Violet's POV
"Opo commander, Mukhang naguumpisa na siya. Nakita ko si Violet sa bubong kanina, walang malay. Tama ang pakiramdam ko kanina na may ibang tao dito sa bahay." may isang hindi pamilyar na boses akong naririnig.
Hindi pa ako nagmumulat ng mga mata pero gising na ang diwa ko. Ang sakit parin ng buong katawan ko pero pakiramdam ko naman may lakas pa ako para tumakas sa kung sinu mang kumuha sakin ngayun.
'Anu ba yan. Lapitin yata ako ni kamatayan!Muntik na akong namatay sa bomba, may bumugbog saking babae na hindi ko naman kilala tapos ngayun may kumidnap sakin?'
Dahan dahan akong nagmulat at tumayo.
"Opo commander, makakaasa po ako. Paalam po" sabi niya sabay baba ng Cellphone at lumingon saakin.Ngumisi siya.Ngayun ko lang siya nakita kaya pumunta ako agad sa likod niya. At ini-lock ang kamay ko sa leeg niya.
"Sino ka at asan ako?!" mahinahon ngunit may diin na saad ko.
"Tss. Akalain mo yun, kahit bugbog ka na pala kaya mo parin gawin yan. Haha!Pero hindi na ako magtataka na nabugbog ka ng ganyan, ang hina mo kasi." sabi niya. Hinawakan niya ang braso kong nakasakal sakanya at pinilipit. Ngayun baliktad na ang sitwasyon namin. Siya na ang nakapilipit sa leeg ko.
"At isa pa, ganyan ka ba kabobo?Ni hindi mo manlang mapansin na andito ka sa kwarto mo." sabi niya saka ako binitawan.Humarap siya saakin. " Ako to" tapos biglang nagiba yung boses at itsura niya"si Yumi" aniya sa masiglang tono. Yung kung paano niya landiin si Steven.
"h-hah?" saad ko na sobrang naguguluhan na.
"Haha. Ang slow mo." sabi niya sabay dutdut sa noo ko.
"Ang gulo. Sinu ka ba talaga.Anu ka?" tanong ko.
Bigla nanamang nagbago yung itsura niya, yung kagaya nanaman kanina.
"Eto talaga ako. Ako si Nirvana Shifter, obviously, isa akong shape shifter." sabi niya.Saka nagpalit ng anyo, bilang ako naman.
"Hah?" yung lang ang nagawa kong ireact.Nagpalit na ulit siya ng anyo. Nirvana face na ulit.
"hay!Napakaslow mo naman. Ganyan ka ba talaga kabobo?" Siraulo to ah, kanina pa ako sinasabihan ng bobo. "halika, ipapaliwanag ko sayu ang lahat" sabi niya sabay upo sa kama ko. Sumunod nalang ako dahil gusto ko rin maliwanagan.
"Ako si Nirvana, isa akong shape shifter na uri ng Bampira. Bukod sa shifters madami pang uri ng bampira. Iba't ibang abilidad, espesyal na kakayahan. Hindi ako si Yumi. Nandito lang ako para sa isang misyon." saad niya
"Ano namang misyon?" tanong ko.
"Ikaw. " sabi niya saka mataman ako tiningnan, Itinuro ko ang sarili ko. "oo, ikaw nga. Kaylangan kitang bantayan dahil maraming magbabanta sa buhay mo" sabi niya.
"So kilala mo yung abnormal na sumugod sakin? Atsaka marami?Ibig sabihin hindi lang yun? Eh halos mamatay na ako ah?" sagot ko na may pagrereklamo sa boses.
"Ah hindi ko alam kung sino yun pero naramdaman ko yun kanina. Alam kong nandoon ka nung sinusubukan kong buksan ang kwarto mo diba?May naririnig akong kumakalabog don sa kwarto mo. Hindi ko nga lang biniglang pumasok dahil hindi ako pwedeng magpadalos dalos." sabi niya.
"Eh bakit hindi mo ako tinulungan nung binubogbog ako at asan ka ba nun?"
"Eh dumating si Steven eh. Hindi ko naman pwedeng sugurin yong sumugod sayo habang nandyan siya dahil baka makeelam si Steven at pati siya mapahamak. Hanggat maari iniiwasan kong may mapahamak na inosente."
"at yung kay Yumi? Bakit si Yumi? Gulo parin eh?" tanong ko. Mahahalata na ang pagkairita sa boses.
"Ah ganito yun. Nalaman namin na nandito ka sa puder ni Steven Cray. Kaya nagresearch kami ng mga kakilala niya na pwedeng magamit bilang specimen. Kaya ayun!Si Yumi ang nahanap namin. Kinunan namin siya ng dugo.Sa ibang bansa pa nga namin yan pinuntahan eh. Pagkatapos ay ininum ko, ginaya yung itsura at kinunan ng basic na alaala para hindi makahalata si Steven." sagot niya.
"Kasama din yung panlalandi kay Steven?" ewan ko ba at bigla nalang lumabas yan sa bibig ko.
"Nagseselos ka?" tanong niya.
"LUl. Pinagsasabi mo?" sabi ko.
"haha!Wala eh, kasama yun. At kahit papano ay nag-enjoy ako. Ang gwapo kaya ni Steven."
"Psh! So sino pala ang nagutos na bantayan ako?At sino ang may gusto na patayin ako?" tanong ko ulit.
"Hay, ang dami mong tanong. Si 4th commander ang nag-utos sakin na bantayan ka. AT ang mga may utos na magpapatay sayo ay ang Fraternity, samahan ng mga bampira na gustong ubusin ang lahi ng mga Swift."
"Sino ang mga Swift?Anong kinalaman ko sa Fraternity? Sino si 4th commander?Anu bang kinalaman ko sainyu? Bakit ako ginawang bampira" sunod sunod na tanong ko.
"waaaaaaaaah >0< ang dami mong tanong. Bukas nalang tayu mag-usap natutuyo na ang utak ko sayo" sagot niya tapos nagumpisa ng maglakad palabas ng kwarto ko.
"Saan ka pupunta?Sabihin mo muna sakin ang lahat?"habol ko sakanya.
"May gaaad V, Im going to feed ok. Gutom na ako. Natutuyuan ako ng utak sayu eh. Basta bukas isasama kita sa HQ okay? Uumpisahan na natin ang training mo. Tutal kilala mo narin naman kung sino talaga ako.At dun ko narin ikukwento ang lahat." sagot niya.
"Huh? Bakit may training ako? Para saan?" tanong ko ulit. ng kung sinumang hindi ko kilala?"
"Tsk. Basta. Magpahinga ka na dahil sigurado akong mahihirapan ka sa training." sabi niya tapos yumuko at tumalikod "Paalam lady swift" bulong niya.
'Lady swift daw? sino naman kaya yun?Tsk. bahala na nga. Matutulog na ko. '
Ngayon ko lang napansin na magulo parin pala itong kwarto ko. Tsk. Bahala na nga lang, bukas nalang to'. Ang sakit parin ng katawan ko kaya magpapahinga muna ako.
---♡♡♡---
BitterSweetEx<3
BINABASA MO ANG
No ordinary Girl (on going. Daily updates)
VampireA girl turned into a blood sucking demon who is wanting to avenge her almost perfect life that was ruined by the people she doesnt even know who. Will she ever survive everything she will go through for her "mission"? Or she will just end up accepti...