Vana's POV
"I told you, You should have just stayed calm! Now how are we supposed to find her?"
Tsh. Kanina pa ako pinapagalitan ni Ina, nagsumbong kasi si Ate Patricia na hindi ako nakapag-pigil kanina.Sino ba namang makakapag pigil sa ganung ugali? Akala ko pa naman ay makakasundo ko siya.
"Eh anung gusto nyong gawin ko Ma? Pabayaan kong sigaw sigawan niya si Ate Pat? Masyado siyang cold, mayabang at walang habas magsalita gayung hindi niya naman kayang i-handle ang sarili niya"sagot ko.Oo, tama kayo. Kapatid ko nga ang commander ng 4TH section.
"You know she can! Kaylangan niya ng oras para mawala yung sakit na nararamdaman niya! Pinaniwala natin siya sa mga bagay na makakasakit sakanya para lang makabalik na siya dito! Para sa kapakanan ng buong clan. Kahit papaano may kasalanan din tayo! Kaya hanapin mo na siya." Mahinahong utos ni Ate Patricia.
"Hindi. Umalis siya. Kakaylanganin niya din tayo kaya alam kong babalik yun. Pag hinanap at sinundo ko iyon baka lumaki ang ulo."sagot ko habang nakakunot ang nuo. Ang ganda ko masyado para makunsumi lang kay Violet. Pano nalang ako mapapansin ni Ian? Tss! Si Ian na kahit anung gawin kong pagpapacute bulag parin. Psh!
"Alam mo kung anong pwede mangyari kapag hindi mo siya hinanap agad."pagpupumilit ni Ate. Hindi talaga ako sang-ayon sa totoong layunin ni Ate pero kaylangan kong sumunod. Sana lang ay hindi ako madamay sagalit ni Ina kapag nalaman niya ang totoo.
"Pero Ate,~ Your sister's right Vana. Find her now before it's too late. " Putol ni Ina sa sasabihin ko.
"Pero~I said now Vana." putol niya ulit saakin.
"Urgh. Fine"napipilitan kong saad.
Tumingin ako kay Ate Pat, na may pagtatanong kung sasama ba siya.
Tinaas niya lang yung dalawang kamay niya sabay iling.
"I have duties" sabay paypay ng kanyang kamay. "Una na ko Ma" saka lumabas ng silid ni ina. Tumango lang ang huli, na hindi naman na nakita ni Ate.
"You Vana, go ahead. Bring her back okay? We need her. " sabi niya. Tumalikod na ako dahil hindi naman uso saamin nila mama ang pagiging 'mother-daughter' pero napahinto ako sa huling sinabi niya.
"And Vanny baby, keep safe." napalingon ako sa kanya sa sobrang gulat. Pero pag lingon ko wala na siya don. Ngayon niya lang ako tinawag na ganun sa loob ng napakahabang panahon.
Nasabi ko na bang Legendary Vampire na ang mama ko at 651 years old na siya? Sa tingin ko hindi pa. Hindi kami naging malapit sa isa't isa dahil sa mga gampanin niya sa iba't ibang bansa. Kaya inglisera din siya. Pero bago ko kumpletuhin ang kwento hahanapin ko muna si Violet.Mahirap matikman ang galit ng isang legendary Vampire.
_××××_
Violet's POV
Pag-silip ko sa bintana.Wala talagang nagbago sa bahay namin. Ganun parin siya. Warm, welcoming at malinis. Hindi ko alam kung gaano na katagal akong hindi nakakauwi pero wala paring nagbago. Ay mali, meron pala. Dati kasi kahit nakasilip sa bintana madidinig mo yung halakhakan at kalabugan ng mga gamit eh. Yung mga tawanan. Ingay ng Tv. Ngayun wala na. Tahimik na. Yun lang siguro ang nagbago. At syempre bakante na siya ngayun.
Ito ang pakiramdam na kahit sa panaginip at hinuha ay hindi ko inakalang mararamdaman ko. Nakakadurog ng puso makita ang larawan ng nakaraan sa bahay na ito.
Nakayuko at laglag ang balikat akong tumalikod at naglakad palayo. For the second time today, I dont know where to go again.
Hindi pa ako nakakalayo ng may narinig akong kaluskos. Medyo tuyo na kasi ang mga carabao grass ni Mama siguro dahil hindi na ito nadidiligan. Narinig ko nanaman yung tunog. Ayun na naman! Papalapit yun ng papalapit saakin.Nagfocus ako at nagbagong anyo.
"Sino ka?Asan ka?" tanong ko sa kawalan nagbabakasakaling sasagot yung kung sinuman. Inilibot ko ang tingin ko, wala talaga akong makita. Guni-guni lang siguro.
Pagtalikod ko nanlaki ang mata ko ng may tumakip sa bibig ko saka hinila ako sa kung saan at dinagan ang katawan saakin.
"Wag kang maingay." aniya habang naamoy ko pa ang mabango niyang hininga.
-*-*-*-*♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡*-*-*-*-*-*-
Please leave a comment.
Bittersweetex♡♥♡
BINABASA MO ANG
No ordinary Girl (on going. Daily updates)
VampirgeschichtenA girl turned into a blood sucking demon who is wanting to avenge her almost perfect life that was ruined by the people she doesnt even know who. Will she ever survive everything she will go through for her "mission"? Or she will just end up accepti...