Chapter 23
Violet’s POV
Ilang araw na akong pinabagabag ng isang pangitain. Idagdag pa ang walang sawang pag-iisip ng utak ko tungkol sa nangyari sa tanggapan ni Zenon dalawang araw na ang nakakaraan. Madalas na akong wala rito sa bahay dahil sa pagsunod-sunod sakanya. Ngunit wala naman akong ibang makitang kahina-hinalang gawain niya.
Madalas lamang siyang nasa kanyang tanggapan. Ang mga nakakausap niya lang ay ang iba niya pang nasasakupan. At bukod don ay wala na. ‘Siguro nga masyado lamang akong nag-iisip.’
Ang pangitain namang madalas kong makita sa panaginip ay isang paniki na nakahalo sa pitong kalapati.Kapag tinitingnan ito ay wala kang makikitang pinagkaiba sa pito kaya sa bilang ay nagiging walo sila. Mukha rin lamang siyang puting kalapati ngunit kapag tiningnan ito mula sa salamin ay imahe ng isang paniki ang makikita mo. Pula at itim ang mga mata, mahahaba ang mga pangil, at mayroong itim na awrang bumabalot sakanya. Bigla na lamang nitong susunggaban ang leeg nuong pinaka-malakaing kalapati. Iwinawasiwas ng paulit-ulit hanggang sa mawalan ito ng buhay.
Habang nakikita ko iyon ay paulit-ulit kong naririnig ang mga katagang “Ang demonyo ay minsang nagging anghel.”Hindi ko kilala ang boses na pinanggagalingan non ngunit sa tuwing naririnig koi yon sa paniginip ko, nakakaramdam ako ng kakaibang paglukso ng dugo.Tila ba punong puno ng babala ang boses ngunit napaka-init nitong pakinggan at pakiramdaman.
Pagkatapos kong magkaroon ng pangitain na iyon ay bigla na lamang ako magigising. At kapag nagigising ako ay pare-parehas na oras lang ang nagigisingan ko. Alas onse bente uno palagi.Mapahapon man o madaling araw! At tatlong araw na itong sunod-sunod na nagaganap. Hindi ko alam kung nagkataon lang pero yun din ang araw ng kaarawan ko. Nobyembre Benteuno.
Punong-puno ng katanungan ang isip ko at halos hindi ko na alam ang aking gagawin.Alam kong may nais ipahiwatig ang mga pangitain, pero ano? Isa pang tanong sa isip ko ay kung bakit hindi ko na napapanaginipan si Niks. BIgla na lamang napalitaan ang mga panaginip ko ng kalapati at paniki!
Napabangon ako bigla ng bumukas ang pinto sa aking silid. At umukas ang ilaw.
“Ang lalim yata ng iniisip mo ah?” tanong ni Clarise pagpasok niya. Umupo siya sa kama ko patabi saakin.
“Bakit gising ka pa? May kailangan ka ba?” Tanong ko sakanya. Mag-aalas-tres na kasi ng madaling araw kaya’t nakapagtatakang gising pa siya.
“Napapansin ko lang kasing madalas kang puyat. Madalas ka ring nagigising tuwing madaling araw. Naisip kong baka gusto mo akong makausap.” Sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya.
“Paano mo nalamang may bumabagabag saakin?” gulat na tanong ko sakanya. Hindi ko pa ako nagsasabi sakanya sapagkat pinag-iisipan ko pa kung nararapat ba akong magkwento ukol dito.
“Masyadong malakas ang boses mo kaya hindi ko maiwasang makinig. Dahil din don ay nagising ako.” Sagot niya.
“Paanong malakas ang boses ko eh nasa isip ko lang naman ang lahat? Niloloko mo ba ako Clarise?” Tanong ko saka siya sinamaan ng tingin.
“Hahaha! Ano ka ba? Ang ibig kong sabihin ay masyadong malakas ang tinig ng utak mo. Masyadong malakas ang pagsusumamo ng isip mo sa paghingi ng kasagutan sa mga tanong mo kaya naririnig ko na. Nakalimutan mo na ba kung anung kapangyarihan ko? Atsaka isa pa, bakit naman kita lolokohin?” aniya habang tatawa-tawa pa.
“O-oo nga pala.” Sagot ko nang mapagtanto kong hindi nanaman ako nag-isip bago magsalita. Nahihiya akong yumuko.
“Hahaha! Ano ka ba? Wag ka ngang yumuko. That’s so not you!”aniya habang tatawa-tawa pa.
“Psh!” singhal ko.
“Ayan! Hahaha!” aniya habang pumapalakpak. “So ano? Pag-uusapan na ba natin yang bumabagabag sayo?” Tanong niya. “Nababagabag narin kasi ako dahil ilang araw na yang gumugulo saiyo.” Dagdag niya pa.
“Kung naririnig mo naman pala lahat ng nasa isip ko, may maisasagot ka ba?” Tanong ko habang kinakalikot ang unan na nakapatong sa hita ko.
“Una, tungkol kay Commander Zenon. Hindi ko alam ang dapat sabihin dahil ayokong magsabi hanggat wala pa akong hawak na patunay. Kaya’t patawad ngunit wala akong maitutulong tungkol duon. “ Aniya saka tumingin saakin. “Tungkol naman sa mga panaginip mo, sa tingin ko nga ay isa iyong babala. Katulad ng unang panaginip mo ukol sa iyong kapatid.Hindi pa ako sigurado ngunit sa tingin ko ay babala iyon laban sa isang pagtatraydor.” Aniya. Yumuko siya ng bahagya at hinawakan ang kamay ko na nasa ibabaw ng unan. “Hindi ko gusto ang nagiging takbo ng lahat. Umaasa akong magiging maayos ang lahat ng ito. Sana lang ay mali ang naiisip ko na ang walong kalapati sa panagiinip mo ay tayong walo. Dahil mangangahulugan iyon na isa sa grupo natin ang nagbabadyang saksakin ka patalikod.” May isang mala-kristal na butyl ang nakita kong tumakas mula sa kanyang kaliwang mata.
Huminga siya ng malalim saka bumitaw sa kamay kong natuluan ng luha niya. Pinunasan ang kanyang pisngi saka huminga muli ng malamim. Tumayo na siya at naglakad na patungo sa pinto.
“Minsang anghel ang demonyo.” Aniya. Humarap siya saakin saka ngumiti at pinatay ang ilaw.
“Magpahinga ka na. Nais ng Vampire Council na makaharap ka bukas kaya kaylangan mong magising ng maaga.” Aniya.
“Bakit daw?” tanong ko.
“Dahil panahon na para dalhin ka sa lugar na dapat ay kinalalagyan mo.” Sagot niya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Nakatingin lang ako sakanya hanggang sa pagyuko niya at pagtalikod saakin.
“Goodnight Vampire Queen" aniya bago tuluyang lumabas at isara ang pinto.
______________________________________________________________________________________
Please tell me whatv you thin=)
Bittersweetex
![](https://img.wattpad.com/cover/10688706-288-k751727.jpg)
BINABASA MO ANG
No ordinary Girl (on going. Daily updates)
VampiroA girl turned into a blood sucking demon who is wanting to avenge her almost perfect life that was ruined by the people she doesnt even know who. Will she ever survive everything she will go through for her "mission"? Or she will just end up accepti...