twenty six

2.3K 110 4
                                    

Maagang umalis si Maine ngayong araw. Gusto niyang simulan agad ang trabaho.

Ginawa niya ang lahat ng dapat gawin para sa araw na yun. Kasama niya sila Paolo at Allan sa trip sa Subic. After ng work ay nagpunta sila sa isang bar sa Hotel na kanilang tinutuluyan. Humiwalay muna si Allan dahil kasama nito ang jowa niyang German.

"Bes, bakit hindi ka ata sinundan ni Pogi?"

"Paolo, pwede ba, huwag mo munang tanungin yan. Ayokong pag-usapan."

"I smell something fishy. Break na ba kayo?"

"Ang kulit mo! Sabi ng tigilan mo ako. Mag-enjoy na lang tayo."

"Okay! Ang sungit!"

"Sorry, Paolo, o para matigil ka na, oo wala na kami. Satisfied?"

"Aw! Sorry naman. Totoo nga. Kaya pala di ka na niya pinuntahan dito. Nga pala, huwag kang magagalit ha?"

"Ano yun? At bakit ako magalit?

"Kase, I saw him the other night sa isang resto sa Makati. May kasama siyang ibang girl and mukhang sweet sila. Sorry girl, sasabihin ko naman sayo kaya lang ayaw kitang masaktan."

"Okay lang. Ganun talaga e."

"Sino ba yun? Mukhang model at maganda."

"Di ko alam, bes. Ayoko ng isipin."

"Nakipagbreak ba siya sayo ng maayos?"

"Hay, ang kulit!"

"Oo na! Pero naaawa kase ako sayo. Mukhang sambakol yang mukha mo!"

"Hayaan mo na. Kaya siguro nawalan ng gana e pangit ako!"

"It's not true! Maganda ka!"

"Bestfriend kase kita."

"Hindi! Kase totoong maganda ka!"

"Salamat kung ganun. Alam mo, mabuti pa magpakasaya tayo!"

"Kailangan ba may boylet?"

"Gaga! Kailangan talaga ng lalaki? Sakit lang sa bangs yan. Mas mabuti pa magpakalasing tayo!"

"Sige! I like it bes!"

"Hahaha! I love you, Bes."

"Love you, too, Menggay!"

Nagpakasaya ang dalawa ng gabing yun. Nang malasing ay bumalik na sila sa kani-kanilang kwarto. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot ni Maine ng oras na yun. Nakatulog agad siya sa sobrang kalasingan.

••••••••

Kinabukasan...

"Kakainis ka Paolo, ang sakit ng ulo ko. Tagay ka pa ng tagay!"

"Ikaw itong makulit diyan e! Sabi ng tama na, sige ka pa rin."

"Anyway, nag-enjoy naman ako. At least nakalimot ako kahit sandali lang."

"Pero, bes hindi dapat araw-araw ang paglalasing para makalimot ha!"

"Oo naman. Di pati pwede yun kay Daddy."

"O paano? Anong agenda natin today?"

"Well, magfood tasting tayo, tapos icheck natin yun facilities nila kung complete. Then after, i-meet natin ang secretary ng DILG para sa ibang details. Mga Lunch time yun. May mga VIP delegates daw na dadating."

"Gusto ko yun food tasting! Ikaw na sa meeting with the secretary."

"Gaga! Kasama ka rin dun! Tara na ng matapos natin agad. Maya mag jetski tayo after work."

"Sige. Sulitin natin itong araw na ito. Bukas balik Manila na naman tayo."

"Hay, pwede ba dito na lang ako?"

"O anong nangyari sayo?"

"Wala! Masaya dito. Kung pwede lang dito na lang ako."

"Sira, Tara na nga!"

The day went by easily. Natapos nila ang mga dapat tapusin. Kinabukasan kase ay babalik na sila sa Manila.

•••••••••

While Maine, Paolo, Allan and Allan's boyfriend were having their late night dinner after their water activities, biglang nagring ang phone ni Maine. Nakita niya na ang incoming call ay galing kay RJ.
Nag-drop call siya agad dahil ayaw niyang kausapin ito. Naka-ilang tawag ito pero nire-reject niya lang. Kaya ng mag-sawa si RJ ay nagtext na lang ito.

From:RJ/ Tuesday 13 April 2016

Maine, I know galit ka pa rin sa akin. I'm sorry. Hindi ko alam na babalik si Louise. I had no choice. Nasaktan ko na siya dati, mahirap kung sasaktan ko siya ulit. Give me time para makapag-isip. Believe me, ayaw kitang saktan. Please talk to me, I missed you na. Alam kong kahit ikaw din ay nasasaktan ko, pero I'm asking for your forgiveness. Mag-usap tayo. Pag-usapan natin ang tungkol sa atin. Please Maine, Talk to me..

Gustong mainis ni Maine sa nakitang message mula kay RJ. Ang lakas ng loob niyang magsabi na na-miss siya. Samantalang hindi nga siya naisipang tawagan o itext man lang ng lalaki nung araw na iwan siya nito sa Rich Crown.

"Okay ka lang? Sino yun tawag ng tawag? Si Tisoy ba?"

"Oo. Huwag mo ng pansinin, bes. Di ko naman sinagot yun text."

"Tama bes. Move on. Hayaan mo siyang maghabol sayo."

"Bes, hindi ako hahabulin nun. Hahayaan ko na lang yun. Hindi na ako makikipag-usap sa kanya. Alam ko naman ang sasabihin niya sa akin. Na hihiwalayan na niya ako."

"Tama, bes. Hayaan mo na. Marami namang shokoy sa sea."

"Hahaha! Shokoy talaga? Hindi ba fishes?"

"Okay na yun. Lamang kase sa kagwapuhan yun ex mo kaya siya yun fish. Yun iba, shokoy na! Hahaha!"

"Tama na yan. Maaga pa tayo bukas magbiyahe. Mag-report pa kase tayo sa office bago umuwi."

"Naku, yan kalbong Chief Wally na yan, di ba pwedeng sa Thursday na lang?"

"Naku, hindi no. Alam mo naman si Boss agad-agad ang report, ayaw ipagpabukas."

"Okay fine! Uwian ko siya ng Wig!"

"Hoy! Paolo, baka marinig ka ni Allan, isumbong ka."

"Di yan, bingi yan lalo na ngayon kasama yun BF niyang mukhang binuhusan ng pulbos."

"Hoy, Paolo, Meng dinig ko po kayo! Pwede ba, mind your own business!"

"Hahaha! Bakla ka!"

"Ikaw din, Pao! Huwag kang makabakla-bakla diyan. Ikaw kaya ang Reyna!"

"Tama na yan. Paano, akyat na ako sa room ko. Bukas maaga tayo ha. Paolo, huwag ka ng maglasing. Ikaw naman Allan, pagpahingahin mo yan bf mo! Kahapon mo pa yan ayaw tigilan."

"Bwahahaha!"

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

A/N please don't hesitate to give suggestions and opinions. Tanggap po. Sorry for the wrong grammar and spelling. Bago lang po sa kalakarang ito.

Thank you!

-ava-





Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon