Chapter 3

349 18 18
                                    

3rd Person's POV

Ilang araw narin ang nakakalipas simula ng magkasundo si Violet at Steven. Kasama sa kasunduan nila ang pagtira niya dito, sa Cray Manor. Ang laki ng bahay na ito, ngunit napakalungkot dahil tanging mga maid lang ang pumupuno sa kalungkutan ng bahay na madalas siyang pinagtitinginan at pinagbubulungan sa tuwing dadaan siya. Katulad ngayun.

"Nakakatakot talaga siya diba?"

"Oo nga. Pero saan kaya sila nagkakilala ni Young Master?"

"Hindi ko alam. Pero sobrang puti niya"

'tch. mga walang kwenta. nagbulungan pa dinig ko naman. malamang bampira ako eh Tss.' sa isip niya

Hanggang ngayun ay di pa rin siya umiinom ng dugo. Kasama yun sa eksperimento nila ni Steven, sinusubukan nilang alamin kung hanggang kailan kayang tiisin ni Violet ang hindi pag-inom ng dugo.

"Young Lady, pinapapunta po kayo ni Young Master sa opisina niya"

'young lady?! daming arte'

Tinanguan na lamang niya ito.

Naglakad na siya papunta sa opisina ni Steven. 'hah! Opisina daw. malamang eksperimento nanaman. Bwiset! sabi niya sa isip isip niya.

Sa opisina kasi ni steven makikita ang pintuan papasok sa sekretong laboratoryo niya. Makikita iyon sa likod ng mga bookshelf na si Steven lang ang nakakaalam kung panu buksan, basta ang alam niya lang pagpinapapunta siya dun, nakabukas na iyon na tila ba hinihintay siya tapos pagpasok niya ay kusa ng magsasara.

Inabot din ng ilang minuto ang paglalakad niya dahil bukod sa malaki ang Manor ay hindi siya pwedeng gumamit ng vampire abilities dahil may mga tao.

Pagkarating niya duon ay tama ang hinala niya. Nakabukas na nga ito. Pumasok siya at naabutan si Steven na nakasuot ng Lab. gown at may hawak na mga pangtala.

"hoy! Pag-eeksperimentuhan mo nanaman ako ngayun noh!? "

Lumingon si Steven sa kanya, seryoso ang mukha."Hindi, Pinapunta kita dito dahil may nahanap na ang mga investigator ko tungkol kay Nikita. " bahagyang huminto ito para tingnan ang reaksyon ng dalaga ngunit naging blangko lang ito at nawala ang bakas ng inis "ayon sa mga nakuha nilang impormasyon, bigla na lamang daw itong nawala pati ang buong pamilya mo sa araw mismo ng ikalabinwalong kaarawan mo. Ayon sa mga nakakakilala sainyong pamilya ay may narinig daw silang mga ingay at alulong ng mga aso at pagkatapos non ay namatay daw ang ilaw sa bahay niyo. Kinabukasan ay hindi na nila nakita pa sila. Walang nakakaalam kung patay na sila o buhay pa. Ngunit ang mga papel na nahanap ko nung nahanap kita...." hindi na itinuloy ni Steven dahil natatakot siya, Natatakot siyang magwalang muli si Violet tulad nuong sinabi niya ang tungkol sa papel. Halos mawasak ang buong laboratoryo niya nung matapos itong umiyak. Mabuti na lamang at hindi siya kinagat nito.

"wala akong pakialam sa papel nayun, sadyang ginagalit lang talaga ako ng kung sinumang may gawa nito saamin, Isipin mo nga, sinigurado niyang mababasa ko yun dahil kapansin pansin na hindi yun nagalaw sa pagsabog, kaya waq kang magtangatangahan na parang hindi mo yun napansin. " monotonous na sambit ni Violet.

"Pero pano mo ipapaliwanag ung biglaan nilang pagkawala? Itigil na natin to Violet"

"Manahimik ka Steven. Hindi ko naman to ginagawa ng libre diba, pinageeksperimentuhan mo ko bilang kapalit. Isang linggo ka palang naghahanap yan na ang sinasabi mo?! Sabihin mo lang kung pagod ka na maghanap para makaalis na ko at ako na ang maghahanap sa kanila!"

"tss. Fine, kaylangan kita at kaylangan mo ko, walang kagfufull out sa deal,"

" psh. bobo, di kita kaylangan . Mukha mo."

No ordinary Girl (on going. Daily updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon