Chapter 2: Aldrin's POV

97 56 3
                                    

"Ano ba naman yan Faustine! Bakit hindi ka pumunta sa meeting kanina?! Alam mo naman na ikaw ang in-charge doon e! Ako pa tuloy ang humarap. Di tuloy ako nakapag-spa. My gosh!" Sermon ni mom kay dad. Kakauwi palang niyan nila pero bangayan na agad. Haaay

"Audrey, hindi ba't sinabi ko naman sayo na may bagong clients akong kausap? Ayaw mo ba ng mas maraming pampa-spa???" Sagot ni papa na halata namang nagpipigil ng pagkakarindi sa pagsusungit ni mom.

Marami pang katakan na naganap kaya balak ko ng umalis sa sala dahil sa may likod ko sila nagbabangayan. Nakakasawa na yung katakan nila mom at dad. Araw-arawin ba naman? Dagdag pa tong tv na maingay.. Haaay

"... 18-30 years old, Filipino citizen and can stay sa TFHOR sa loob ng dalawang buwan." Wait. WHAT? Nakatayo nako pero napatigil ako sa paglalakad papunta sa kwarto ng marinig ko ito.

"Ang kailangan lang gawin ay magpasa ng 3 minute video clip na naglalaman ng personal information, talent or talents kung madami kang alam gawin, at reason kung bakit mo gustong sumali rito." Eh kung sumali kaya ako? Wala namang masama diba?

"We'll be waiting. Tandaan, until the end of the month lang for the next batch." I have one week to prepare. But I'll do it now.

"Good luck everyone." Pinatay ko na ang tv after ito sabihin ng male host ng show. Umalis na ako sa sala at dumiretso sa music room ko.

Yup. Music room "ko". Sakin lang. Doon ko naisipan magrecord ng video.

Pagkarating doon ay prinepare ko na ang iPad ko. At sinimulan ko na.

"Good day everyone, especially to Mrs. Rodericka. My name is Aldrin Reister David. Son of Faustine and Audrey David. I am 20 years old and of course, a Filipino citizen. " paninimula ko sabay ngiti

"I have many talents. Dancing, singing, playing different kinds of musical instruments, name it." Sabi ko sabay smirk.

"But in this video, I am going to perform using my drums." At sinimulan kong tugtugin ang Bring me to life ng Evanescence. And pagkatapos..

"Gusto ko pong makapasok sa TFHOR because I want people to know me because of my work, not of my parents' businesses. That's all. Thanks" syempre pati sawa nako sakanila pero di ko naman sasabihin yun. Di ko naman sila ipapahiya.

Itinigil ko na ang pagkakarecord ng video at patayo na ako pero biglang may nagsalita sa may likuran ko.

"Bravo anak. Gusto mo palang sumali diyan. I have connections para makapasok ka. Si Tita Donna mo alam ko may kilala sa channel 3." Offer ni mom. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil may pakialam siya o maiinsulto ako dahil parang wala siyang tiwalang kaya kong makapasok dun ng walang money issues.

"Sabi ko nga po sa video na kakatapos ko lang i-record, gusto ko pong makilala dahil sa sarili kong effort." Pagkasabi ko nun ay sinend ko na kaagad sa site ng TFHOR and video total ipad lang naman ang gamit ko kaya dire-diretso nalang.

"Okay son. If that'll make you happy. Well then, goodluck." Sabi ni mom sabay halik sa ulo ko.

"Thanks mom." I said as I smiled back

*sent*

•Ronnie Alonte as Aldrin Reister David.
(Photo not mine | credits to the owner)•

TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon