RED’S POV
1..2..3..4..5…. >_<
W-What was that? Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin kay Blue na hanggang ngayo’y nagnining ang matang nakatingin sa akin at nakangiti.
Muli syang ngumti sa akin saka mahinang tumawa. Samantalang ako ay napaiwas ng tingin dahil sa pagkailang na nararamdaman.
I heard him chuckled again bago sya nagsalita.
“Let’s go.” Aniya.
Hindi ako sumagot at ni hindi ko din magawang tumingin. Maya maya lang ay pinaandar na nya ang sasakyan at tahimik kaming pareho habang nasa byahe.
Habang nasa byahe ay tinignan ko ang aking kamay dahil hindi mawala ang panginginig nito. Litong lito ako dahil hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko dahil sa ginawa nya. Basta ang alam ko, nangingibabaw ang hiya sa akin ngayon.
“Red.”
“Red..”
“Red…Huy!”
Bumalik ako sa katotohanan nang sumigaw na si Blue at bahagya akong kinulbit.
“A-ah.. Bakit?” Mahina kong tanong.
Hindi sya sumagot kaya dahan dahan akong nag angat ng tingin upang makita sya. Nakangiti sya…. Nang biglang hawakan nya ang magkabila kong pisngi at unti unti na namang inilapit ang mukha nya. Tatabigin ko na sana ang mga kamay nya sa pag aakalang gusto nya pang dumalawa nang bigla nyang pisilin ang magkabila kong mga pisnge.
“A-Ah arayyyyyy… Ano ba blue! Masakit!” Pag angal ko nang hindi nya pa bitawan ang mga pisnge ko.
“Ang cute cute mo kasi.. nakakagigil ka.” Aniya pa saka tuluyang pinakawalan ang mga pisngi ko.
Nakasimangot ko syang tinignan.
“Badtrip ka ah.” Ani ko saka walang sabi sabing binuksan ang pinto at derederetsong lumabas ng saksakyan at naglakad na papunta sa hall.
Narinig ko pa ang pagtawag nya pero hindi ko na sya pinansin pa at nagdere deretso na lang.
Lokong ‘yon. Pagkatapos akong lituhin ay paglalaruan ako. Saglit akong napahawak sa labi ko saka napa buntong hininga ako. Nawawala ako sa wisyo. Badtrip si Blue. Bakit nya ako hinalikan kanina!? Grabe, ngayon pa lamang ako nakaka get over sa ginawa nya tapos sinundan na naman nya ng panibago.
Pero dahil makulit nga si Blue at ayaw nya akong tantanan… bago ko pa marating ang hall, katabi ko na sya at sumasabay na sa paglakad ko.
“Uyy.”
“Huy Red..’’.
“Uyy, sorry na please.”
Nangugulit sya sa tabi ko. Naiinis ko naman syang binalingan ng tingin at nakita ang mga nagpapaawa nyang mata. Badtrip.
“Tsk.” Yun lang ang naisagot ko.
Bigla syang humarang sa harap ko at inaro ang kanyang pisngi. Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay dahil sa pagtataka kung ano ba ang ginagawa nya.
“Sampalin mo ko. Alam kong mali na hinalikan kita dahil nanliligaw pa lang ako sayo at wala akong karapatan. Sampalin mo ako.” Aniya.
Lalong bumusangot ang mukha ko. Loko ba sya?
Muli akong bumuntong hininga at tinignan na lamang ulit sya. Hahaba lang ito kung makikipag matigasan pa ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
She's Red
Novela JuvenilLeave me Alone! Stop, please...Leave me, now! Nagising ako mula sa panibagong bangungot. I curled myself into ball and placed my knees to my chest. I cried everything out, this is my new normal, ano pang magagawa ko? Everything, the scars, the new...