Violet's POV
Hay jusko! Pakiramdam ko sasabog na ang ulo ko. Imbes na mabawasan lalo pang nadagdagan ang mga tanong sa isip ko.
"Paanong Victoria ang pangalan ng nanay ko? Si mama Tina ang mama ko. Siya lang!" bulyaw ko sakanila.
"Hindi siya Violet, sa tingin mo ba talaga may kakayahan ang mga tao na gumawa ng mga katulad natin?"
Hindi ako sumagot. Nanatili akong tahimik, naghihintay sa mga susunod niyang sasabihin.
"Hindi ka ginawang bampira ng mga tao. Bata ka palang ay bampira ka na. Hindi mo lang alam dahil lumaki ka kapiling ng mga tao, kaya inakala mong kagaya karin nila."pilit na ipinapasok ni Patricia ang impormasyong iyan sa isip ko pero tila ba may harang na paulit ulit na sumasalag niyon.
"Naguguluhan na ko. Tama na.Pwede ba!Nag-debut lang ako naging gan'to na kagulo ang buhay ko?! Nung birthday ko nawalan ako ng malay pagkagising ko hindi na ko tao. Nalaman ko na nawawala ang magulang at kapatid ko at kagabi may baliw na babaeng sumugod sakin na hindi ko naman kakilala. Tapos nakikilala ko si Vana na bampira din pala at nagpapanggap bilang Yumi na bestfriend ng lunatic na si Steven na gusto akong pageksperimentuhan , at ito! Hindi pala talaga ako tao sa simula pa lang? Muntik na kong mamatay kagabi! Anu pa bang susunod? Tama na nga! Qoutang qouta na ako para sa buwan na to!" hingal akong huminto dahil sa mahaba-habang paghuhurumentado ko.
"Alam ko naguguluhan ka pa at mahirap sayo to' pero kailangan mong tanggapin ang lahat. Nauubusan na tayo ng oras." Sabi ni Vana
"Pwede ba? Ayoko neto!" bulyaw ko sakanila.
Biglang nag-iba ang kulay ng mga mata ni Vana. Sa isang iglap sakal sakal na niya ako habang nanlilisik ang mga mata. Sinalubong ko ang tingin niya kahit medyo nahihirapan ako.
" Matuto kang gumalang! Commander parin ng section 4 ang kaharap mo!" sabi ni Vana.
Tumayo naman si Patricia. Hinawakan ang kamay ni Vana na nakasakal sakin at ibinaba ito.
"Tama na yan Vana."pag-aawat niya.Para namang walang narining ang isa at hindi parin ako ibinaba. Sakal sakal niya parin ako.
"Hindi Commander. Masyado ng nakakainis ang ugali niya eh. Hindi ko hahayaang dahil lang jan sa ganyang paguugali niya ay tuluyang mapahamak ang buong vampire clan! Panu tayo pamumunuan ng isang bampirang napakakitid ng pag-iisip?!"Sigaw niya habang saakin nakatingin at dinidiinan pa lalo ang pagkakasakal sakin.
''Pamumunuan?Anu nanaman to hah? Anu nanaman 'Ibubunyag' nyo tungkol sa pagkatao ko?! Anu nanaman ba to!" Tumalsik si Vana sa lakas ng pagkakahawi ko sakanya.Tumalikod na ako at humarap sa pinakamalapit na bintanang makita ko.Nag simula namang tumulo ang mga luha ko. Nagsimula na akong maglakad palabas ng kwartong yun ng humakbang si Patricia.
"Sandali..."
"Wag kayung lalapit. Wag din kayung susunod. Tama na. Wala na akong koneksyon sa kahit kanino sainyo. " saka ko ipinagpatuloy ang paglalakad.
Wala na akong pakialam kahit saan ako dalhin ng mga paa ko. Pagod na ko sa mga rebelasyon nila tungkol sakin.Sapat na yun. Kaya tama na. Masyado ng magulo para sakin.
Nakayuko akong naglalakad hanggang sa marating ko ang lugar na matagal ko ng gustong puntahan.
Ang bahay namin.Ang bahay namin nila mama.
Lalong nag unahang lumabas ang mga luha ko. Sinabayan pa ng paunti-unting ambon. Huminga ako ng malalim ng paulit ulit. Nagiisip kung tutuloy ba ako o hindi. Pero pagkatapos ng ilang minutong pakikipagtalo sa sarili nagdesisyon na akong tumuloy kahit silip lang sa bintana.
Nakakadurog ng puso..
______________________________________________________________________________________________________________________________
please leave a comment=)
BittersweetEx♥
BINABASA MO ANG
No ordinary Girl (on going. Daily updates)
VampireA girl turned into a blood sucking demon who is wanting to avenge her almost perfect life that was ruined by the people she doesnt even know who. Will she ever survive everything she will go through for her "mission"? Or she will just end up accepti...