Akala ninyo di bongga ang kasal? Naku syempre di papayag si Paolo na hindi maging maayos ang kasal ng dalawa. At di rin siya papayag na simple lang kasal ni Maine, ang bff niya for life.Lingid kase sa kaalaman ni Maine at RJ ay gumagawa na sila ng paraan, kasabwat ang Dadddy nila Maine at RJ, kasama si Bea na Girlfriend ni Justin at si Mama Mary Ann ay naiayos na nila ang kasal.
Ang kasal ay magaganap sa San Sebastian Cathedral. Ang reception ay mangyayari sa The Ruins sa Talisay City. Ito ang pinaka romantikong lugar dahil ito ay ipinatayo ng isang Don Mariano Ledesma Lacson para sa una niyang asawa na namayapa na si Maria Braga. Inayos ang lugar para sa reception. Lingid kase sa kaalaman nila Maine at RJ ay isang buwan ng pabalik-balik sina Paolo, Justin at Bea sa lugar para ayusin ang kasal. Hindi na nila binggit kay RJ para masorpresa rin ito.
••••••
Naging matagumpay ang kasal. Halos lahat ng imbitado ay nagalak at natuwa dahil napakaganda ng kasal. Halos lahat ay naiyak sa Vows na binitawan ng mag-asawa.
Sa reception naman ay namangha sila dahil napakaganda ng ginawang pag-aayos ng wedding coordinator na kinuha ni Paolo at Bea.
After kasal, sa Butterfly Sanctuary sa Mambukal Resort nagtuloy ang bagong kasal. Pinasara ng Daddy ni RJ ang resort para doon makatuloy ang buong pamilya at mga Kaibigan nila RJ at Maine.
••••••••
Tunay ngang mahiwaga ang pag-ibig. Hindi mo inaakala na darating ang tunay na pagmamahal na nakalaan sayo sa di inaasahang pagkakataon. Parang kay RJ at Maine.
Unexpected love in an Unexpected scenarios...
The End!
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
Fanfiction"Hoy, babae! Bakit ipinagkakalat mong asawa mo ako? Ang kapal naman ng mukha mong mag-assume! Di ikaw ang tipo ng babaeng gugustuhin ko! Bawiin mo yun sinabi mo kundi, idedemanda kita!" ----Richard R. Faulkerson Jr. "Excuse me? Hindi ko sinabing asa...