The following days made RJ and Maine very busy. Bihira sila magkita kase kailangang ayusin ni RJ ang trabaho niya. Kailangan niyang mapapayag ang Chinese investors na pumirma sa merging ng two companies. Kailangan niyang pumunta ng China para i-meet ang Chinese businessman na si Mr. Wilson Cheng.
"Love, I'm going to China for one week. Kailangan kong kausapin si Mr. Cheng."
"It's okay Love. Busy din naman ako sa trabaho kaya bihira rin tayo magkikita kung hindi ka aalis."
"Are you going to be okay?"
"Oo naman. Huwag kang mag-alala sa akin. I'll be fine. Ikaw ang dapat mag-ingat. Bibiyahe ka sa malayo. Take care of yourself, Love."
"Of course. Pagbalik ko aalis tayo. Promise, Love."
"Okay nga lang. Pero I'm looking forward to that. Teka kelan ang alis mo?"
"Tomorrow morning na. Biglaan. Nabalitaan ko kase na mukhang umaaligid ang San Fabian sa World Group. Baka balak sulutin at unahan kami. Actually, may understanding na naman talaga na pipirma sila sa amin, kaya lang Louise's Papa got in the way. Parang haharangin niya ang merging kase nga nakipag-break ako kay Louise."
"Love, don't worry. I know God will provide. Maganda ang proposal ng company mo so I believe, papayag ang World Group sa merging."
"Thank you, Love. Please pray na mapapayag ko sila."
"I will, Love. Ayoko kaseng nakikita kang nai-stress sa work mo. Nahihirapan din ako."
"Don't worry about me, Love. Kakayanin ko ito. I love you, mahal."
"I love you, too!"
The rest of the day, ay nag-enjoy lang ang dalawa. Ayaw nilang mabahiran ng negativity ang pagsasama nila. They went to watch a romcom movie para maging light ang atmosphere sa paligid nila.
••••••••
Maine was busy doing her job when she recieved a phone call.
"Hello? Is this Maine?"
"Yes. Who's this?
"This is Louise Delos Santos. Can we meet at Coffee Project sa Quezon City at 5:30 this afternoon. I need to tell you something."
"About what? Anyway, sure, I'll be there. I'll see you later."
Nagulat si Maine ng biglang tumawag si Louise sa kanya. Di niya alam kung papaano nito nalaman ang phone number niya. Mukhang may connection ito dahil ganoon na lang niya nakuha ang number ng postpaid line ni Maine. Kinakabahan man sa pag-uusapan nila ay nag-ayos si Maine para naman kapag nagkita sila ay hindi naman siya magmukhang kawawa sa harapan ng magandang ex ni RJ.
At 5:00 pm ay nag-out na siya sa office. Medyo malayo kase ang lugar kung saan sila magkikita ni Louise.
Nakarating si Maine sa Coffee Project at around, 5:20. Mabilis naman ang biyahe kase nag-Grab na lang siya. Pagpasok niya ay agad niyang nilibot ang tingin sa lugar. Mukhang wala pa ang babae. Naisipan niyang umorder ng Banana Muffin at Caramel Lattè habang hinihintay niya ang babae.
Mga 5:40 na ng makarating ang kausap. Napailing na lang si Maine dahil alam niyang importante ang punctuality.
"Hi! Louise Delos Santos. You're Maine, right?"
"Maine Mendoza. What are we going to talk about?"
Direct to the point na si Maine. She wants to get over with the meeting agad kaya walang paliguy-ligoy na siyang nagtanong.
"Well, I know you know na ako yun girlfriend ni RJ."
"I know. You're his ex."
"Yeah, right. Ex it is! Hindi na ako mahihiya, well, I wanted to tell you kaya I wanted to meet na kung pwede, leave RJ and me alone. I mean hayaan mong maayos namin ang relationship namin."
"You know, Louise, it's not for me to decide, it is RJ's. And kahit pagbigyan kita dahil naiintindihan ko ang sitwasyon mo, si RJ pa rin ang magde-decide. And so I'm sorry, I can't give you what you want."
"You know naman na he loves me before. Kundi dahil kay Justin, e di sana mag-asawa na kami ngayon. And I believe na mahal pa rin niya ako at naguguluhan lang siya dahil nandiyan ka. So please, hayaan mo kaming buuin uli ang relationship namin."
"Ms. Delos Santos, I do love RJ as much as you. I gave him up for you, remember nung bagong balik ka. But it was him who decided na he wants to be with me, instead. Ayaw kitang saktan kahit ako ang masaya pero wala akong magagawa. I know you will find yours the soonest. If only you will let it be. You're pretty and rich. Maraming maghahabol sa iyo. Just please let RJ go. I know he is happy with me. And I, with him. You who should accept na wala na kayo."
"He is my life. I gave up so many things for him, I sacrificed my happiness for him. Is'nt it enough reason para hayaan mo kami?"
"I know how you feel, kaya lang sinabi ko nga diba, RJ is the right person para magdecide. Hindi ko na saklaw ang desisyon niya. What you're asking me, is selfishness on my part but, I love him and I'll fight for him! I'm sorry, Louise."
"Well, alam ko naman na hindi ka papayag kaya lang nagtry pa rin ako. Babae sa babae. Akala ko maiintindihan mo ang hirap ko, but I was wrong. Anyway, enjoy your coffee. I'll go ahead. Take care of RJ."
"I'm sorry...."
At yun lang ay umalis agad si Louise. Bakas dito ang lungkot. Kita din niya ng palabas na ito na may luhang tumulo mula sa mata ng babae. Believe din siya sa babae dahil kung siya man ang nasa kalagayan nito, malamang ay hahayaan na lamang niya na mawala ang lalaki mahal. Pero dahil sa pagmamahal nito kay RJ ay nagawa nitong ibaba ang sarili kay Maine at mag-makaawa. Ngunit hindi rin naman papayag si Maine na mawala pa ang kaligayahan niya dahil nangako siya kay RJ na ito lang ang paniniwalaan niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love (Completed)
Fiksi Penggemar"Hoy, babae! Bakit ipinagkakalat mong asawa mo ako? Ang kapal naman ng mukha mong mag-assume! Di ikaw ang tipo ng babaeng gugustuhin ko! Bawiin mo yun sinabi mo kundi, idedemanda kita!" ----Richard R. Faulkerson Jr. "Excuse me? Hindi ko sinabing asa...