae! Kagabi ko lang yan nakita! Tinulungan ko lang dahil sobrang lasing na lasing! Si Justin ang kasama niya. Iniwan nung nakita ako!"

"Si Justin? Nandito na siya? Kelan pa?"

"Hindi ko alam Dad. Ayaw lang siguro magpakita kase di pa handa na magtrabaho."

"Ang batang yun talaga! Kelan kaya magtitino? Pinafreeze ko lahat ng cards niya pati bank account para mapilitan umuwi.."

"Dad naman! Huwag mo ng pilitin. Alam mo naman na hindi yan ang hilig niya. Bakit di kaya tanungin natin kung ano ang gusto niya talaga. Para hindi na siya lumalayas. Dad, kung gusto niya talaga magtrabaho sa hotel malamang di niya gagawin yun. Pero ayaw niya e."

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya."

"Dad, hayaan na natin siya. Dadating din yun panahon na magmamature si Justin. Anyway, okay naman na tayo sa pagpapatakbo ng mga hotels."

"Siguro nga hindi ko na siya dapat pilitin. Alam kong kaya mo naman mag-isa. Basta anak, alagaan mo ang kapatid mo kapag nawala na ako.."

"Napaka-morbid naman ng topic natin, Dad.. Pwede ba huwag kang nagsasalita ng ganyan, malakas ka pa.. nakakapag-gym ka pa nga diba?"

"If in case lang anak, kung anuman mangyari, huwag mo siyang papabayaan. Promise mo yan anak ha!"

"Di mo na kailangan sabihin Dad, gagawin ko yan.."

"Anyway, kailangan mo palang pumunta sa Boracay. Kailangan mong i-check yun isang hotel natin dun dahil yun daw napili ng mga foreign delegates para sa kanilang convention. Alam kong kaya mo yun anak.."

"Sige Dad, sabihin ko kay Sam na iayos niya ang sched ko para ma-accomodate yun sa Boracay.."

"O, paano, RJ, I'll be ahead, may golf kami ni Pareng Manny.. alam mo na mga matatanda.."

"Magchicks na naman kayo no! Go, Dad!"

••••••

"Meng, boarding na daw.. sino ba kase yang katext mo?"

"Hay naku yun bruhang kapitbahay ko, Si Gwen..."

"O e bakit daw?"

"Nakita daw niya sa twitter at news yun tungkol kay Mr. Walanghiya.."

"So? Inggit siya ganun? Tara na bilis at baka mapagsarahan tayo ng gate, ayun nauna na yun dalawang bakla!"

"Oo na.. maya ko ikwento sayo...."

Nakarating sila sa Boracay at agad silang nag-check in sa Regency Hotel na nakatalaga sa Station 1. Ngayon lang napunta sa Boracay si Meng kaya namangha siya sa ganda ng beach dito, ang maputing sand na gawa sa puca shells. Hindi kailan man umiinit kahit darang sa araw.

"Pao, Allan, Boobay, work na agad tayo ha. After one hour magkita tayo sa lobby para simulan na natin inspectionin ang hotel na ito."

"Meng, pwede ba mag-tang'ga na  ako?"

"Huy, Boobay mahiya ka naman!"

"Oi, Allan inggit ka, gumaya ka!"

"Magsitigil kayong dalawa. Bawal maggaganyan! Mga taong gobyerno tayo, tigilan ninyo yan kalaswaan ninyo!

"Pao, hindi ako, yan si Boobay!"

"Hay, tama na yan, akyat na sa kanya-kanyang room. Basta pagka-one hour magkita tayo dito sa lobby ha. Freshen up lang ako. Trabaho agad at 3 days lang tayo dito."

"Yes Madame!"

"Maka-madame, tigilan ninyo ako!"

•••••

After one hour...

"Hatiin natin yun work, Allan and Boobay, pakicheck yun buffet area, tignan ninyo kung gaano kalaki yun lugar, kung kaya i-accomodate ang 1000 katao. Tayo naman Pao, dun tayo sa convention area. Gusto ni Boss na maging maayos yun ventilation, audio at visual nung event. Kailangan detailed ang report. Kailangan masecure ang area for the  convention dahil bigatin ang mga delegates natin.."

"Okay, tara na Meng, simulan na natin.. Allan, Boobay mga 5 pm off natin. Bawal muna ang kalandian pwede! Kundi papauwiin kayo nito ni Madame..."

"Oo! Ang kulit! Tara na Lan..."

"See you later guys..."

At naghiwalay na agad ang kanya-kanyang grupo. Naging mabusisi ang apat sa pagcheck ng lahat ng details regarding the convention.

After ng checking....

"O paano, maya na lang dinner tayo magkita-kita ha.."

"Sige Meng punta ka na sa kwarto mo, mag-papa search muna kaming tatlo nito nila Pao at Allan."

"Hahaha! Sige mag-enjoy kayo at idlip lang ako. Napagod ako sa kalalakad. Bukas naman icheck natin yun water activities na pwede gawin ng mga delegates. Pati yun room assignment nila kung ok at secured. Alam nyo na.."

"Bye, Bessy! See you later.."

Tuluyan ng umalis si Meng upang pumunta sa unit niya. Tinawagan agad niya ang ama...

"Hello, Dad, how was your day?"

"I'm fine iha.. don't worry.. ikaw kamusta ka diyan? Nag-eenjoy ka ba? Baka naman puro trabaho yan ginagawa mo?"

"Dad, yun naman pinunta ko dito..anyway I just called to check on you.."

"Well, okay naman ako, niyaya ko si MaryAnn na manood ng sine para mag-enjoy naman kami.."

"Wow, Dad bakit di mo pa ligawan?"

"Meng, ano ka ba? Hindi nga! Mag-kaibigan lang kami.."

"Hushu! Kunwari ka pa Dad. Alam ko type mo si Tita MaryAnn. Okay lang sa akin Dad. You need to find your own happiness..."

"Ikaw lang sapat na anak ko.."

"Dad, don't mind me.  Big girl na ako..I only want you to be happy. You're not getting any younger. Matagal ng wala si Mommy kaya it's about time na happiness mo naman ang unahin mo, hindi ako magselos, promise! Isa pa I like Tita MaryAnn.. parang siya ang Mommy ko.."

"Hay bata ka! Ano ka? Si Kupido?"

"Hahaha! Alam ko Dad type mo! Kunwari ka pa, seriously walang masama! Go ahead Dad, reach out na!"

"O sige na, baka naghihintay na si MaryAnn..."

"Cge Dad, love you, Bye!"

"Bye anak, ingat ka diyan!"

Pagkababa ng phone niya ay nahiga muna siya sa kama. Nagmuni-muni kung kaya ba niyang mag-asawa muli ang Dad niya..May kirot sa puso ngunit kailangan din ng ama ng kaligayahan dahil buong buhay nito ay kaligayahan niya ang inuna.. panahon na para sa sarili naman ang intindihin.. ayaw ni Meng maging selfish kaya napagdesisyunan niyang di ito magiging hadlang sa kasiyahan ng ama. Isa pa mabait at disente ang Tita MaryAnn niya at alam niyang aalagaan nito ang Daddy niya..

Panahon naman na rin siguro na kalimutan na niya ang mapaklang kaganapan sa buhay niya.  Panahon na para kalimutan si Andrew..

This is it... Operation: Find Mr. Right!

Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon