Chapter 22

137 5 4
                                    

Violet's POV

"Ano bang nangyari? Bakit bigla ka nalang umalis nung gabing yon?" 

Paulit-ulit kong naririnig ang tanong na iyan ni Steven. Kanina pa siya nakaalis at kanina pa ako nakahiga sa aking higaan ngunit hindi ako makatulog. Marahil ay dahil ito sa ilang oras na pagtulog ko kanina.

Hindi ko nabigyan ng kasagutan ang tanong niyang yan. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang nararapat na sabihin. Sa tuwing tatanungin niya yan ay iniiba ko ang usapan o kaya naman ay mananahimik. Higit dalawang oras din kaming nanatili sa asotea ng aking silid. Nuong maghahapunan na ay saka kami bumaba. Pagkatapos nuon ay bumalik na ako dito sa aking silid.

Maayos naman ang naging pag-uusap namin. Hinihiling niyang bumalik ako sa dati. 

"Mas gusto kong sinisinghalan at sinusungitan mo ako kesa hindi mo ako pinapansin." Yan ang eksaktong salitang sinabi niya. Tumango na lamang ako sapagkat nanunuyot na ang lalamunan ko sa mga sinasabi niya.

Sumulyap ako sa orasan. 'Mag-aalas dose na.'

Sinubukan kong dumapa upang makahanap ng mas komportableng puwesto. Ilang minuto makalipas n'on ay tumagilid naman ako. Nakaharap ako sa kanan at umikot nanaman papunta sa kaliwa. Nang hindi parin ako makatulog ay humiga nalamang ako ng maayos. Nakatitig sa puting kisame at naka-unan ang ulo sa dalawa kong kamay.

Napailing-iling ako nang mag-umpisang gumuhit ang mukha ni Steven sa puting kisame. Ang nakangiti niyang mapupulang labi, ang mapupungay niyang mga mata na hindi nabigong pakabahin ako sa tuwing nakatitig saakin. 'Ano bang ginagawa mo saakin at  pati sarili kong mga desisyon ay binabali ko makasama ka lang?'

Nang ilang saglit pa ay hindi talaga ako makatulog, tumayo nalang ako at nagbihis. Nag-suot nalang ako ng itim na jacket sa ibabaw ng aking puting sando. Pinalitan ko ng maong na pantalon ang lagpas tuhod kong shorts saka nagsapatos.

Lumabas ako sa aking silid. Sinalubong ako ng tahimik na pasilyo dito sa ikalawang palapag ng bahay. Siguradong lahat sila ay tulog na. tahimik akong naglakad pababa sa hagdan. MAliit lang ang bahay na ito kung ikukumpara sa Cray Manor. Dalawang palapag lamang ito. Nasa pagitan ng sala at kusina ang hagdan paakyat sa ikalawanng palapag. Mayroon itong underground kung saan naroroon ang training room. Ang lahat ng limang kwato ay nasa ikalawang palapag. Magkasama sa kwarto sina Leira at Clarise,Calvin at Ian, at Si Don at Steven. Kami ni Vana ay mayroong sariling silid dahil ayon kay Clarise ay 'Hindi kami pwedeng iwan ng matagal na kaming dalawa lang.' Psh!

Paglagpas ko sa sala ay dumiretso na ako papunta sa garahe. Andoon ang mga kotse nila kasama narin ang isang motor ni Don. Katulad ng dati ay iniwan nanaman nila ng mga susi sa isang salamin na kahon na nakasabit sa pader malapit sa pintuan. KInuha ko ang susi ng motor na ginamit ko nung nakaraang umalis ako. Ito muli ang sasakyan ko. 'Sorry Don, pero pahiram muna.'

Pinaharurot ko paalis ang sinasakyan ko at hindi na inabala pang isara ang garahe. 

"Babalik din naman ako agad."

Matapos ang mahaba-habang pagpapatakbo ay nakarating din ako. 'SwiftTerrain' Basa ko sa nakasulat sa pinaka-mataas na palapag ng gusali.Malayo-layo ang pinili naming tirahan mula dito upang manitiling lihim ang pagtira ni Steven kasama namin. Kahit si Zenon(Patricia) ay hindi rin iyon alam.

Diretso akong naglakad papasok at pinabayaan na lamang ang motor na sinakyan ko papunta dito sa labas. Hindi na pinansin pa ang mga yumuyuko at bumabati sa tuwing daraan ako. Sumakay ako sa isang elevator at pinidot ang ikalimang palapag. Ang palapag ng 4th section.

Pagbukas ng pintuan ay may naramdaman akong pamilyar na awra. Pilit kong inaalala kung kanino ito. Madilim ngunit may kakarampot na liwanag!

"I am Lorraine Stronghold Swift."

Tila narinig kong muli ang boses  niya ng mapagtanto ko kung sino ang nagmamay-ari ng pamilyar ngunit kakaibang awra.

'Anung ginagawa niya dito?'

Nagmamadali akong lumabas at maingat na sinundan ang amoy. Binabaan ko rin aking awra upang hindi niya maramdaman angb presensya ko.Sa pagsunod ko ay inihatid ako nito sa lugar kung saan dapat talaga ako pupunta. Sa tanggapan ni Zenon. 

Pumikit ako at pinakiraigurado akong nandito siya sa loob ngunit hindi ko maramdamang nasa panganib si Zenon!

'Anu kayang balak  niya?'

Sinubukan kong pakinggan ang kung ano mang nagaganap sa loob ngunit wala akong marinig. Kundi mga halakhakan.

Ano ba talagang nagyayari?

Napa-igik ako ng maramdamn kong papalapit na sa kinaroroonan ko ang mga yabag nila. Hindi ako makapag-isip dahil sa kaba! KInakabahan ako sa maaari kong matuklasan.Tumalon na lamang ako at sumabit sa mataas na ilaw sa kisame. Malaki naman ang ilaw na ito kaya sa tingin ko ay kakayanin nito ang bigat ko.

Pagbukas ng malaking pintuan ay si Zenon lang ang nakita kong lumabas. Nawala narin ang amoy ni Lorraine pati ang awra niya ay hindi ko na maramdaman. 'Pero sigurado talaga akong naamoy at naramdamn ko siya. At sigurado akong siya yun!'

Nanatili ako nakasabit sa ilaw at nakatingin kay Zenon na naglalakad hanggang sa lumiko na siya sa kinaroroonan ng mga elavator.

"May itinatago ka ba saakin Zenon?" sambit ko sa sarili.

Naghintay muna ako ng limang minuto bago tumalon pababa. Hindi na ako gumamit ng elevator at tumalon na lamang sa pinakamalapit na bintanang makita ko.

'Kung kaylangan kitang bantayan gagawin ko malaman ko lang kung anu ba talagang nangyayari dito."

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Please Tell me what you think.

Bittersweetex<3

No ordinary Girl (on going. Daily updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon