RED'S POV
Nagising ako na nakitang nakaulo ako lap ni Blue. Tulog pa din sya. Mabilis akong pinangilidan ng luha. Idinako kong muli ang paningin ko rito at saka marahang hinawakan ang kanyang mukha. Kahabag habag syang tignan, kung hindi dahil sa akin ay marahil masaya syang namumuhay ngayon.
Dahan dahan akong tumayo upang hindi ko sya magising at saka ako nagtungo sa kama. Kinuha ko ang unan doon at muling lumapit kay Blue. Marahil na din siguro sa matinding pagod ng katawan ay hindi ko sya nagising nang ihiga ko sya at iniunan sya doon.
Muli akong bumalik sa kama upang kunin ang isang oversized shirt na kaninay napansin kong nakapatong doon. Marahil ay inilagay yon don ni Daddy habang tulog kami dahil may kasama pa itong underwear.
Matapos non ay dali dali akong nagpunta sa cr. Iniharap ko ang sarili ko sa salamin habang unti unting inalis ang kumot na sa katawan ko ay nakasaplot.
Napasinghap ako dahil ngayon ko lang nakita sa katawan ko, ang mga markang kailan man ay hindi ko ginustong makuha mula sa kanya.
Sabay ng pagbukas ko ng shower ay pagpapaunahan ng mga luha ko sa pagpatak. Humagulhol ako ng iyak, sapo ng dalawang palad ko ang aking mukha at napaluhod na.
Ang dumi dumi ko. Sobrang dumi ko.
"B-bakit?..." Impit kong saad saka muling tumayo at nagmadaling tapusin na ang panliligo. Isinuot ko yung damit na nakita ko at agad na lumabas ng banyo.
Tahimik akong naglakad at muling bumalik sa kama. Tulog pa din si Blue. Lumapit ako sa gown ko at kinuha ko yung pin na inilagay ko sa gilid nito.
Lumapit ako kay Blue at tinignan ang kanyang paa na nakakadena. Nagsugat na ito kaya agad kong kinalikot yung lock at pinakawalan sya. Nanatili syang di nagigising kaya muli akong nag balik sa banyo at kumuha ng bimpo na may tubig at dahan dahan iyong nilinis. Nang matapos doon ay muli akong kumuha ng panibagong bimpo at sa katawan at mukha nya ko naman ipinunas iyon.
Umupo na lamang ako sa tabi ni Blue at sumandal sa pader habang nakatingin sa kawalan at tahimik na lumuluha. Ang pakiramdam na ito, masyadong nakakamanhid sa sakit.
I was about to reach Blue's hair when I heard some footsteps coming near us kaya dali dali kong kinuha yung kadena at madaling inilagay sa paa nya dahil baka pareho kaming mayari pag nagkataong nalaman nilang kaya kong tagtagin si Blue sa pagka-kakadena.
Saktong matapos kong ikabit ay saka nagbukas ang pinto. Pinamawisan pa ako bago ko iniharap ang sarili sa pinto. At doon, doon ko na naman nakita ang halimaw.
Agad akong nagbaba ng tingin, kagat ng aking mga ngipin ang aking labi para pigilan ang aking paghikbi.
"Get up." aniya.
Dahan dahan akong muling tumunghay para makita si Daddy. Bagaman napakinggan ko ang sinabi nya ay hindi ko magawang gumalaw.
Laking gulat ko nang naglabas sya ng baril at itinutok iyon sa mahimbing na natutulog na si Blue.
"I said get the fuck up!" biglang padabog na utos ni Daddy.
Hindi ko alam pero otimatiko akong napatayo sa takot. Natatakot ako na baka pag hindi ako sumunod ay bigla na lamang nya itong iputok kay Blue.
Napangisi sya.
"Come here." aniya.
Wala akong nagawa kundi ang sundin sya. Lumapit ako sa kanya habang nakatungo. Nagtindigan ang mga balahibo ko ng hawakan nya ang braso ko.
BINABASA MO ANG
She's Red
Fiksi RemajaLeave me Alone! Stop, please...Leave me, now! Nagising ako mula sa panibagong bangungot. I curled myself into ball and placed my knees to my chest. I cried everything out, this is my new normal, ano pang magagawa ko? Everything, the scars, the new...