CHAPTER 20

22.9K 990 488
                                    

RED’S POV

Nang mag-bell na ay lumabas na ako ng room, magkasabay kami ni Blue na pumunta sa canteen at doon namin naabutan si Yn.


Nagprisinta si Blue na sya na ang kukuha ng pagkain para sa aming tatlo. Naiwan kami ni Yn at wala talaga akong gana ngayon. Isinandal ko ang sarili ko sa katabing pader at pumikit.


“Ayos ka lang?” Tanong ni Yn.


Bumuntang hininga muna ako bago nagmulat.


Tumango ako, “Oo, pagod lang.”


Bumakas ang pag aalala sa mukha ni Yn. Umiwas ako ng tingin.


“May ginawa ba sya?” Tanong nito na kahit hindi malinaw ay kilala ko kung sino ang tinutukoy.



“Almost.” sagot ko.


Pinagkunutan nya ako ng noo. “What do you mean?”



Umiling lang ako. “Nothing happened, don’t worry. Hindi lang talaga ako nakatulog ng maayos.” Binigyan ko sya ng tipid na ngiti.



She finally nodded her head. Ipinikit ko na lang ulit ang mata ko.



I lied, may nangyari talaga.


Humigpit ang pagkakahawak ng kamay ko sa palda ko. Naiinis ako kasi hinayaan ko na naman. Wala na naman akong nagawa. Ramdam kong parang naiiyak na ako kaya pumikit ako sandali.



He's a monster. I'm in deep pain...


Minulat ko ang mata ko at sumilip sa field, atleast medyo gumaan ang loob ko nang makita ang mga pre elem na naglalaro doon.


Dumating si Blue at dala na yung mga pagkain na sa tingin ko ay sobra sa aming tatlo. Pinagtaasan ko sya ng kilay nang tumabi sya sa akin.


“Ang dami naman nyan Asul, sayang.” Puna ko rito.


“Kumain ka ng madami. Look at yourself kanina ka pang matamlay sa room.” Sabi ni Blue at binalatan ang saging.



I smiled. “You both, hindi na ako bata.”


Yn rolled her eyes, “Not until we see you fine.”



“I’m fine.”


“No you’re not.” Yn and Blue said in chorus.



Natawa ako. Umiling ako saka kinuha kay Blue yung saging at ipinakitang sarap na sarap ako habang ngumunguya.


Natulala sya, bago sila sabay na tumawa ni Yn.



Ipinagpatuloy namin ang pagkain nang sinimulan ko na ang usapan tungkol sa plano.



“Asul, nakahanap ka na ng detective?” I said while biting the sandwich.


He nodded, “We’ll meet after school.”



“That’s good.” Humarap ako kay Yn, “How about you Yn?”


She nodded, “I’m ready.”


“Ayos, Si Blue na ang bahala don sa mag-gagwardya sayo.”


“Sure, sa building mo na sila paderetsuhin.”


“Okay.”



I took a sip on my buko juice.


She's RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon