Maine ignored all calls coming from RJ. She kept herself busy. As much as possible sa backdoor siya laging dumadaan dahil natatakot siyang makita si RJ na naghihintay sa lobby ng kanilang opisina.
RJ tried to reach Maine in anyway possible pero it seems that Maine doesn't want to do anything with him anymore. He did what a boyfriend would do for Louise kahit minsan hindi siya masaya at si Maine ang nasa isip niya. Hindi naman nakakahalata si Louise dahil most of the time during RJ's free time ay nasa tabi niya ito. RJ would escape his responsibilities in the office just to call or reach for Maine. Hindi kase niya nagagawa iyon kapag kasama niya si Louise. Napaka-clingy kase nito at demanding.
This scenario continued for another two weeks. Matagal na din silang hindi nagkikita ni Maine at ito ang lalong nagpapalungkot kay RJ. Alam niyang malaki ang kasalanan niya kay Maine kaya gusto niya itong makita para makausap. Hindi man niya alam kung paano aayusin ang gusot na kinasasangkutan niya pero, unti-unti ay nagiging malinaw na sa kanya na mahal niya si Maine. Marahil, awa na lamang ang nadarama niya para kay Louise. Ngunit hindi pa rin niya magawang makapaghiwalay dito dahil wala pa siyang lakas ng loob. Nagsisisi siya dahil iniwan niya si Maine nung dinner sa hotel. Sana ay hinayaan na lamang niya na umalis si Louise at tanggapin na mayroon na siyang iba. Pero parang huli na ang lahat. Wala na si Maine. Ayaw na nitong makipagkita sa kanya. At iyon ang isang bagay na di niya matanggap.
••••••••••
"Huy, Menggay may nag-iintay sayo sa baba. Huwag kang mag-alala kase hindi si Tisoy."
"Sino?"
"Yun Justin ba yun?"
"Ah yeah! Bakit daw?"
"Ewan ko lang. Puntahan mo at naghihintay dun. Bilisan mo na girl, ang gwapo! Pwedeng pantapat kay Tisoy!"
"Gaga ka Pao! Kaibigan ko lang yun!"
"E di ipasa mo sa akin!"
"Sira ka, baka sapakin ka nun! Sige na, pag-hinanap ako ni Chief, sabihin mo nasa baba ha. Sabihin mo, magcoffee lang ako saglit. Babalik din ako."
"Okay! Copy girl!"
••••••••
"O napadalaw ka? Anong meron?"
"Wala naman. Na-miss kita. Tara sama ka sa akin, magmeryenda tayo."
"May trabaho pa ako."
"Dyan lang naman tayo. Don't worry."
"Okay. Sa Mcdo na lang tayo. Gusto ko ng french fries at sundae. Malapit lang yun dito."
"Your wish is my command, Miss!"
"Hahaha! Ang cute mo!"
"Matagal na!"
"Yabang. Tara na, isang oras lang ang break ko."
Maine and Justin went to the nearest McDonalds para magmeryenda. Maine felt happy dahil mayroon siyang naging kaibigang tulad nito. Mabait na ay maalalahanin pa.
"Musta nga pala yun painting ko? Tapos mo na?"
"Malapit na. Pagnatapos na, isasama kita para makita mo."
"Wala ka bang ibang ginagawa sa buhay mo? Bakit oras ng trabaho, nasa galaan ka?"
"Day off ko ngayon. Alam mo, umalis yun pinagdridrive kong amo!"
"Hahaha! Gago! Hindi nga, anong pinagkaka-abalahan mo?"
"Yun pagpe-paint ko nga lang. Kumikita pa rin naman ako ng enough to support may needs. Hanggang ngayon di ko kase alam kung naka-freeze pa rin yun bank accounts ko e."
"Bank accounts? Meaning to say, madami! Mayaman ka pala e!"
"Sila lang ang mayaman! Ako hindi!"
"Sino sila? Ang daddy mo at yun kuya mo?"
"Yep! Pero stokwa ako now. Ayoko nga kaseng pinapakialaman nila."
"Then tell them. Kaysa malayo ka sa family mo."
"I don't think papayag sila. Si Mom lang naman nakakaintindi sa akin e."
"Talaga?"
"Oo. Sayang lang wala na siya."
"Okay lang yun. Hayaan mo na. Kung ako sayo, makikipag-bati ako sa Dad ko. Malay mo okay na ang lahat. Naiintindihan ka na niya."
"Sana. You know what, let's do this often. Masaya ka palang kausap."
"Bakit mukha ba akong kenkoy?"
"Hindi no! Ikaw talaga! Masarap kang kausap kase maganda yun mga advices mo."
"Salamat. Pero ang tanong, susundin mo ba?"
"Baka. Malay mo."
"I hope so! O paano, kailangan ko ng bumalik sa office. Let's do this again next time."
"Sure. Puntahan uli kita dito."
••••••••••
The rest of the day was busy for Maine. Pagkabalik niya sa office ay sinimulan agad niya ang ginagawang article.
After five na siya natapos. As usual overtime na naman. Naisipan niyang dumaan muna sa mall para magpalipas ng oras. Alam kase niyang gagabihin ang ama dahil may date ito with Tita MaryAnn niya. Ngayon lang kase nagkalakas ng loob ang ama na yayain ang babae. Sa wakas, ay naisipan din ng ama na sundin ang itinitibok ng puso. Gusto naman niya ang Tita MaryAnn niya dahil mabait ito at alam niyang magiging mabuting asawa at ina ito sa kanya.
Gabi na ng nakarating si Maine sa Condo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagulat siya dahil pagbukas ng pinto ng elevator ay bumungad ang lalaking ayaw niyang makita at makausap.
"Mr. Faulkerson, anong ginagawa mo dito?"
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
Hayran Kurgu"Hoy, babae! Bakit ipinagkakalat mong asawa mo ako? Ang kapal naman ng mukha mong mag-assume! Di ikaw ang tipo ng babaeng gugustuhin ko! Bawiin mo yun sinabi mo kundi, idedemanda kita!" ----Richard R. Faulkerson Jr. "Excuse me? Hindi ko sinabing asa...