RED’S POV
“Sorry na, talaga.
Kung ako’y medyo tanga
Hindi ako nag iisip
Nauuna ang galit.
Sorry na, talaga
Sa aking nagawa
Tanggap ko na mali ako
Wag sanang magtampo
Sorry na…
Tintintin-nu-nun….
Tintintin-nu-nun…..
Tintintin-nu-nun….”
For the fifth time! Napairap ulit ako at tinuloy na lamang ang pagpupunas ng lamesa dito sa canteen. Isang lamesa na lang naman yung hindi natatapos at makakauwi na din kami. I look at my watch, napabuntong hininga ako nang makitang mag a-alas sais na.
Hindi kami nakaligtas sa detention pareho. Nakakahiya sa buong klase dahil bago mag-uwian noong wala na si Miss ay kinantyawan nila kami. Padabog kong iniwan yung basahan sa natitirang lamesa at nagtungo sa daan palabas.
“Ikaw na bahala dyan. Uuwi na ako.” Cold kong sita.
I’m not mad at Blue, naiirita lang ako. Gets nyo naman kung bakit diba?
“Wait, sabay na tayo umuwi.” He hold my wrist.
Humarap ako sa kanya at tinignan sya ng masama. Ngumiti sya ng awkward.
“I promised Sky na ipagluluto ko sya ng spicy tokwa for tonight, I’ll go ahead. Take care Blue.” Pagkasabi ay tuloy-tuloy na akong umalis ng kantina kahit napapakinig ko pa din ang boses nyang tinatawag ang pangalan ko.
I covered my ears habang lumalabas dahil ang OA NA TALAGA NI BLUE!
Nang makarating ako sa bago kong driver ay humingi ako ng pasensya sa tagal ng pag iintay nya at nagpahatid na pauwi. Nang makababa ako ng kotse ay nakailan yata akong buntong hininga bago ko narating ang front door at binuksan iyon.
Pagbukas ko pa lamang ay sumalubong sa akin si Mommy na nasa living room.
“Hey Honey. Your late.” Aniya at lumapit sa akin saka nagbeso.
Inilabas ko naman ang detention slip ko saka inabot sa kanya at tuloy tuloy ng tumaas papunta sa kwarto ko. Pagkadating ay umupo ako saglit sa kama para makapagpahinga bago nagpalit ng damit. I was about to open my door nang may maunang magbukas noon.
Napangiti ako. “Sky!” I ran towards Sky at saka binuhat sya.
“You promise me something ate!!!” Aniya at pinupod na naman ako ng halik.
Ever since Sky came into my life, I feel like I have another reason to live to continue being my old self. But I know deep inside, it’s not enough dahil may kulang pa. I don’t know why I feel this way, wala na si Daddy, nagbabayad na ng mga kasalanan pero ramdam ko sa kaloob-looban ko na hindi pa sapat iyon, I want more.
I smiled and pat Sky’s head. “Of course, wanna join me?” Tanong ko.
Pinisil-pisil nya ang pisngi ko saka tuwang tuwa na sumigaw ng Yes.
Lumabas kami ng kwarto at nagdaretso sa kusina. Mommy’s in the dining table while drinking some water. Sumilay ang ngiti sa mga labi nya nang makitang magka-ukuyabit na naman kami ni Sky.
BINABASA MO ANG
She's Red
Fiksi RemajaLeave me Alone! Stop, please...Leave me, now! Nagising ako mula sa panibagong bangungot. I curled myself into ball and placed my knees to my chest. I cried everything out, this is my new normal, ano pang magagawa ko? Everything, the scars, the new...