Ngayong araw ang balik nila Maine sa Maynila. Kasalukuyang nasa airport na sila nila Paolo.
Pagbalik ay trabaho agad. Gahol na kase sila para sa nalalapit na Convention at kailangan maplantsa ang lahat ng detalye .
"Meng, bakit tahimik ka? May problema ba? Ano nga palang nangyari sa dinner ninyo nila Gwen? Inapi ka na naman ba ng babaeng yun?"
"Ayos lang Pao. Ganun naman talaga yun babaeng yun. Di ko alam kung bakit ang laki ng galit niya sa akin."
"Sa sinasabi mo, talagang inapi ka nga! Bakit di mo ako pinuntahan? Alam mo naman na nandito lang ako para sa iyo.."
"Huwag kang mag-alala hindi naman niya ako gaanong naapi, nandun din kase si Drew at sila Kat."
"Kahit na! Sa susunod huwag ka ng sasama sa babaeng yun. Huwag mo ng pansinin. Ang laki ng insecurity sa sarili!"
"Pao, narealize ko, kailangan ko na nga siguro magkaroon ng tunay na lovelife."
"Wow! Excited ako. Naku paano yun, isa lang ang matiyagang nanliligaw sayo... Paano ka magkakalovelife?"
"Tatanggapin ko yun sinasabi ni Dad na idate yun estudyante niya sa Business Taxation."
"Oo yun na lang kaysa dun kay Bugoy ha! Parang hindi naliligo at laging lukot ang polo. Huwag mong masagot-sagot yun!"
"Huy naman, di naman ako desperado. May konting taste naman ako."
"Buti naman. Hahaha.. pagbalik sa Manila imake-over kita."
"Sobra naman sa make-over! Bakit napaka-pangit at baduy ko ba?"
"Hindi naman! Manang lang. Pero infairness ha, ang galing ni Patty sa pagtuturo sayo ng fashion. Natuto ka! Kaya lang di ka naman nagmake-up.. ang itim na ng eyebags mo..mukha kang zombie! Natutulog ka pa ba?"
"Grabe makapintas! Syempre naman natutulog pa! Yun nga lang laging puyat.."
"Tara na, boarding na. Tignan mo si Boobay o, may na-pick up agad. Naka-angkla pa! Hahaha!"
"Daig ako Bes! Hahaha! Love ko talaga kayong tatlo! Lalo na ikaw! Sana lalaki ka na lang!"
"Eew! Kinikilabutan ako! Huwag kang tomboy, babae din ako!"
"Hahaha! Tara na!"
•••••••
"Ms. Yvana? How was your lunch with our client from the Bureau?"
"Ay! Sir nakakagulat ka naman! Akala ko umuwi ka na kahapon?"
"It's none of your business. May nalimutan lang ako. Yun tanong ko sayo sagutin mo!"
"Sir, Ms. Mendoza was glad na inilipat po ninyo yun venue sa Richards Hall. Actually she asked me to say thank you to you for the last minute revisions you made para lang sa Convention. Ibabalita daw niya sa Chief nila na maganda ang reception dito sa hotel. She said hopefully next time sa hotels daw natin uli magaganap yun mga future projects ng Bureau."
"Ah ganun ba? Nagcheck out na ba sila? I want to personally thank them.."
"Ahh Sir parang nagmamadali si Ms. Maine kaya nagcheck out sila an hour ahead of our check out time. Madami pa daw siyang trabaho na naghihintay sa Manila."
"Okay. Anyway, I'll be leaving na rin. Paki sabi sa shuttle driver na ihatid ako agad sa airport para makabalik na ako sa Manila. ASAP. May gusto akong habulin sa Manila."
"Yes Sir! Now na po!"
"Thank you Miss Yvana."
"Welcome, Sir!"
•••••••
As soon as makarating sa Manila ay maghihiwa-hiwalay na dapat ang apat....
"Meng, sabay ka na ba sa akin? Tutal malapit lang ang Condo mo sa apartment ko."
"Sige Paolo, mabuti pa nga kase parang nahilo ako sa sobrang tagtag sa eroplano. O paano, Boobay, Allan see you tomorrow sa office."
"Okay, Ingat kayong dalawa ni Pao ha! Meng ipahinga mo yan pagod mo!"
"Salamat, Allan! Tara na!"
"Teka lang, may parang tumatawag sayo, Meng.."
"Sino?"
"Hi! Long time no see.. Musta ka na Maine?"
"Justin? Walanghiya ka bigla ka na lang sumusulpot kung saan!"
"Madami akong connections!"
"By the way, si Paolo, Si Allan at si Boobay. Mga officemates ko slash barkada."
"Hi Pogi! I'm Allan. Gusto mo ng rubber shoes?"
"Huy! Grabe ka Lan, pasensiya ka na sa baklang ito ha, I'm Boobay, ang diosa ng kagandahan!"
"Isa ka pa! Pasensiya ka na sa dalawang ito, Paolo, pare!
"Huwag kang maniwala diyan kay Paolo, paminta rin yan! Hahaha!"
"Tama na yan. Tara na at pagod na ako. So paano, Justin una na kami ha!"
"Kaya nga ako nandito para sunduin ka. Ihatid na kita sa Condo mo."
"Kasabay ko si Pao e. Okay lang mag-Grab na lang kami."
"I won't take no for an answer. Isabay na lang natin si Paolo if you want."
"Sige Meng sumabay na tayo para makatipid sa pamasahe."
"Paolo!"
"Malayo pa sweldo, huwag ka ng magpabebe!"
"Sige na nga! Tara na Justin! Bye na talaga, Lan, Bay!
"Bye!"
"Bye! Ingat!"
••••••••
Pagkahatid kay Paolo ay dumiretso na sila sa Condo nila Meng.
"Are you sure di ka nagugutom? Pwede tayo magtake out sa McDo."
"No need. Pagod na talaga ako. Some other time na lang siguro."
"Okay. Pero pwede ba kitang sunduin sa Bureau bukas para makapag-dinner tayo?"
"Tapos ano? Lalayasan mo na naman ako. Kaya tuloy magkanda-leche leche buhay ko e."
"Bakit anong nangyari nun umalis ako? Pagbalik ko kase wala ka na."
"Tinulungan ako nun Mr. Faulkerson. Nakakahiya nasigawan ko pa kahit nagmagandang loob sa akin. Akala ko kase pinagsamantalahan ako."
"Sorry! Hindi ko yun sinasadya. May nakita kase akong iniiwasan nun kaya naiwan na kita. Patawarin mo na ako."
"May magagawa pa ba ako? Teka may nililigawan ka pala, sino si Bea?"
"Naku di yun totoo. Si Bea kaibigan ko lang. Parang tayo. Pero di ko nililigawan. Teka paano mo nalaman yun?"
"Wala ka bang media knowledge? Nasa news kaya. Napagkamalan pa akong asawa nun Faulkerson dahil binuhat ako nun mahimatay ako sa sobrang kalasingan."
"Dami pala nangyari sayo! Sorry talaga Maine. Di na maulit! Bukas bawi ako sayo ha! Promise!"
"Pag-isipan ko pa! Galit nga pala ako dapat sayo!"
"Hahaha! Pero di mo yun kaya! Ang bait mo kaya!"
"Oo na. Mga 6pm ka pumunta kse dami ko tapusin. O diyan na yun building namin. Tigil mo na dito. Salamat sa paghatid sa amin ni Paolo ha!"
"Okay! Pahinga ka muna! See you bukas!"
"Ingat ka sa pagdrive! Bye!"
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
Fanfiction"Hoy, babae! Bakit ipinagkakalat mong asawa mo ako? Ang kapal naman ng mukha mong mag-assume! Di ikaw ang tipo ng babaeng gugustuhin ko! Bawiin mo yun sinabi mo kundi, idedemanda kita!" ----Richard R. Faulkerson Jr. "Excuse me? Hindi ko sinabing asa...