"Good news, Menggay."
"Ano yun, Pao?"
"Madestino tayo sa Batanes for one week. Di pa ba sinabi ni Sir Wally na tayo napili para sa promotion ng probinsya?"
"Really? Kelan daw?"
"Sa Friday na alis natin. Tayong dalawa lang muna kase di pwede si Allan at si Boobay dahil may inutos si Boss sa kanila."
"Wow, sa isang araw na yun pero di man lang ako na-inform. Ang galing ninyo!"
"Well, now I'm telling you. Get ready na bes kase masaya yun!"
"May magagawa pa ba ako?"
"It's done okay! Kausapin ka daw ni Sir Wally sa office niya mayang 10am. May instructions kase."
"Sige na! Tapusin ko pa yun trabaho ko."
Agad tinawagan ni Meng ang ama para magpaalam sa nalalapit niyang trip sa Batanes. Tiwala naman siyang hindi malulungkot ang ama at nagkakamabutihan na ito at ang Tita MaryAnn niya.
••••••••••
"Sir RJ, all set na po yun pinareserve ninyong lodging house. Hihintayin na lang po ang inyong pagdating."
"Okay. Salamat Kris. Pakiready din yun ating private plane. Alis tayo tomorrow morning."
"Copy Sir."
Gusto muna ni RJ mag-isip isip ng estratehiya kung paano niya mapapabalik sa kanya si Meng. He wanted to settle things with Meng kase miss na miss na niya ang dating nobya. Actually, technically, sila pa rin. Hindi naman sila nagbreak. Sadyang umiwas lamang ito sa kanya nung makipagbalikan siya kay Louise. Which was a wrong decision na pinagsisisihan niya. Ngayon naisip niya na ayusin ang lahat sa kanila ni Meng. Ayaw na niyang may mamagitan pa sa kanila, kahit pa si Louise o ang Dad niya. Buo na sa loob niya na mahal niya ang babae at ito ang nais niyang makasama sa habang buhay.
••••••••
Friday came...
"Paolo! Lika na at baka maiwan tayo sa flight. Ang bagal mo!"
"Ano ka ba, bessy! Hindi no! Sandali na lang, hinahanap ko pa yun scarf ko."
"Lecheng scark yan! Tignan ko nga yang leeg mo, malamang nakipag-lambutsingan ka na naman kagabi!"
"Tse! Minsan lang no!"
"Sinasabi ko na. Tara na kase
Takpan mo yang mga tsikinini mo sa leeg, nakakahiya! Grabe ang la-laki! Ano ba yan boylet mo? Linta?""Hahaha. Tara na. Eto na nakita ko na."
Agad silang sumakay ng Uber para makapunta sa airport. Hindi pa man sila nakakalapit sa check-in area ay may lumapit na sa kanila para iassist sila
"Miss Mendoza, Good Morning. I'm Captain Kenneth Santillan. Ako po ang maghahatid sa inyo sa Batanes. Nakaready na po ang private plane. Let's go!"
"Excuse me? But you got it wrong. Baka po iba ang sinasabi ninyo.
"Hindi po Ma'am. Kayo nga po yun sabi ng boss namin na VIP. You work for the Bureau, right?"
"Opo. Kung ganun po, salamat."
"Yun accomodations po ninyo sa Batanes, nakapre-booked na rin, kaya pagdating po doon ay may shuttle na naghihintay sa inyo."
"Thanks, Mr. Santillan."
"You're welcome, Ma'am. Let's go.."
Sumunod ang dalawa sa piloto at di maiwasang magbulungan.
"Bes, nakaprivate-plane talaga tayo?"
"Paolo, feeling ko may iba e. Kinakabahan ako, bes."
"Hayaan mo na. Basta magkasama tayo..
"Anu pa nga ba! Pero malalaman ko rin yun."
Malakas ang kutob ni Maine na may kinalaman si RJ dito sa trabaho nila. Mukhang tinototoo nito ang sinabi sa kanya. Kinakabahan man, sumunod na lang sila sa hangar para makasakay ng eroplano.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
Hayran Kurgu"Hoy, babae! Bakit ipinagkakalat mong asawa mo ako? Ang kapal naman ng mukha mong mag-assume! Di ikaw ang tipo ng babaeng gugustuhin ko! Bawiin mo yun sinabi mo kundi, idedemanda kita!" ----Richard R. Faulkerson Jr. "Excuse me? Hindi ko sinabing asa...