CHAPTER 28

18.9K 654 93
                                    

RED'S POV


Hindi pa din ako makapaniwala. Nakalimutan ko ang birthday ko. I'm 18 now, wow.



"Let's go inside?" Blue still teasing me.



I nodded. Itinulak na nya ang wheelchair ko, nagtaka pa ako dahil hindi nya ako dinaretso papasok ng bahay nila. Doon kami sa likod ng bahay nila papunta.


"Blue bakit dito?" Tanong ko habang tinutulak pa din.


"Shhh.. Just smile."


I sighed. I have a hint. Iniikot ikot ko ang paningin ko. Nang malapit na kami sa likod ay kita ko na ang mga liwanag.



"B-Blue....."



I heard him chuckled. Habang palapit kami ng palapit ay parang may pumipiga sa puso ko sa galak. Nakangiting humihikbi ako. Nang makarating kami doon ay maayos na nakahelera ang lahat. Ang mga pamilya ng mga kaibigan ko and surprisingly ang buong Stem at Adviser ko.



"HAPPY BIRTHDAY TO YOU....HAPPY BIRTHDAY TO YOU...HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY....HAPPY BIRTHDAY DEAR RED!!!"



Tuluyang pumatak ang luha ko nang kumanta na silang lahat. This is the first time na ma-surprise ako sa birthday ko. The feeling is overwhelming.


Nagsilapitan ang mga kaibigan ko na pinangungunahan ni Yn.



"Tuod kang talaga. Pati birthday mo hindi mo na naalala." Sabi nito sabay yakap sakin.


Natatawang nagpunas ako ng luha.


"S-salamat. Hindi ako makapaniwala.." untag ko pa din.


Nagsilapitan sina Tito at Tita, binati nila ako at nag hug kami. Sumunod ay ang Adviser kong si Miss Ella.


"Happy Birthday Red." She gave me a hug.


"Thank you po."


Hinaplos nya ang balikat ko. "I know that there was something behind your poems."



I looked down bago ulit sya tinignan, "Sorry I lied."


She smiled. "That's alright."



I smiled back. Sumunod ay isa-isa akong binigyan ng mga kaklase ko ng Rosas at binati din ako. Nahihiyang tinanggap ko ang mga iyon pero hindi maipapaliwanag ang sayang nararamdaman ko.



"Blue?" I asked nang maalala ko sya. Pinaling ko ang ulo ko sa likod. Wala sya. Narinig kong naghiyawan ang mga tao sa unahan kaya ipinaling ko ang ulo ko doon.



Right there I saw him wearing a Red long sleeve polo while holding a boquet of rose.


Bigla naman akong napahugot ng malalim na hininga. Parang slow motion syang lumapit sa akin. Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko, ang bilis ng tibok ng nasa loob nito.


Magarbo ang ngiti nya habang palapit na ng palapit sa akin.



"To the most beautiful woman I know, Happy Birthday."



Kagat labi akong tumango para magpigil ng luha sa sobrang saya.


"Thanks Blue."


Tumingkayad sya at muling hinalikan ang noo ko.



"Nagustuhan ba ng prinsesa ko ang munting surpresa ng prinsipe nya?" Marahan nyang tanong.



She's RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon