VIOLET'S POV
"Goodmorning Steven." malanding bati na naman ni Yumi kay Steven. Isang linggo na simula nung dumating yang babaeng yan dito. Bestfriend 'kuno' ni Steven.
Nakayakap nanaman siya ngayun kay Stven samantalang yung isa di naman maipinta yung mukha. Sa totoo lang kung ako din si Steven baka mas malala pa jan ang magiging reaksyon ko. Ang sakit sa mata tingnan.
Sa isang linggo na nandito yan hindi na matahimik ang kaluluwa ko. Sa totoo lang bago ko pa makita ang babaeng yan dito may kakaiba na akong nararamdaman eh. Lalo na nung nakita ko siya. Hindi ko alam kung bakit pero paglabas ko sa kwarto nung araw na dumating yang si Yumi eh parang may kakaiba na. Parang iba yung dating niya.
Nung maabutan ko sila ni Steven sa ganung lagay, sa totoo lang, naiirita ako.Ang aga-aga ba naman yun ang maabutan mo eh. Hindi ko alam kung anu irereact ko kaya sinigawan ko nalang sila saka bumaba. Bipolar nga ata yang babaeng yan eh, pag andyan si Steven ang landi, pag ako nalang ang nanjan ang tahimik niya. Tapos yung mga tingin niya parang tinitignan bawat kilos ko, Yun bang parang inoobserbahan niya ko.
Tulad ngayon. Dalawa nalang kami dito sa dining area ng bahay. Wala yung mga maid. Ewan ko kung san nagpunta. Kumakain narin ako ng mga normal na pagkain. Pinayagan na ko ni Steven kumain. Natakot siguro na maulit yung nangyari sa party. Pati dugo regular na akong umiinom. Pero dugo lang ng usa, baboy ramo o baka. Ayokong uminom ng dugo ng tao. AYOKO.
Tumayo na ako para umakyat at maghanda para sa test na isasagawa ni Steven sakin. Dapat talaga nung isang linggo payun tapos kaso tong Hinayupak na babaeng to walang ginawa kundi dumikit kay Steven kaya ayan, nadelay.
Andito na ako sa lab ni Steven nadatnan ko naman siya na may kinakalikot na aparato.
"Himala naman at matutuloy na tong test na to." salubong ko sakanya.
"Grabe ka naman. Ang ganda ng bati mo." sabi ni Steven
"Psh. Di na uso yon. Pano mo natakasan yung lintang yon?" tanong ko sakanya.
"Wala. Ewan ko, nagulat nga ako na pumayag siya agad na iwan ko muna siya eh." kibit balikat nyang sagot. 'kita mo? Bestfriend niya daw pero wala siyang pakialam kahit tawagin kong linta yung babaeng yun'
"Psh. Umpisahan na nga lang natin to. Anu bang unang gagawin ko?" tanong ko sakanya.
"well ang first test natin ay ang speed mo susunod ay ang blah. blah blah."
.
.
.
Sa wakas pagkalipas ng ilang oras natapos din namin lahat. Marami akong nadiskubre sa mga kakayahan ko. Atleast marami na akong alam tungkol sa bagong abilidad ko, wala naman akong magagawa kung hindi ang tanggapin nalang to eh.
"Hoy, punta na ko sa kwarto ko."Paalam ko kay Steven. Hindi na ako naghintay pa ng sagot niya at naglakad na palabas.
Paglabas ko naabutan ko si Yumi sa tapat ng kwarto ko. Pinipihit niya yung door knob kaso hindi niya mabuksan dahil ni-lock ko yun. Nagtago ako sa isang pader na medyo malapit sa kwarto ko habang tinitignan siya. Palingon lingon lang siya.Tinitignan siguro kung may tao.Anu naman kayang balak niya? Maya maya pa lumingon siya bigla sa direksyon ko kaya napatago ulit ako sa pader. Pagkalipas ng ilang sandali lumingon ulit ako pero wala na siya.
'san nagpunta yun?'
"Wierd" yung nalang ang nasambit ko at naglakad na papunta sa pinto ko. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako sa nadatnan ko gulo-gulo yung mga gamit. Parang kinalkal? Luminga linga ako, pagdako ng mata ko sa bintana nakita kong bukas ito at may bulto ng tao na parang nagmamadaling lumabas.
Tumakbo agad ako papunta sa bintana tumingin ako sa baba ngunit wala akong nakita kundi anino. Tumingin ako sa taas.Duon ko siya nakita.
Pamilyar ang tindig niya, hindi ko nga lang masyadong maaninag ang mukha niya. Ewan ko kung bakit. Bilang bampira matalas ang mata ko, at nakumpirma yun ng test kanina. Pero hindi ko parin makita ang mukha niya. Itim. yun lang ang nakikita ko. Pero sigurado akong kilala ko siya. Napakapamilyar ng tindig at postura niya.
Nakikipag sukatan lang siya ng tingin.Nainip na ko kaya tumalon ako papunta sa kanya.Hindi pa man ako nakakalapag sa kinaroroonan niya ay tumalon din siya at sinuntok ako sa tiyan. Dahil sa gulat ko di ako nakagalaw. Tumalsik ako sa dulo ng bubong ng bahay. 'Anu bang trip neto at nanununtok bigla? Di ko naman siya kilala!'
Naguguluhan man ako dahil sa pagsugod niya ng walang dahilan isa lang ang nasigurado ko,Bampira din siya gaya ko.Naghahabol ang hininga akong tumayo. Pag tayo ko ay mabilis nanaman siyang sumugod at sinuntok ako sa mukha. 'Ang lakas at ang bilis niya!Mas mabilis siya sakin'
Walang kagatol gatol na sinugod niya ako ng sinugod. Suntok dito suntok diyan. Ang dami ko ng natamong sugat, suntok at sipa. Sinubukan kong lumaban pero hindi ko manlang siya matamaan. Sobrang bilis niya! Ni hindi manlang ako makaporma. Halos hindi narin ako makapagsalita.
Isinuntok ko ang kamao ko at sa wakas!Nakatama ako! Natamaan ko ang mukha niya. Napalingon siya sa kaliwa dahil sa suntok ko.
Sandali siyang tumigil sa pagsugod at tiningnan ako. Ngayun ko lang napansin na may harang ang mukha niya. Mata niya lang ang nakikita. Pag titig ko sakanya, nanlamig ako.Chestnut ang kulay ng mata niya.Kaparehas na kaparehas ng 'sakanya' nagkaiba lang ang mga ito dahil sa lamig na ipinapakita ng matang ito.
Hindi nagbago ang ekspresyon ng mata niya. Pagkakataon ko ng gumanti dahil hindi naman siya gumagalaw at sumusugod. Sinugod ko muli siya ngunit isang mabilis at malakas na suntok sa tiyan lamang ang sumalubong sakin. Tumalsik ako sa lakas ng suntok niya. Tumama ako sa pader ng pinaka mataas na parte ng Manor.
Sinubukan kong tumayo pero parang hindi ko na kaya. Pag angat ng tingin ko ay nakatayo na siya sa harap ko. Yumuko siya sandali para bigyan ako ng isang suntok nanaman sa pisngi.
"Urgh!" daing ko.
Nagulat ako ng tumuwid na siya. Akala ko ay aalis na siya at titigilan na ako pero mali ako mabilis na sinipa niya ako. Tinamaan ako sa tiyan na siyang nagpasuka ng dugo saakin. Nahihilo na ako. Dumidilim narin ang paningin ko.
Papikit na ako ng marinig ko ang boses niya.
"Walang kwenta. Magpalakas ka. Sa susunod na magkita tayo siguraduhin mong kaya mo na akong talunin.Kung hindi, magpapaalam ka na sa mundo." kalmado at madiin niyang saad saka sinuntok ang aking mukha.
"Urgh!" huling daing ko hanggang sa wala na akong ibang makita kundi dilim.
---♡♡♡---
EDITED
BitterSweetEx
BINABASA MO ANG
No ordinary Girl (on going. Daily updates)
VampireA girl turned into a blood sucking demon who is wanting to avenge her almost perfect life that was ruined by the people she doesnt even know who. Will she ever survive everything she will go through for her "mission"? Or she will just end up accepti...