For the past three months, hatid sundo si Maine kay RJ. Nakilala na nila ang isa't-isa sa halos araw-araw na pagkikita. Minsan lamang siya hindi masundo ni RJ kapag may out of town business trip ang lalaki o kaya naman ay kailangan ni Maine na puntahan ang mga recent projects na natapos niya. Pero RJ makes sure na laging nasa tabi niya. Ipinararamdam talaga nito ang panaliligaw at seryoso siya sa dalaga. Dahil dito ay nabuo na sa isip ni Maine na sagutin si RJ.
"It's about time, Meng. Tagal na nanliligaw ni RJ sayo. Huwag mo ng pahirapan. Baka maudlot pa."
"You think so, Pao? Hindi ba magmumukha akong cheap?"
"Anu ka naman? Yun iba nga kindatan lang sila na. E ikaw ang haba ng hair mo, girl. Halos hatid sundo ka niya kahit naman out of the way ng trabaho niya."
"Well, oo nga no! Naisip ko na rin naman na it's about time na rin. Siguro nga tama ka, sagutin ko na siya para magkaroon na ako ng first bf."
"Good for you! I wish you all the best, bessie!"
"Thanks, bff!"
••••••••
Later that day...
"Hello? Rj? Diba susunduin mo ako later?"
"Yes! Actually, I'm on my way na to your office. Out ka na ba?"
"Yes. I'm going to wait for you at the lobby na lang."
"No need! I'm here na actually. Outside your office. Can I come in?"
"Huy! Teka bakit nandito ka na? Makikita ka nila!"
"And so? Ikinahihiya mo ba na may nanliligaw sayo?"
"Nakakainis ka,eto na lalabas na ako. Huwag mo ng ituloy yan."
"Too late, baby. I'm here talking to your boss, Mr. Zamora."
"What?wait labas na ako."
••••••••
"Miss Mendoza, may sundo ka."
"Ah Sir, I'm sorry po. Excited po siguro si Mr. Faulkerson."
"Yes, excited po ako, Mr. Zamora, gusto ko ng makita agad ang babaeng nililigawan ko."
"Oh, Mr. Faulkerson, nanliligaw ka pala sa pinaka-pinagkakatiwalaan kong empleyado?"
"Sir Wally, pasensya na po ha. RJ, please wait for me na lang outside."
"It's okay, Maine. Mr. Faulkerson is very much welcome sa office natin."
"But.."
"No more buts! You deserve this. Puro ka kase trabaho. And isa pa, regalo ko na rin sayo dahil successful yun sa Boracay Convention and yun 7 Wonders sa Palawan. Pasensiya ka na ha Mr. Faulkerson, mahiyain ang batang ito. Ngayon lang naligawan iyan."
"Sir naman e.."
"Mr. Zamora, okay lang. Congrats, nga pala Meng sa project mo. Anyway, It was nice meeting you. I hope in the future, we'll be doing business with you again. Maine, shall we?"
"Ah sige. Sir, mag-out na po ako.RJ, kunin ko lang yun bag ko."
"Go ahead anak. Mag-enjoy kayo."
"Thank you, Mr. Zamora."
••••••••••
Lingid sa kaalaman nila ay nakataas ang kilay ni Denise na isa sa mga empleyado ng Bureau. Lalo siyang nainis kay Maine dahil bukod sa ito ang pinaka-pinagkakatiwalaan ng kanyang boss, ay nililigawan pa siya ng isang Richard James Faulkerson, ang lalaking pinapantasya ng karamihan sa mga kababaihang tulad niya. Mayaman, gwapo, at nagtataglay magandang katawan. Ano pa ba hahanapin ng isang babae sa tulad nito.
Napakaswerte ng bruha! Siya na nga laging binibigyan ni Sir Wally ng projects, may nanliligaw pang ubod ng yaman at gwapo! Ano ba meron yang babaeng yan? Di hamak na mas nakalalamang ako sa kanya sa ganda. Humanda yang babaeng yan, may araw din siya sa akin. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon na siraan ka gagawin ko. Para mapaalis ka sa Bureau.
Parang baliw na kinakausap ni Denise ang sarili. Hindi niya matanggap na naungusan na naman siya ni Maine sa pagkakataong ito. Matagal na kase ang lihim na galit nito kay Maine dahil hindi siya nabibigyan ng pagkakataon sa trabaho dahil nagpapakita lagi si Maine ng galing at dedikasyon kaya siya ang nabibigyan ng magagandang projects. Kahit kailan ay laging malilit lamang ang napupunta sa kanya kaya galit na galit siya dito. Feeling ni Denise ay sinasadya ni Maine iyon para ipamukha sa kanyang wala siyang kwenta. Kaya naman gigil na gigil at inis na inis siya kay Maine.
••••••••
Sa kotse habang papunta sila sa kung saan...
"Where to?"
"Kapag ba sinabi kong uwi na tayo, papayag ka?"
"Syempre hindi. Punta tayo sa Antipolo. Nagpareserve ako ng Dinner sa View Chalet."
"Sige."
"Okay ka lang? Kanina ka pa kase parang fidgeting?"
"Wala. Kinakabahan lang ako."
"Saan? It's only dinner. No hanky panky!"
"Okay.. Pagod din lang siguro. Dami ko trabaho today. Malapit na deadline nung Promotion ng Zambales for the upcoming United Nations. Balak kase ng Presidente na sa SBMA idaos yun."
"Wow! Ang galing naman ng baby ko!"
"Wait there! Di pa kita boyfriend!"
"E di sagutin mo na ako."
"Nagmamadali? Kala ko ba hihintayin mo ako?"
"I am. It's just that I want it now!"
"Soon.. very very soon...."
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
Fanfiction"Hoy, babae! Bakit ipinagkakalat mong asawa mo ako? Ang kapal naman ng mukha mong mag-assume! Di ikaw ang tipo ng babaeng gugustuhin ko! Bawiin mo yun sinabi mo kundi, idedemanda kita!" ----Richard R. Faulkerson Jr. "Excuse me? Hindi ko sinabing asa...