Chapter 12

174 9 10
                                    

Vana's POV

"Ang sakit ng katawan ko" iyak ni Don habang iniinat ang braso.

"Matagal tagal pa bago gumaling to, panu nalang pag nakita to ng mga chikababes ko"anaman ni Calvin habang pinupunasan ng kamay ang pasa at gasgas niya sa pisnge.

"Grabe talaga siya. Ang lakas, kaylangan pang gamitan ng calming spell para tumigil sa pagwawala." sambit naman ni James.

"Tumigil na nga kayo sa kakaangal nyo, dagdagan ko kaya yan?" asar na sabi ni Clarise. Nanahimik naman sila at Umupo nalang sa isang tabi.

Lumingon ako kay Violet na ngayun ay mas kalmado na kumpara nung bagong gising siya. Katabi niya ngayun si Leira na kanina pa siya tinititigan pero hindi niya naman pinapansin.

"Ian, pumunta ka kay Commander Zenon. Sabihin mong andito na siya at kalmado na."Utos ko kay Ian.

Si Commander Zenon at ang Ate pat ko ay iisa, yun ang code sakanya ng mga nasasakupan niya.

"Sige." sabi niya saka lumabas ng iika ika. Sa tingin ko ay nabalian yun dahil ng magsimulang magwala si Violet ay hinatak niya kaming mga babae at iniharang ang likod niya.-Na ikinakilig ko naman-. Si Don at Calvin ang sumubok na pumigil kay Violet sa paggalaw at si James ang gumawa ng Spell upang kumalma siya. Nahirapan pa sila dahil sa lakas ni Violet kaya puro sila daing ngayon.

"Bakit mo ba ako tinititigan?" narinig kong nagsalita si Violet sa unang pagkakataon matapos niyang magwala, Puro buntong hininga lang kasi ang maririnig sakanya simula pa kanina.

"Ang ganda ganda mo kasi. Ibang iba ang ganda mo kumpara saamin at sa iba pang bampira. Naiingit nga ako eh" sagot naman ni Leira na nakangusu pa.  Kahit kelan talaga isip bata yan

"Psh!Kaiinggitan mo ba yung bigla ka nalang nawawalan ng control sa sarili mo?" sagot naman ni Violet.

"Sa umpisa lang naman yan Violet. Pag nagsanay ka na unti unti mo ding makokontrol yan." singit ko sa usapan nila.

"Manahimik ka, hindi ikaw ang kausap ko." sagot niya saakin.

Tumayo na ako para sana sapakin siya kahit isa lang kaso biglang dumating si Ian.

"Umalis na muna daw tayo. Hayaan muna daw natin siyang magpahinga sabi ng Ate mo. "sabi nito.

Puro 'oo nga' at 'sige ' lang ang narinig ko sa iba.

"Teka! Eh san ako matutulog?!" tanong ko.

"Sa kwarto ko nalang."pagpe-presinta ni Clarise. Sa section ten pa si Clarise at nasa 11th floor yun. 

" Osige. Tara na. " sabi ko at isa isa ng nagpaalam ang mga lalaki kay Violet bago lumabas kahit hindi naman sila pinansin neto. Nagpaalam narin si Clarise kaya papalabas narin ako ng mapansin kong hindi umaalis sa tabi ni Vana si Leira.

"Oh Leira halika na." Aya ko.

"Dito nalang muna ako. Kawawa naman siya wala siyang makakausap. " sagot nito.

"Hindi pwe~ayus lang. Hayaan niyu na siya dito." putol ni Violet na ikinagulat ko.

"O-osige. " tumalikod na ako. Pero bago ako lumabas ng pinto may sinabi pa ako "Wag ka sanang magwawala pa ulit. Mahal ko ang kwarto ko." naglakad ng konti "At, Pagisipan mo ang mga nangyare" sabay lakad palabas.

Naglakad ako palapit kay Clarise.

"Nagpaiwan si Leira?"tanong niya,

"Alam mo naman yun, Nakakapagtaka nga lang na pumayag si Vioket sa gusto niya"kibit balikat na sabi ko.

"Well, baka makikipagkaibigan.Hahaha!" kibit balikat ding sagot niya sabay tawa. At nagpatuloy na kami sa paglalakad.

---♡♡♡---

Violet's POV

"Salamat at pumayag kang magpaiwan ako"sabi ni ..?

"Anu nga palang pangalan mo?"tanong ko. Mahina na ang boses ko dahil medyo pagod narin ako. Ilang Rampage na ba ko ngayung araw?

"Ako si Leira. Leira lang at wala ng surname" sabi niya ng nakangiti. Hindi ba nawawala ang ngiti neto? inosente siya ngumiti at magsalita.Parehas talaga sila ng kapatid ko.

"Bakit wala kang surname?" Nakuha ng bagay na yun ang atensyon ko. Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko siyang manatili kasama ko. Siguro dahil naaalala ko sakanya si Niks.Madalas niya ring sabihin na namumukod tangi daw ang ganda ko para sakanya. 

"Nawala nalang kasi bigla ang alaala ko. Isa akong uri ng bampira na dating tao. Turned lang ako." pagk-kwento niya.

"Pano?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Sa totoo lang ang naaalala ko lang ay namatay ako. Pagkagising ko bampira na ako. Kaya hindi ako kasing ganda at kasing lakas ng mga kagaya niyong tunay na bampira,dahil dati akong tao." sagot nito nang napayuko ngunit nakangiti parin.

Hindi ako makapag salita. Kaya nagpatuloy sa pagkukwento si Leira.

"Nuong una para akong naliligaw. Hindi ko alam ang gagawin ko, hanggang sa nahanap ako nila Kuya Ian. Kahit hindi nila ako kilala ay tinulungan nila ako. Pinatuloy nila ako dito. Itinuro ang lahat ng dapat kong malaman. Itinuring akong hindi iba sakanilang mga Pureblood kahit turned lang ako at dapat ay naninilbihan lang sa kanila. At si Vana..." napalingon ako kay Leira ng huminto ito at suminghot. Nakita kong nagtutubig na ang mga mata nito.

"Bakit?" tanong ko. Lumingon si Leira saakin at ngumiti. Ang saya parin tignan ng mga ngiti niya kahit may luha siya sa pisnge at mata.

" Si Ate Vana kasi ang nagbigay ng pangalan ko. Bagay daw saakin. At sabi niya kahit Turned lang daw ako maganda parin daw ako at magaling kagaya nila. Kaya napasama ako sa grupo nila. Sila ang inspirasyon ko, kahit wala akong maalala, may pamilya parin ako. At sila yun." Anito at binigyan ulit ako ng isang napakatamis at napaka-inosenteng ngiti saka pinunasan ang mga mata at huminga ng malalim upang kalmahin ang sarili. Ngayun lang ako nakakita ng kagaya niyang mahirap ang pinagdaanan pero nakangiti parin.

" Sige magpahinga na tayo." aniya saakin ng nakangiti. Pahiga na siya sa tabi ko ng pigilan ko siya.

"Bakit?" tanong niya habang nakatingin saakin. Hindi naman ako makapagsalita. "Ah sige, dun nalang ako sa couch." tatayo na sana siya ng magsalita ako.

"Ah ano.Paanu mo nakakayanang ngumiti parin ng ganyan kahit mahirap ang pinagdadaanan mo?" tanong ko.

"Hihihi!Sino ba ang nagsabing nahihirapan ako? Kasama ko sila,at masaya ako. Minamahal nila ako at itinuturing na hindi iba sakanila." sabi niya saka humarap ng tingin saakin at sa hindi ko mabilang na pagkakataon, ngumiti siya ulit. 

"Sila nga tinanggap ako eh, bakit hindi ko tatanggapin ang sarili ko?" aniya. Umalis na siya sa kama at humiga na sa couch dala ang isang unan at isang kumot. Paghiga niya nagsalita siya ulit hindi lumilingon saakin. "Goodnight Ate Violet. Maraming may tanggap sayo kahit hindi ka pa magaling, kaya sana tanggapin mo rin ang sarili mo. At bilang isang turned, isinusumpa ko saiyo ang katapatan ko at paglilingkod hanggang sa aking kamatayan." aniya saka nagtalukbong na ng kumot.

Humiga narin ako dahil nararamdaman ko narin ang pagod. Bago ko maipikit ang mata ko, napaisip ako sa sinabi niya. Tanggapin. ang. sarili.

'Mukhang yun nga ang kailangan ko' At saka ako pumikit.

_______________________________________________________________________________________

Hello kay @rainydusk at @Aftermat. Salamat sa pagbabasa ng story ni Violet. Sana magustuhan at mabasa niyu to hanggang epilogue:) Salamat. ^_^

at syempre kay  @sehunnie486 salamat din :)

Please leave a comment.

Bittersweetex

No ordinary Girl (on going. Daily updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon