WARNING!!
Skip reading this chapter if you can't bear the scenes.
RED'S POV
2 days had passed. I told Yn about my rape, she cried much harder than me that day. She even blamed herself nang nabanggit ko kung kalian ito unang nangyari.
We're currently at Yn's house. And yes, we cut class. Blue's nowhere to be found at the moment kaya kami lang muna ni Yn ang narito sa kwarto nya at matyagang nagchecheck ng mga cctv footage.
I know that it's near to impossible but ito lang magiging isa sa pinakakakailanganin namin.
May ilang footage na kami na nakitang kausap ni Mr. Thompson si Daddy pero about lang ito sa kumpanya. Muli kong pinause ang footage at finast-forward ito.
I sighed nang wala pa din akongakita sa loob ng apat na oras kong pagtyatyaga sa paghahanap ng footage ng usapan nila.
Tumayo ako at humilata sa kama ni Yn.
"Yn, can you reach Blue's number?" Tanong ko dito habang nakahiga pa din.
Yn gave me a serious look, "I'll try." Ani nito at kinuha sa pocket nya ang cellphone.
Ever since the day I told Yn about my Dad, she became aggressive in solving this case. Pareho sila ni Blue.
Masaya ako dahil nakikita kong desidido sila sa pagtulong sakin pero ikinakatakot ko din dahil umaabot sila sa puntong hindi na sila nagpapahinga. Lalong lalo na si Blue.
We've met Detective Tanaka. Ang Santa Maria Group of Companies pala ay ang kumpanya ng mga magulang nina Ate Maria na sinakop ni Daddy. The CEO and the Director of the company were killed by Dad.
Detective Tanaka also told us about the method my Dad used. Hindi lang pala basta namatay sa baril ang mga biktima kundi nilason din ang mga ito. And now, Blue's with Detective. They teamed up on getting more information.
"Cannot be reached Red." Pagkasabi ni Yn ay bumalik ulit ang paningin nya sa laptop.
I sighed again, hinilot ng kamay ko ang sintido ko. Nahihilo na ako dahil sa sobrang titig sa screen. Pakiramdam ko ay ako ang pinakawalang kwenta sa planong binuo ko.
Tumunog ang cellphone ko at basta ko na lang ito sinagot ng hindi tinitignan kung sino ang tumawag.
"Hello?"
"Can you explain why you're not attending your class?"
Nagtindigan ang balahibo ko at napatayo ako sa kamang hinihigaan ko.
"D-daddy."
Napansin kong napalingon si Yn sa direksyon ko. Sinenyasan ko sya na huwag maingay. Tumango sya pero hindi nya inalis ang tingin sa akin.
"Sino pa ba!? Go home, NOW!"
Nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ng sumigaw si Daddy.
"D-Daddy let me explain... Yn is sick so I just----" Nanginginig ang boses kong nagpalusot nang putulin ni Daddy ang sasabihin ko.
"I said NOW!"
Napasinghap ako sa galit na tono ni Daddy.
"Yes D-Daddy." He ended the phone call.
BINABASA MO ANG
She's Red
Teen FictionLeave me Alone! Stop, please...Leave me, now! Nagising ako mula sa panibagong bangungot. I curled myself into ball and placed my knees to my chest. I cried everything out, this is my new normal, ano pang magagawa ko? Everything, the scars, the new...