Violet's POV
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Kung hindi ko lang kasama sila Vana kanina malamang nagwawala na ako ngayun pero naaalala ko naman na napag-usapan kahapon na sa bahay nila Calvin kami pupunta dahil hindi pwede sa HQ dahil kasama namen si Ste~ Teka! Si steven!
"Vana! Nasan si Steven? " Sigaw ko. wala na akong pakialam kung may mabulabog ba ako. Sa isang kisap mata andito na siya.
"Makasigaw ka Violet! Hindi mawawala yang si Steven!" Pabalang na sagot niya saakin. Tumayo ako kahit na nanlalambot pa ako. "Hoy! Wag mong sabihing pupuntahan mo siya agad? Nagpapahinga yun. Wag mong istorbohin." Aniya.
"Wala akong pakialam. Titignan ko lang naman kung buo pa siya!" sagot ko sakanya saka naglakad ulet.
"Nag-aalala ka para sakanya?" tanong sakin ni Vana na biglang sumeryoso ang tingin.
"Natural! Pag namatay yon konsensya ko pa!" Sagot ko. 'Talaga naman eh'
"Yun lang ba talaga?" Tanong niya saakin habang pinupukol ako ng makahulugang tingin.
"Tss. Anu ba sa tingin mo eh sinabi ko na nga.Wag ka ng magtanong kung ayaw mong maniwala. Nakakabobo yun." sagot ko.
"Ewan ko, pero iba ang pakiramdam ko. Mag-iingat ka." Hindi ko maintindihan kung anung ibig niyang sabihin kaya tinignan ko siya bilang pagpapahiwatig na wala akong maintindihan.
"Kalimutan mo na, siguro nga nagkamali lang ako. Wag mo muna siyang puntahan. Nagpapahinga siya. Hindi naman siya kasing tibay mo kaya mas mahaba ang kailangan niyang pahinga." sabi niya "Diba sabi mo mag-uusap tayo?" tanong niya saakin. Saka ko lang naalala na marami pala akong dapat itanong. Umupo ako sa kama na kinahihigaan ko kanina.
"Anung nangyari sakin kanina? Bakit may mga liwanag na lumabas mula sa mga marka sa balikat ko?" tanong ko sakanya habang hinihila niya yung isang silya sa harap ko papalapit saakin. Natigilan siya sa huling sinabi ko.
"Mga?" tanong niya na parang hindi makapaniwala.
"Oo. Mga. Anu ba sa tingin mo?" paulit ulit, nakakayamot!
"Sinisiguro ko lang!Patingin nga!" Aniya kaya ipinakita ko nalang yung sinasabi ko.
"Meron kang apat?" tanong niya. 'huh?'
"Anung apat pinagsasabi mo, dalawa lang yan.Bulag ka ba?" sabi ko. Engot talaga tong si Vana.
"Apat ang nakikita ko Violet.Hindi mo manlang ba alam na apat na to?Bakit di mo manlang nabanggit sakin to!?" aniya bakas ang pagkayamot sa boses.
"Adik ka ba? Eh kahit nga ako hindi ko alam panu ko masasabi sayo? Anung tingin mo saakin manghuhula?Tss. Anu naman ba kasi kung apat yan?" tanong ko. Balat lang pinapalaki pa!Tss.
"Ang ignorante mo talaga!Sarili mong katawan hindi mo alam?Hindi ka manlang ba naliligo? Tss! Tanda yan ng elemento mo. Naipaliwanag ko na sayu nuong unang araw ng training ang mga uri ng bampira, pero dahil sa katangahan mo hindi mo manlang naisipang tanungin kung anu ka!" Aniya.
"Sinong tanga? Sapakin kaya kita?" Sabi ko sabay amba ng kamao ko sa mukha niya bigla namang may sumulpot na kamay ng babae sa gilid at pingilan ako. Si Clarise pala.
"Kayong dalawa talaga hindi kayo pwedeng iwanan ng matagal na magkasama. Magkakapatayan kayo eh!" sermon ni Clarise na iiling iling pa. Hindi na kami nagsalita ni Vana at nagpalitan nalang ng masamang tingin. 'Akala niya naman papatalo ako!'
"Tumigil na kayong dalawa, nababasa ko ang isip nyo! Ako nalang ang magpapaliwanag sayo ng lahat. Dahil parehas kayong walang tiyaga sa isa't isa." Ani Clarise saka kami pinag-layo ni Vana na parang mga batang nagaaway.
![](https://img.wattpad.com/cover/10688706-288-k751727.jpg)
BINABASA MO ANG
No ordinary Girl (on going. Daily updates)
VampiroA girl turned into a blood sucking demon who is wanting to avenge her almost perfect life that was ruined by the people she doesnt even know who. Will she ever survive everything she will go through for her "mission"? Or she will just end up accepti...