Chapter 15

189 8 4
                                    

Violet's POV.

Wala akong marinig sa paligid bukod sa parang tambol na pagdagundong ng dibdib ko. Paglapat na paglapat palang na paningin ko sa mukha ni Steven na takot na takot habang sakal sakal ng isa sa mga kalaban ko ay gusto ng sumabog na puso ko. Ngayun lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko!


"Anu ba kasing kaylangan niyo saakin?" tanong ko. Sinikap kong itago ang panginginig ng boses ko, pero sa tingin ko nahalata parin.

"Kaylangan ka ng panginoon namin" ani ng lalakeng may hawak kay Steven.

"Eh punyeta ako pala ang kaylangan niyu eh! Bakit hindi niyo pa bitawan yang lalakeng yan?" turo ko kay Steven. Humakbang ako para lumapit sakanya ngunit itinutok niya lang ang matatalas at mahahaba niyang kuko sa leeg ni Steven kaya napatigil at napaatras ako.

"Ha. Ha. Ha. Sino nga bang mag-aakala na ang isang katulad mo ay ito lang ang kahinaan! Masyado kang malambot!" aniya saka ako nginisian ng mapanguyam. 'Buburahin ko sa mukha niya yan mamaya' paninigurado ko sa sarili.

"Anung malambot ang pinagsasabi mo? Baka ikaw ang malambot dahil masyado kang duwag para lumaban ng patas sa isang babae! Nagsama ka na nga ng madami. Gagamitin mo pa yang lalakeng abnormal na yan laban sakin!" bulyaw ko sakanya. Gustuhin ko mang maging kalmado ay hindi ko magawa. 'Asan na ba kasi ang mga itlog na yun pag kaylangan mo sila?'

"Manahimik ka!Kung ayaw mong butasin ko ang leeg ng lalakeng to!"pagbabanta niya.

"Puny*ta ka subukan mo! Uubusin ko kayo hanggang sa pinakahuling salinlahi ng angkan mo!" sigaw ko. Malalalim na paghinga na ang ginagawa ko. Bumibigat ang dating ng paligid at sa hindi ko maipaliwanag na dahil may lumabas na liwanag mula sa balikat ko. Puti, Pula, Asul, kayumanggi at lila!Pagkatapos nun, nagdilim na ang paningin ko.

---------------------------

Vana's POV

'Oh shit. shit. shit. shit!' Paulit ulit kong mura sa sarili ko. Ang dami nila. At may hawak pa silang bihag.At ang malala dun, si Steven ang bihag nila!

Umatras ako at tumalon palabas sa bahay. Binabaan ko ang awra ko para hindi nila maramdaman. Natanaw ko si James. Tumatakbo narin siya palapit saakin.

"Ilan sila?" tanong niya saakin pagkalapit niya palang.

"Higit singkwenta" sagot ko "at hawak nila si Steven bilang bihag para hindi sila sugurin ni Violet" dagdag ko pa.

"Tawagan mo na sila Ian. At yung iba pa. Pati narin si Clarise."aniya. Hindi ako nagpapautos kahit kanino maliban sa Ina at Ate ko pero ibang pagkakataon ito. Kaya ginawa ko ang inutos niya.

"Ian pumunta kayu dito sa Cray Manor. 3 minutes. Pag nahuli kayo patay kayo saakin."saka ko ibinaba ang tawag at si Clarise naman ang tinawagan.

"Papunta na ko" aniya pagkasagot palang ng tawag.Sigurado akong naramdaman niya iyon.

"Nakakapag-taka, sa dami nila ay hindi manlang namin naramdan ang prisensya nila o naamoy manlang ang awra, hindi kaya..... " Napahinto si James sa sinasabi niya. May liwanag na nagmumula sa loob ng Manor.

'Shit times 50!!!' ang lakas na ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Tumakbo na ako kaagad papasok sa Manor. Wala na akong pakialam kahit mag-isa lang ako. o kung anuman ang abutan ko. Tinatawag ako ni James pero hindi na ako lumingon. "Sumunod nalang kayo pag anjan na sila!" sigaw ko.

Nakarating agad ako sa bukas na front door at mula dito tanaw na tanaw ko ang paglutang ng nagliliwanag na katawan ni Violet, Nakapikit ang mga mata niya pero kalamado naman ang itsura. Hubad ang katawan niya pero natatakpan naman ng iba't ibang kulay ng liwanag. Napanganga ako. Ngayun lang ako nakakita ng ganito. Unti-unting nababalot ang braso niya ng bakal. Hindi pala. Armor pala yun. Silver armor!

"Teka, ya-yan ang.." sabi ni Ian na hindi ko napansing dumating na pala.

"Ang Elemental Warrio!r" laglag ang pangang sabi ni Clarise.

"Wooooooooow"Yan lang ang nasabi ng iba.

"Imposible. Alamat lang ang bagay na yun!" sigaw nung lalakeng may hawak kay Steven.

"Kaylangan natin yang pigilan!Alamat man o hindi, malakas na kapangyarihan ang Elemental Warrior! Hindi yun kakayanin ng katawan niya!" sigaw ni Clarise pero huli na dahil nawala na ang liwanag na bumabalot sa katawan ni Violet. Literal na napanganga ako sa itsura niya ngayun. Ang astig niyang tingnan!

Nakabalot ang katawan niya sa Silver na armor. Nakatali pataas ang buhok niya at hanggang taas lang ng tuhod niya ang palda niya. Pati yung suot niyang sapin sa paa ay may balot na bakal.

"Ang ganda niya" mangiyak ngiyak na sabi ni Calvin.

"Manyak!" ani Clarise saka siya binatukan. Pero hindi na ako nakinig sa pag-uusap niya.

"Bitawan mo siya o papatayin kita?" sa lamig ng boses ni Violet halos mawalan ng kulay ang mukha ni Leira.Lalo na ang bampirang pinatungkulan niya nuon.

"Mukhang wala na tayong magagawa kundi ang lumaban kaya umayos na kayo." ani ko sa mga kasamahan ko.

"Anung akala mo? Natatakot ako saiyo?" anang lalaki na halata namang nagsisinungaling dahil nanginginig na ang boses. Narinig kong tumawa si Don.

Sa isang iglap nahatak na ni Violet si Steven at nadukot na ang puso nung lalaki kanina. Sa sobrang bilis halos hindi ko namalayan!

Nagumpisa na ang laban. Pag ganitong labanan, galit galit na kaming pito. Suntok duon sapak dito. Hindi na kami nagpapansinan dahil pare-parehas na kaming abala sa kanya kanya naming kalaban.

"Ayos! Masaya ito! " ani Ian habang pinapatunog ang leeg niya saka binutas ang dibdib nung isang kalaban na pasugod sakanya. Lahat sila may kanya kanyang kalaban. Pero ang hindi ko maiwasan ay ang mapatunganga kay Violet. Halos sampung doble ang bilis niya ngayun. At may lumalabas na apoy sa dulo ng daliri niya.


"Magconcentrate ka sa laban mo Vana" puna saakin ni Clarise matapos dukutin ang puso ng kalaban na sana'y aatake sakin.

"Salamat" sagot ko sabay tango. At inumpisahan na ang pakikipaglaban.

Ubos na sila in Five. four. three. two , o~

"Steven!" sigaw ni Violet . Shoot! Nakasandal na sa pader si Steven at lupaypay na.

Nagwala bigla si Violet!Halos mawasak na ang buong recieving area ng Cray Manor dahil sa pagwawala ni Violet. Sinisipa at sinusuntok lahat ng mahagip ng kamay niya.Nakita kong tumatakbo na si Leira palapit kay Steven para tulungan ito.

'Bam!' Biglang bumukas ang pinto sa taas.

"Inubos mo nanaman pala ang mga alagad ko. " Sabi nang bagong dating habang inililibot ang tingin sa paligid. Saka dumako ang tingin kay Violet na huminto na sa pagwawala ngayun. "Oh. Hi there! Kumusta big sister!" anito saka ngumisi.

'Holy shit'
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Empyrean:The Love of Orion.
First time ko pong gumawa ng ganyan story kaya sana po magustuhan niyo:)

Please tell me what you think.

BittersweetEx

No ordinary Girl (on going. Daily updates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon