CHAPTER 34

3.8K 158 279
                                    

RED’S POV


The school bell rang. Sabay-sabay na nagsitayuan ang mga kaklase ko. Nanatili lang ako sa pwesto ko at napapabuntong hiningang tumingin sa field. Hindi naman ako nagugutom e.


“Oy tara na.”


Bumaling ako kay Blue. Inaro nya ang kamay sa akin saka ko iyon tinanggap. Isang linggo na din nang magsimula ang klase at stress na stress kaming dalawa dahil ang dami naming hinahabol na subjects. Kanya-kanyang take ng mga na-missed namin noong liban kami.



“Magpahinga ka naman kasi kahit minsan.” Aniya pa nang makatayo na ako.


Tumango ako sa kanya at magkahawak kamay kaming lumabas ng room. Hindi na ako sa mga Madrideo nakatira, Nagpagawa ng bagong bahay---let’s say na mansion na halos walang pinag kaiba sa bahay na tinitirahan namin ni Daddy noon si Mommy.



Ever since na magkausap kami ni Mommy medyo nag sink in sa akin ang mga bagay na dapat ko pa lang gawin. Lumipat na ako sa kanya at taos pusong nagasalamat sa pamilya ni Blue. Though magkasama kami sa bahay ni Mommy ay hindi pa din malapit ang loob ko sa kanya.



Umalis daw sya noon dahil hindi daw nya kinaya si Daddy. Noon pa lang daw ay hindi na maganda ang takbo ng relasyon nila dahil nga sa ugali ng ama ko. Ilang beses daw nya akong sinubukang kuhanin pero talagang hindi matinag si Daddy at nagawang ipanalo sa korte na mananatili ako sa pangangalaga nya.


Mom’s looking after me ever since kaya noong nakita naman daw nya na ‘mukhang’ maayos na maayos ako sa puder ni Daddy ay hinayaan nya ako at nagpuntang ibang bansa para itago ang pagbubuntis kay Sky. Ang plano nya daw ay ang balikan na lamang ako kapag nasa wastong gulang na para mabibigyan na daw ako ng karapatang magdesisyon kung kanino ko gustong sumama.



Ang dami nyang sinabi kasama na don ay ang mga mensaheng pinadala nya sa akin sa loob ng mahabang panahon na hindi ko man lang daw nireplayan. Maliwanag pa sa sikat ng araw na may kinalaman doon si Dad kaya hindi nakarating sa akin ang alin man sa mga letra at regalo nya. Gayunpaman ay hindi ko pa din magawang maging malapit sa kanya dahil ramdam ko pa din ang poot ng pangungulila sa isang ina.



“EARTH TO RED!”


Napaigtad ako dahil sa patutyada ni Blue.



“Ano ba!” Reklamo ko at inayos ang sarili.


Nag pout sya. “Baby hindi mo ako pinakikinggan.”



Natawa ako at tumiad sabay gulo ng buhok nya. Ang tangkad kasi eh!


“Sorry, why don’t we pick Sky?” Pag iiba ko ng usapan para hindi na sya magtanong.



Bumusangot sya lalo, “You both are evils, Binubully nyo akong dalawa kapag magkasama kayo.”


Natawa ako. Nasa grade 1 si Sky, sobrang late na ng pagpasok nya sa school pero buti na lamang at nagawaan ni Tita Kelly ng paraan ang tungkol sa bagay na iyon.


Magkabukod ang building ng Nursery, Elementary, High School, at College dito sa school namin. Yung sa amin kasi nasa gitna habang yung kina Sky ay nasa bukana lang. Fernavrino Academy is a modern school, bawat pasamano ng eskwelahang ito ay puro glass. Simula sa bintana maging sa pintuan. Prestihiyoso na nga itong paaralan dahil nagmistula na itong international school.


I raised an eyebrow on him, “Edi wag.” Sabay una na sa paglalakad.


Naramdaman kong hinabol nya ako at nang maabutan ay sabay inaro ng akbay na agad ko namang iniwasan. Napakamot sya sa ulo habang nagpipigil lang akong ngumiti.



She's RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon