eleven

2.5K 144 12
                                    


"Paano nga kayo nagkakilala? Saan? Kwento nyo naman!"

Excited na tanong ni Kat kay Maine at Alden.

"Ha, ah eh.... "

"Ganito kase yun, nameet ko si Maine sa BGC sa Basti's. Nalove at first sight ako sa kanya kaya inuwi ko siya sa bahay ko, and then yun na, kinabukasan, nagpakasal na kami."

"Ganun kadali? As in! Hay Maine, ang haba ng hair mo!"

"Hindi naman.. Hindi kami nagpaka...."

"Nagpakasal tayo agad, remember? Akala mo kase may nangyari sa atin kaya ayun pinilit mo akong magpakasal kahit ayaw ko pa nung una!"

"E akala ko ba nalove at first sight ka kay Meng?"

"Hindi, joke lang yun Kat. Gusto ko naman talaga siyang pakasalan simula nung makita ko siya. Ang ganda ng mga mata niya, yun lips napaka full.. ang sarap halikan. At ang bango bango pa niya... hmmm.. tanda ko pa yun Love nun hinalikan kita.. Tanda mo rin ba yun? Napaka-unforgetable."

"Ang sweet! Kakainggit kayo! Kelan kaya ako magkakalovelife tulad ninyo?"

"Magkakaron ka din, tiwala lang. Diba Meng?"

"Ha ah e.. oo tama ka Stacey. Maganda naman si Kat kaya lang laging busy sa work.."

"Kamusta na nga pala si Tito Ted, Maine? Nagtuturo pa rin ba siya?"

"Oo, Stacey. Actually hinihikayat ko nga na ligawan na si Tita MaryAnn para sumaya siya.. Buong buhay niya kase, ako lang iniintindi niya... Naawa na ako kay Daddy. Malungkot siya pag gabi. Naiisip siguro si Mommy. Pero nung dumating si Tita, ayun alam ko nagustuhan niya. Nahihiya lang siguro ai Dad sa akin.."

"Naku pakisabi kinukumusta namin siya ha! Oy, Gwen tahimik ka? Anong iniisip mo?"

"Wala naman iniisip ko lang kung papuntahin ko kaya si Andrew dito para makilala yun asawa ni Maine.. what do you think, Richard? Okay lang ba sayo?"

"Okay lang sa akin.. e sa inyo? Stacey, Kat? Okay lang ba?"

"Oo naman! Medyo matagal na din namin di nakikita si Andrew. Tawagan mo na Gwen para makapunta na siya dito.."

Namawis ang mga kamay ni Meng ng marinig na papupuntahin ni Gwen si Andrew. Nakamove on na ba siya? Kinakabahan siyang napayuko. Napansin naman agad ni RJ na nakayuko si Maine at parang balisa....

"Hey, are you okay? Bakit parang natahimik ka? May problema ba dun sa Andrew?"

"Ha, wala! Okay ako! Hayaan mo na ako."

"Sigurado ka? Mukhang hindi e.."

"Pwede ba, huwag mo na akong pakialaman. Ang galing mong script writer. Believe ako sayo.."

"Hahaha! E yan ang gusto mo diba. Tinutulungan na nga kita, ayaw mo pang magpasalamat."

"Thank you but not thank you! Pinalala mo sitwasyon! Ayan tignan mo yun mga nakapaligid, may kumukuha ng picture.. malamang nasa news ka na naman."

"Hayaan mo sila. Para wala na rin maghabol sa aking babae, hayaan mong isipin nilang may asawa na ako.."

"Kahit hindi totoo! Bahala ka nga!"

"Huy, Richard, Maine bulungan kayo ng bulungan. Anu yun? Share ninyo naman.."

"Kat napaka-tsismosa mo! Usapang mag-asawa yun kaya huwag kang makisali!"

"Ay ayan na pala ang Andrew ko! Hi, Sweetie! Gutom ka na? Kamusta yun trabaho mo?"

"Bakit Gwen di kayo magkasama sa kwarto? Iniwan mo yun asawa mo na hindi pinapakain? Grabe ka ha!"

Unexpected Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon