Chapter 8

240 14 8
                                    

Violet's POV

Hay! Minsan talaga namimiss ko narin ang pagiging normal. Yung gaya ng dati lang.Simpleng buhay. Simpleng araw. Simpleng pangarap, at simpleng pagkatao.

Bakit? Kasi ngayun pakiramdam ko napaka-komplikado ng mga bagay.

Katulad ngayon..

"Violet, mamaya na kita ito-tour dito sa buong head quarter hah? Gustong-gusto ka na kasing makita ni Commander Zenon eh." saad ni Yumi sa akin.

"Bakit naman?" tanong ko

"Courtesy call mo yun. Hahahaha!" Sagot niya.

Wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit sa bawat salitang bibitawan niya lalong dumadami ang mga tanong sa isip ko.

Nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa sinasabi niyang kinaroroonan daw ni Commander Ewan.

"Ang tahimik mo naman. Parang kagabi lang andami mong tanong tapos ngayun parang balak mong panisin lahat ng laway mo." puna ni Yumi sakin.

"Nakakapagod kasi magtanong sayo. Ang labo mo magpaliwanag." kibit-balikat kong sagot sa kanya.

"Ouch naman hah! Ganyan ka ba talaga ka Straight-to-the-point?" react naman ni Yu-Vana pala.

"Mas mabuti na yun kesa magsinungaling ako." sagot ko ulit.

Pagliko namin sa isang hallway napatigil ako.

"Sino yang mga yan?" turo ko sa mga portrait ata to. Nakahilera sila sa pader netong hallway na dinadaanan namin.

"Ah yan? Sila ang mga nakalipas na commander ng 4th section ng buong Vampire Clan. Magigiting at tinitingala ang mga yan. Kahit ako iniidolo ko sila." sagot ni Vana. Tumango tango nalang ako.

Pinagmasdan kong mabuti lahat ng mga larawan, napukaw ang atensyon ko ng isa sa mga larawan. Kaya napahinto ako.

'si N-niks?'

Napansin yata ni Vana na napahinto ako kaya huminto din siya at tumingin saakin.

"Wag mong ituro, grabe ka naman. Manghang-mangha ah, napanganga ka pa. haha." Tukso niya saakin sabay tapik sa kamay ko na hindi ko napansing nakataas at nakaturo na pala dun sa larawan.

"s-sino..?" hindi parin ako makapag-bigkas ng salita sa sobrang gulat ko, .

"Yan si Miravela Shifter ang nakaraang commander ng 4th section, ayon kay ina, bigla nalamang siyang nawala labing anim na taon na ang nakararaan." mahabang kwento ni Vana.

'kamukhang kamukha niya si Niks'

Hindi na ako nagsalita pa at dumiretso na sa paglalakad, mabuti pang makausap ko na ang Commander na sinasabi ni Vana. Baka Siya lang makakasagot sa gulo sa isip ko ngayon.

"Hoy teka lang naman!Hihinto ka bigla tapos biglang maglalakad na parang alam mo kung san ka pupunta? Tss!" litanya ni Vana habang hinahabol ako.

Makalipas ang ilang sandali ay huminto kami sa tapat ng isang napakalaking metal na pintuan. May disenyo itong kaliskis ng dragon mula itaas hanggang baba. Simple pero astig!

"Nirvana Shifter class 4153-6798" sabi ni Vana.Nagulat ako nang biglang bumukas ang Metal na pinto pataas.

Pagpasok namin.Hindi ko na napigilan ang kyuryosidad kaya nagtanong na ako.

"Anu yun?Security code?" Tanong ko. Narinig ko siyang humagik-gik.

"Parang ganon na nga, Pero bawat isa saamin na nabibilang sa section na ito ay may number combination at kailangan naming banggitin sa harap ng pintong ito upang malaman ng commander na nandito kami." Sabi niya sabay turo sa pintuang nakabukas.

"Katulad niyan. Kapag bumukas ibig sabihin pwede king pumasok at pag hindi ibig sabihin ayaw niya kaming makausap o kaya ay hindi siya interesado." dagdag pa ni Vana na nauna ng naglakad saakin papasok sa pinto.

Bumungad saamin ang isang simple ngunit eleganteng kwarto. May magagandang muwebles na pula, itim at puti lamang ang makikitang kulay.Sa gitnang parteng ng kwarto ay may pintuan.Tinungo ito ni Vana kaya sumunod na lamang ako.

"Andito na kayu Vana, kanina ko pa kayo hinihintay" wika ng isang babaeng sa tantya ko ay 5 taon lamang tanda saakin. Pumula bigla ang mga mata niya kaya nagulat ako at napakibot.

Tumingin saakin si Vana.

"Pasensya na Commander sa paghihintay.Eto nga pala si Violet S-Cambridge"

Muling pumula ang mga mata nito at ngumiting tumango saakin. Hindi ko alam kung anung gagawin kaya napatahimik nalang ako.

"Pasensya na Commander.Hindi ko pa naituro ang paraan ng pagbibigay galang ng ating angkan." pagpapaliwanag ni Vana.

"Ayos lang naiintindihan ko."Sagot nito kay Vana. Muli itong lumingon saakin. "Ako nga pala si Darna" sambit nito saakin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napanganga pa. tumigil sa paggana ang utak ko dahil sa sinabi niya.

Maya-maya pa'y may narinig akong pagpipigil ng tawa. Lumingon ako kung saan nagmumula ang tunog at nakita ko si Vana. Namumula at nagpipigil ng tawa.

Tiningnan ko siya ng may halong pagtataka. Maya maya pa'y di na niya napigilan ang iniipit niyang tawa.

"Hahahahahahahaha!"

"Hahahahaha!"

Tawa nilang dalawa samantalang ako naguguluhan.

"Haha, P-pasensya na. Haha!Hindi ko mapigilan ang tawa ko eh.Haha! Y-yung itsura mo kc..HAHAHA" saad ni Vana na halos maluha luha at maubusan pa ng hininga. Tumingin ako kay Darna na tumatawa parin. Nung mapansin niya ang kaseryosohan ko ay saka lang ito tumigil.

"Ahherm! Ah pasensiya na.Hindi lang ako sanay sa mga masyadong pormal na bagay. Niloloko lang kita haha!" sabi ni 'Darna' .

Tumayo siya sa kinauupuan niya at nagpunta sa harap ko, naging pula ang mata at bahagyang yumuko.

"Ako nga pala si Patricia Shifter. Ang commander ng 4th Section Shape-shifter clan A. Ikinagagalak kong makilala ka Viole.t" Ani nito kaya bahagya ko naring iniyuko ang aking ulo at nagpakilala.

"Violet Cambridge" tipid kong usal. Iniangat na nito ang kanyang ulo at tinitigan ang mukha ko saka tumango-tango.

"Bakit?" tanong ko sakanya. Lumingon ako kay Vana na tila nangungusap ang mata at tinatanong kung anung ginagawa ni Darna~este Patricia. Nagkibit balikat lang ito.

"Lumaki kang maganda.Manang mana saiyong ina." aniya.

'kilala niya si mama?'

"Kilala mo ang mama ko? Paano?" naguguluhan kong tanong. Normal kaming mga tao nila mama, Ginawa lang akong halimaw ng mga scientist na yon. Kaya imposibleng magkakilala si Mama at ang bampirang ito.

"Oo naman. Matalik na  magkaibigan ang aming ina at ang iyong ina!" Masiglang ani nito.

"I-imposibleng makilala mo si Mama.. Imposible talaga" Naguguluhan kong sambit.

'nakakaasar, daig ko pa ang baliw sa pagka-utal ko'

"Violet Bampira ako kaya di iyon nakapagtataka" sagot niya.

"P-pero imposible p-parin n-normal na tao lang si Mama Tina!" sagot ko. Lalong gumugulo ang isip ko.

"Hindi si Tina ang tinutukoy ko. Si Victoria.. Ang tunay mong ina." sagot niya saakin.

Napatigagal ako.

'tunay kong ina? Victoria?'

_______________________________________________________________________________________

BitterSweetEx

No ordinary Girl (on going. Daily updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon