RED'S POV
"Class you may leave."
Matapos banggitin ng teacher namin ay nagpaunahan na ang mga estudyante sa paglabas.
"Uhm Ms. Fernavrino, may I have a word with you?"
Sandali akong natigil sa sinabi ni Miss pero lumapit pa din ako sa kanya.
"Yes Miss?" Magalang na saad ko at pinanatili ang sapat na espasyo sa pagitan namin.
"I noticed that you're good on making poems, can you make more poems?"
I raised my eyebrows.
"For what Miss?"
"You know, school papers. We're looking for some great writers. Hindi naman kita minamadali, you still have two weeks. Create as many as you can, then mamimili ako ng pwedeng i-publish." Nakangiting sabi ni Miss.
Ngumiti ako ng tipid saka tumango.
"Sige po."
"Thank you, you may go."
Umalis na ako pagkatapos magpaalam. Tinignan ko ang aking relo at 4:30 p.m. pa lamang, may isa at kalahati pa akong oras bago ang ang curfew sa bahay.
"RED!"
Bahagya akong napalingon sa likod ng mapakinggan ang pamilyar na boses na tumawag sa akin.
"Yngrid." Bati ko sa nag-iisang kaibigan ko dito.
Hindi ako loner, medyo distant lamang talaga ako. I have name in this school dahil sa apelyidong dinadala ko ngunit hindi ko yon ginagamit para umangat sa iba. Nagkataon lamang na swerte at malas ako ng dahil sa pangalan ko. Tinignan ko si Yngrid, she's tall, pale and undeniably pretty. Isa sa pinakaiingitan ko sa kanya is her carefree attitude which will never be my thing because I hide so much.
Umangkla sya sa braso ko at hindi ko maiwasang mapangiwi dahil kumirot ito.
"Samahan mo naman ako mamili ng gamit sa NBS, I have a lot to buy."
Muli akong sumilip sa relo ko, it's 4:40, may kalayuan ang NBS baka abutan ako ng curfew.
"I have to get home at 6 Yn, you know that."
."Saglit lang naman tayo, pleaaaase."
Bumuntong hininga ako, lagot ako nito kapag hindi agad ako nakauwi eh.
"Dad might get mad." Pangungumbinsi ko dito.
"Mabait naman si tito ah, sure naman akong maiintindihan non kapag sinabi natin na bumili lamang tayo ng mga gamit para sa school. You've always been rejecting me, please just for now."
Napalunok ako, Si Daddy mabait? Hell NO.
I raised up my hands, "Okay fine, sasabihan ko lang yung driver ko na umuna na. But please, hindi tayo pwedeng magtagal don."
BINABASA MO ANG
She's Red
Novela JuvenilLeave me Alone! Stop, please...Leave me, now! Nagising ako mula sa panibagong bangungot. I curled myself into ball and placed my knees to my chest. I cried everything out, this is my new normal, ano pang magagawa ko? Everything, the scars, the new...