Vana's POV
Nagulat kaming lahat sa sinabi ng babae. Mukhang mas bata siya saamin.Ngunit nararamdaman kong may kakaiba sa awra niya. Ang kulay ng awra ng isang bampira ay depende sa lahi na kinabibilangan nito.Lumalabas lang ang awra sa oras na magising ang dugo ng isang bampira sa edad na labingwalo.
Una ay ang mga Swift. Sila ang mga bampirang kayang kumontrol ng iba't ibang elemento.Sila ang itinuturing na pinakamalakas na lahi sa lahat.Limang kulay ang pwedeng maging kulay ng awra nila at depende yun sa elementong tinataglay nila. Ang kanilang elemento ay malalaman lamang kapag lumabas na ang kanilang marka sa balikat.
Pula para sa apoy.Asul para sa tubig.Puti para sa hangin.Kayumanggi para lupa at Lila para sa apat na elemento na iilan lang sa kanilang lahi ang nagtataglay.Ayon sa tala, limapa lamang ang nagtaglay non. Tinatawag silang Elemental Warrior.
Pangalawa ay mga Stronghold.Sila ang mga bampira nagtataglay pambihirang lakas. Kung ang ibang lahi ay 10 beses ang doble ng bilis at lakas kesa sa normal na tao,sila naman ay nasa 20 o higit pa. Ang kulay ng kanilang awra ay Dilaw. Dito nabibilang sina Ian, Don at Calvin
Pangatlo kaming mga Shifter.Kami ang uri ng mga bampirang kayang pagpalit palitin ang anyo. Kaya rin ng iilan saamin na kayang paglahuin ang mga bagay-bagay gamit lang ang isip. Mayroon ring kakaunti na kayang paglahuin ang amoy at awra niya o ng ibang bampira.Ang kulay ng awra namen ay Kahel.
Pang-apat ang mga Aventador.Sila ang mga tinatawag ding Wizard Vampires.Mas mahina ang pisikal nilang katawan kumpara sa ibang lahi ng bampira ngunit nagtataglay sila ng gintong dila na nakakapagbigay sakanila ng kakayahan na gumawa ng mga spell. Meron silang gintong awra. Doon nabibilang si James
Panghuli at panglima ang mga Terrain.Isa sa pinakamatandang lahi ng bampira. Sila ay nagtataglay ng hindi masukat na katalinuhan at lawak ng pag-iisip.Kaya din nilang magbasa ng isip ng tao o bampira. Meron silang pilak na awra. Duon nabibilang si Clarise.
Ang mga lalakeng may itim na awra ay mga bampirang dating tao ngunit sa hindi pa natutukoy na dahilan ay naging mga bampira.Tinatawag silang turned. Nabibilang sakanila si Leira ngunit naging mabuti siya dahil sa pagkupkop ng 4th Section sakanya.At dahil sila ay hindi naman mga lehitimong bampira nakatakda silang magsilbi sa mga pureblood gaya namen.Kapag naisumpa na nila ang kanilang katapatan sa isang pureblood, gagawin nila ang lahat ng gusto nito kahit hanggang kamatayan.
Ngunit ang babaeng ito wala kahit isa duon. Mayron siyang kulay abo'ng awra. Ngayun palang ako nakakakita ng ganito. Kinakabahan ako dahil hindi ako sigurado kung anung kapangyarihan ang meron siya pero alam kong malakas yon. Nararamdam kong may itinatago siyang malakas na kapangyarihan.
Kahit ang mga takaw-labanan kong mga kaibigan ay nagsihinto din at tumitig sakanya. Tahimik lang na nagtititigan si Violet at yung babae. Walang umiimik sakanila at tila nagsusukatan lang ng tingin.
Anu kayang balak nila? Magtitigan hanggang sa may bumulagta sa isa sakanila?
"Pinagsasabi mo?" ani Violet na naglalakad na palapit sa walang malay na si Steven na buhat-buhat ni Leira. "E-engot-engot ka kasi. Abnormal ka talaga." sambit niya habang tinitignan ang mukha ni Steven. "Lumayo na muna kayo dito Leira" aniya.
'Tss. Mukhang inlove na to' ani ko sa isip ko.
May kaaway na ay kalmado parin siya. 'Isa nga siyang Swift.' sabi ko sa isip ko habang tatango-tango.
"Ang sakit mo naman magsalita Big sister.Hindi mo na ba ako naalala?Ang sweet ko nga nuong unang beses na magkita tayo sa manor diba?" ani nung babae habang nakangisi. Napalingon sakanya si Violet. Tiningnan lamang niya ito ng pagkalamig lamig.
BINABASA MO ANG
No ordinary Girl (on going. Daily updates)
مصاص دماءA girl turned into a blood sucking demon who is wanting to avenge her almost perfect life that was ruined by the people she doesnt even know who. Will she ever survive everything she will go through for her "mission"? Or she will just end up accepti...