RED’S POV
Nang magising kami ay samu’t saring daing ng lima ang tumambad sa amin ni Blue nang itulak nya ang wheelchair ko papunta ng dining table.
“Sakit ng ulo ko grabe.” Nanlulumong anunsyo ni Yn.
Tumayo si Ate Camillie at tinapped ang shoulder ni Yn. “Ayos lang yan, feeling ko nga lasing pa din ako.”
Itinulak ako ni Blue papalapit sa Dining table.
“Good morning.” Mwestra ko sa kanila.
“Walang good sa morning Red. Masasakit ang ulo namin.” Ani ni Ate Cherry habang hinihilot ni Ate Colline ang sintido nya.
“Blue!!! Penge pa akong cereal..” Sigaw ni Ate Kelsey habang may hawak na libro.
Lumapit ako kay Yn, “First hangover Yn?”
She shook her head, “Wala pa ‘to kapag nasa party ako.” Aniya at humigop ng kape.
“Red? Cereal or sandwich?” Tanong ni Blue na nasa kitchen sink.
“Sandwich Blue! Nutella please!!” Sagot ko.
“Okay!”
Kinulbit ko si Yn.
“Bakit?”
“You remember what you did last night?”
She shook her head. I laughed. Dumating si Blue na dala ang dalawang sandwich at isang baso ng gatas.
“Here’s your food.”
“Thank you.”
I bite at pinanood lang ang mga latang lata na mga lasenggera kagabi. Natatawa pa din ako kapag naalala yung ginagawa nila.
Bigla namang nag beatbox si Ate Cherry at nagkantahan sina ate Kelsey.
“Noong 1989 akoy nakapatay nakita ni bulag tumakbo si pilay narining ni bingi biglang nagrap si pipi.”
They sang in chorus. Natawa ako kung gaano ka-irony ng lyrics.
“Hey Sis did you know that your truth or dare game gone bad?” Tanong ni Blue.
Parehong natahimik yung lima.
“What do you mean?” Tanong ni Ate Kelsey.
Blue smirked. Inilabas nya ang hawak nyang tablet at inilagay sa video player.
“Watch this guys.” Sabi ni Blue.
Pinatayo nya yung tablet tapos pinlay na yung video. Dahan dahan ay nakita ko ang pagbabago sa mga ekspresyon ng mga kasama ko.
Ate Kelsey, Cherry and Camillie were laughing non-stop. While Ate Colline at Yn look ashamed.
“Gago ka Blue!!!” Sabi ni Yn at tumayo saka binigyan ng batok si Blue.
“Ouch! No one forced you though.” Reklamo nya.
Tumawa ako. Yn looked at me, “Hinayaan mo?”
I raised both of my hands. I nodded. “It’s funny anyway.”
Siniringan nya ako. “Red naman ehhhh! Paano ako haharap sa mga magulang ko!?”
BINABASA MO ANG
She's Red
Novela JuvenilLeave me Alone! Stop, please...Leave me, now! Nagising ako mula sa panibagong bangungot. I curled myself into ball and placed my knees to my chest. I cried everything out, this is my new normal, ano pang magagawa ko? Everything, the scars, the new...