Chapter 13

191 11 13
                                    

Violet's POV

"Leira. Gising Leira" panggigising ko kay Leira. Masarap parin kasi ang tulog niya, medyo nakanganga pa. Nawawala pala ang angellic image niya pagtulog-_-

"Leira. Uy gising na." untag ko ulit. Umaga na kasi ayaw pang gumising.

"Asdfghjkl" -_-?

"Bangon na. May gagawin pa tayu" akala ko ba ang mga bampira malakas ang pakiramdam? Bakit ito hindi maramdaman na konti nalang ang natitirang pasensya ko sa panggigising sakanya?

"Leira, gigising ka ba o bubuhatin kita at ihahagis sa bintana?" Pagbabanta ko. Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo siya at sumaludo pa  'anu ba to.. '

"Anung ginagawa mo? bakit ka nakasaludo?" tanong ko. Dun naman siya parang nagising at ibinaba ang kamay at kinuskos ang mata saka ngumiti ng medyo alanganin. "Ay, hehe. Goodmorning"

"Mag-ayus ka na dun sa CR 5:30 am na. Ang hirap mong gisingin." sabi ko sakanya.

"Sorry. Ganun talaga ako eh. Pasensya na" sabi niya saka nag-bow. Hindi ko na siya pinansin kaya pumasok na siya sa CR. Sa tingin ko mag-aayus na siya.

Paglabas niya ayus na ang itsura niya at hindi na kagaya kanina na gulo ang buhok at sabog, mabuti nalang talaga may extra toothbrush si Vana dito.

"Ate Violet bakit ang aga mo akong ginising?" tanong niya saakin. Oo nga maaga pa ang 5:30.

"Ah.Eh. Anu." di ko alam kung paanu sasabihin dahil nahihiya ako. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Magpapakuto ka?" inosenteng tanong niya. 'Seriously, Leira?'

"Syempre hindi!Wala akong kuto noh! Humanap ka na nga lang muna ng pwedeng makain dyan sa ref ni Vana. Kahapon pa ako hindi kumakain eh. " utos ko. Mamaya ko na siguro tatanungin.

"Ah. Oh sige" sabi niya saka pumunta sa tapat ng ref at naghalungkat.

-MATAPOS ang pagkain nila ay naglakas loob ng magtanong si Violet kahit medyo nahihiya pa siya.-

"Leira, s-sa tingin m-mo ba p-pag kinausap k-ko si V-vana magkakaayos kaya k-k-kami?"  tanong ko kay Leira, Kahit hindi ko nakikita alam kong namumula ako ngayun. Nahihiya kasi ako dahil wala naman sa pagkatao ko ang kainin ang mga salitang binitawan ko na.

Kaya nga lahat ng bagay na sinasani ko sigurado na eh at alam kong di na magbabago. kahit galit ako sinisigurado ko parin na pinal na ang mga salitang bibitawan ko. Pero kagabi kasi, nagbago ang isip ko sa isang bagay.

"Makikipagbati ka na kay Ate Vana?" gulat na gulat ang itsura ni Leira ngunit hindi maitago ang tuwa sa boses niya. Biglang bumukas ang pinto.

"Bakit narinig ko ang pangalan ko? Pinaguusapan niyo ba ako habang wala ako dito?" iritableng tanong ni Vana. 'aba't?'

"Hindi ka ba marunong kumatok?" Iritableng tanong ko din.

"Marunong ako eh kaso kwarto ko to, kaya bakit pa ako kakatok?"sagot niya rin. Magkatapat na kami ngayun at konti nalang magraambulan na kung wala pang sa gitna namin si Leira. "Aray! Aray! Naiipit na ako" sabi niya kaya naglayo nalang kami sabay irap sa isa't isa.

"Oh, anu bayan Ang aga aga highblood na agad kayo. " Sabi nung bagong pasok. Hindi ko alam kung sino yun. Basta isa ata siya sa mga nabugbog ko kahapon nung nagwala ako. Medyo maliit siya at mahaba ang buhok na kulay dilaw.May itsura rin at may bilow pa sa kaliwang pisnge.

"At bakit nandito ka din ang aga-aga?" Tanong naman nung babaeng kasama ni Vana. Mukha siyang matapang dahil nakakunot ang nuo. Maganda rin naman siya at kapansin pansin ang ibang amoy ng awra niya kesa sa iba. Malakas siya at may tindig na makakapagpatiklop sa kung sinong mang tititigan niya.Maliban sakin siempre!

No ordinary Girl (on going. Daily updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon