Chapter 19

190 7 15
                                    

Violet's POV

"Violet san ka ba galing kagabi bakit hindi ka sa kwarto natulog? lumabas ka ba?" bungad sakin ni Clarise pag pasok ko sa kusina, dumiretso muna ako sa ref at kumuha ng inumin bago sumagot.

"Nasa training room ako, nagsanay." sagot ko. 

"Masyado ka naman yatang nagpapagod sa kakasanay." aniya.Nagkibit balikat lang ako.

"Uy Vana!Goodmorning!Andyan ka na pala."Masiglang bati ni Clarise na nakatingin sa likod ko.

"Goodmorning din.Nagsanay ka pala kagabi?Kasama mo si Steven?Wala din daw siya sa kwarto nila ni Don kagabi?" sabi ni Vana.

Bigla namang nag-init ang mukha ko na parang ginagapangan ito ng milyon milyong langgam.Naiisip ko pa lamang ang nangyari kagabi ay hindi ko na mapigilang mamula.

"Hoy! Bakit ka namumula?" tanong ni Clarise.

"A-anong n-namumula ka jan? Sa putla kong 'to, namumula? Tss!IPatingnan mo na yang mata mo sa doctor." sagot ko na pilit inilalayo ang mukha sa paningin nila.

"Oh, eh bakit nauutal ka? Tinanong lang kung magkasama kayo ni Steven kagabi eh namula ka na?Pahalata ka masyado." ani Vana. Umirap pa ito saakin at kumuha rin ng maiinom niya.

"Tsk. Ewan ko sainyo!" bulyaw ko saka umalis na don.Narinig ko pa silang kinantyawan ako pero hindi ko na pinansin.

Nung papaakyat na ako sa kwarto ko ay nakita ko si Steven.Ngiting-ngiti ito na binati pa ako ng 'goodmorning' saka dumiretso sa baba. Naalala ko nanaman tuloy yung nangyari kagabi. Nag-iinit nanaman ang mukha ko at hindi ko mapigilang ngumiti. Gusto kong ihampas ang ulo ko sa pader dahil sa reaksyon ng katawan ko sa nangyayari eh!

Magdamag kaming gising ni Steven kagabi habang nasa training room. Wag kayung magisip ng madumi kong ayaw niyong dukutin ko ang puso niyo at ipakain sa aso!Tsk!

Nag usap lang kami ng sobrang tagal. Kwento siya ng kwento tungkol sa sarili niya dahil kahit pinipilit niya ako ay hindi ako nagkwento.

Magaalas-dos na nung maisipan naming bumalik na sa kanya-kanya naming silid. Kaya hindi ko rin alam kung paano nalaman ni Clarise na wala ako sa kwarto ko kagabi.

Pagtapat ko sa kwarto ko ay diretso na sana akong papasok nang may maapakan ako. Pagtingin ko sa baba ay bulaklak pala.Rosas na puti at Pula. Nakaayos ito na parang yung ibinibigay sa mga nananalo sa mga beauty contest.Tss!Sino naman ang burarang nag-iwan nito? At sa tapat ng kwarto ko pa talaga!

Tumakbo ako pababa hawak hawak ang bulaklak na hindi ko na inabala pang tignan. Pagdating ko sa baba ay nasa kusina na silang lahat.

"Oo, nauutal nga kanina eh." Narinig kong bulong ni Clarise. Nagtatawanan pa sila. Andito rin si Steven at nakikisalo sa pagkaen sakanila.Hindi naman siya nahirapang makitungo sa kanilang lahat kahit na tao siya dahil sa kabaitang ipinapakita nila sakanya. Maliban nalang kay Ian na madalas niyang pinag-iinitan.

"Kanino 'to? Sinong burara sainyo ang nag-iwan neto sa tapat ng pinto ng kwarto ko?!"Pagalit tanong ko. Natigil sila sa pagtatawanan. Tiningnan ko sila isa isa. Si Don at Calvin ay parehas lang ang reaksiyon.Parehas silang nakatampal sa noo.Si James naman ay parang walang pakialam sa nagaganap.Katabi niya si Ian na blangko lang ang mukha, na katabi naman si Leira na nakangiti. Si Vana at Clarise ay nakapoker-face samantalang si Steven ay masama ang tingin sakin.

"Tinitingin tingin mo dyan?" asik ko.

"Tsk!" narinig kong bulong niya.

"Psh! Ano? Kanino nga to?" Tanong ko ulit sakanila.

No ordinary Girl (on going. Daily updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon