RED'S POV
Kasalukuyan akong nasa loob ng kwarto ko. Binaha ako ng intriga at mga tanong ng makarating ako dito kahapon. Dad just ask me if I know them or they hurt me but after answering both no he just walked back to his room.
It's Sunday at wala pa din akong idea kung saan ako magsisimula. Bumaba ako sa kusina dahil oras ng agahan.
May plano ako sa pag alis ni Dad after breakfast. Kagaya ng nakasanayan ay kumain kami ng sabay at nang matapos ay umalis na sya.
Inagaw ko ang atensyon nina Manang. Kagaya ng sinabi ko kay Yn at Blue ay kinumbinsi ko sila. Hindi nagdalawang isip ang mga itong pumayag sa nabuo naming plano.
Kakailanganin namin ang tulong nila sa pagko-cover up sa akin kung sakaling umalis ako ng bahay sa alanganing oras.
Sinabihan ko na din silang maghanda na ng mga gamit dahil anomang oras sa loob ng dalwang linggong ito ay papapagtaguin ko muna sila kasama ng mga kilalang pamilya nila ni Daddy.
Mahalaga sa akin ang takbo ng oras ngayon kaya wala akong dapat sayangin. I know I can't just enter Dad's office because of the cctv's planted on it kaya kakailanganin ko ng tulong.
I dialed Blue's number.
["hey Pula. Everything's okay?"]
"Yeah, thanks. I called you to ask if may kilala kang hacker?"
["With what? Accounts? Places? Cameras?"]
I smiled. " Maybe a hacker that can do the full package."
["On your way."] Masiglang sagot nya sa kabilang linya.
"Thanks Asul."
["The pleasure is mine. Kailan mo kailangan?"]
"Now if possible."
["Hang in there, we'll be there in an hour."]
I ended the phone call. I'm just so lucky na may mga maasahan akong tao sa paligid ko.
2 weeks. Kailangan ko itong matapos ng 2 weeks. Pinalabas nila ate Maria na kidnap for ransom ang nangyari para ma-cover up agad ang naging plano at maagapan ang mga intriga.
Though nakakatakot kailangan naming kayanin. This could be my shot, to get the freedom I've been desiring my whole existense and also to take some justice that we deserve.
Bumalik ulit ako ng kwarto. Napansin kong may bumabato sa bintana kaya agad ko itong tinignan. Nang Makita ang papel na nakabalot sa bato ay agad ko itong nilapitan saka binuksan.
Your 2 weeks starts today. Go get the information that will ripped off your Dad. Goodluck!
-Maria
Huminga ako ng malalim at tinignan ang pinagmulan ng bato. Doon sa nakaparadang kotse ay nakita ko ang nakadungaw na si Ate Maria kasama si Rica. Nakangiti silang nagtaas ng tig-isang kamay saka nag thumbs up sa akin.
Napangiti ako sa direksyon nila at nagsign ng okay. Pinaandar ni Ate Maria ang sasakyan saka kumaway at umalis na. Malalim na buntong hininga ang inilabas ko.
I took my phone out and dialed Yn's ID.
["hey Girl, what's up?"]
BINABASA MO ANG
She's Red
Novela JuvenilLeave me Alone! Stop, please...Leave me, now! Nagising ako mula sa panibagong bangungot. I curled myself into ball and placed my knees to my chest. I cried everything out, this is my new normal, ano pang magagawa ko? Everything, the scars, the new...