Chapter 8: Debbie's POV

65 49 6
                                    

Disco ball..

Speakers na mas malaki pa kaysa saakin..

Tequila shots..

Hot guys..

Loud music..

Party goer bish na katulad ko..

Yan yung mga kasama ko araw-araw or should I say gabi-gabi.

Ito na yung comfort zone ko. Kung pwede nga lang tumira dito, dito na talaga ako titira e. Sabi nila impiyerno daw ito. Pero para sa akin? Mas impiyerno pa sa bahay namin. Kahit sinasabi nila na rich kid ako, di ko ramdam. Haay..

*FLASH BACK*
A year ago..

"ANO? HINDI KA GRA-GRADUATE??!" galit na galit na wika ni Papa. Dapat kasi magtatapos na ako ng education course kaso nagpabaya ako.

"Pa, I'm sorry po. Please.. Give me another chance. Aayusin ko po, I'm sorry.." giit ko habang umiiyak.

"DIYOS KO NAMAN ANAK! ALAM MO NAMAN NA MAHIRAP LANG TAYO DIBA? WALA NA AK—" di na niya natuloy yung sinasabi niya dahil inatake siya sa puso.

"Pa! Pa!" sabi ko habang umiiyak na ng walang tigil.

"Deborah naman! Tignan mo ginawa mo sa Papa mo! Tumawag kana ng ambulansya! Bilis!!" ginawa ko ang sinabi ni mama at dumating naman agad ito.

"Naku bata ka! Puro ka kasi Paul! Paul! Paul! Dahil diyan sa kalandian mo, dika gra-graduate! Inatake pa ang papa mo!" Sigaw ni mama sa akin. Nahihiya man ako sa mga nurse sa loob ng ambulansya, umiyak na lamang ako ng tahimik dahil kasalanan ko naman talaga.

Pagkarating sa ospital ay idiniretso na si Papa sa emergency room. Sasama sana ako sa loob pero sinalubong ako ng malakas na sampal ni Mama.

"HUWAG NA HUWAG KA PAPASOK SA LOOB KUNG AYAW MONG MAG-AGAW BUHAY MALANDI KANG BATA KA!" Humagulgol na lamang ako at umupo sa sahig habang si mama naman ay pinuntahan na si pala sa loob ng emergency room.

Sobrang nade-depress ako at sinisisi ko ang aking sarili dahil sa nangyari kay Papa. Yung tipong di ko na alam ang gagawin ko.

Dahil wala akong mapuntahan, pumunta ako sa condo ni Paul. Buti nalang dala ko ang duplicate ng susi na binigay niya sa akin kahapon para dito sana ako dumiretso sa susunod na linggo dahil doon kami magce-celebrate ng 2nd anniversary namin.

Nagtricycle ako papunta roon. Habang nakasakay ako sa elevator, bigla akong kinabahan sa di malaman na dahilan.

Sa pagkakaalam ko, 4th floor ang kay Paul at nasa 3rd floor pa lamang ako pero kinakabahan talaga ako. Di ko alam kung dahil natatakot ba ako na matukso si Paul dahil kami lamang dalawa at sa condo pa niya? O natatakot ako dahil baka sumama lalo ang lagay ni Papa kapag nalaman niyang nandito ako? O iba pa? Ay basta! Ewan ko na..

Nang makarating ako sa 4th floor, hinanap ko ka agad yung number ng condo ni Paul.

"307, 307, 307.." bulong ko sa sarili ko hanggang mahanap ko ang 307.

Nang makarating ako sa may pinto ay may narinig akong boses ng babae kaya napa-atras ako dahil baka maling pinto o number ang napuntahan ko pero tama naman.

Pinasok ko ang susi sa knob at inikot ko ito. Success! Bumukas ito.

Pagkabukas ko ng pinto ay hindi lang ako nagulat. Sobrang gulat  na gulat talaga ako. Hindi ko alan kung anong sasabihin ko.

TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon