Chapter 4: Sarah's POV

103 54 4
                                    

"Ax + By = C"

"d=m/v , v=m/d , m=d•v"

Ang sakit na ng ulo ko sa kakamemorize ng mga formulang to. Pero kailangan kong magtiis kong gusto ko ng full scholarship. Haaay. I need a break.

Kinuha ko yung cellphone ko. Di ako RK kaya hindi siya iPhone, myphone siya mga bes.

Binuksan ko ang radio sa phone ko at tinaas ko ang antenna para maayos naman yung quality ng tunog kahit papaano. Nilagay ko ito sa taas ng aparador ko at saktong Loyal ang tumutugtog.

🎵 I wasn't born last night..🎵 habang tumutugtog ito ay sinabayan ko ng freestyle dance. Ito kasi ang passion at stress reliever ko e.

Kapag may problema ako, dinadaan ko sa sayaw..

Kapag bored ako, sasayaw din ako..

Kapag masaya ako, kusa nako napapasayaw..

Pero di pa naman ako abnormal na umabot na sa puntong sumasayaw habang nagdidiscuss yung prof no.

Nang matapos ang kanta ay inabot ko na ang phone ko. Papatayin ko na sana yung radio kaso..

"Vote now! Tandaan, mananalo ng 1st place ay makakakuha ng 25,000 monthly for 5 years. At sila yung papalit sa amin next batch! Kaya ano pa hinihintay niyo? Vote na! Baka bigyan pa kayo ng balato!" sabi nung male host sa wait.. Ano nga kasing show to? Binalik ko sa taas ng cabinet ang phone ko para mas marinig ko ng maayos.

"And para naman sa mga gusto magaudition para sa next batch, just pass your requirements sa site namin. TFHOR.com.ph — 3 minute video with your personal information, talent/s, and reason kung bakit you want to join TFHOR. Until the end of the month lang ang audition. You only have 2 days left." Sabi naman nung female host.

Malaking pera ang 25,000 tapos monthly pa for 5 years! Kailangan kong makasali sa show na yun. Pero paano?

Isip.. Isip.. Light bulb! Alam ko na!

Kinuha ko ang cellphone ko sa taas ng cabinet at tinawagan ko kaagad agad si June, ang bestfriend kong rich kid. Sinagot naman niya ito ka agad.

"Hi June!" masigla kong sabi.

"Hi Yvette! Kamusta pagrereview mo?" malambing niyang sabi. Siya lang yung tumatawag sakin ng Yvette. Ako lang din yung tumatawag sakanya ng June kasi second name niya yun. Madalas tawag sakanya ay yung first name niya.

"Ayun, memorize ko na yung ibang formula. And may good news ako sayo! Puntahan kita ha?" Sabay hagikgik. Di pa siya sumasagot pero binaba ko na ang call para makapagpaalam.

Siguro nagtataka kayo kung bakit kami naging magkaibigan no? Ganito kasi yun..

*FLASHBACK*

Ang inay ko ay katulong ng lola ni June. Naging magbestfriends kami nung 10 years old pa lamang kami. Bagong lipat kasi sila sa tabing bahay ng bahay ng lola niya, na amo ng inay ko. Dito sila nagdinner bilang pag-welcome back narin para sakanila. Kauuwi lang kasi nila ng Pilipinas galing New York.

Nasa maid's room lang ako lagi dahil takot akong lumabas kasi baka makabasag ako ng gamit ng amo. Naririnig ko ang usapan nila dahil nakatutok ang tainga ko sa pintuan ng kwarto namin.

"Good evening Ma'am Nicole! Good evening Sir John! Hi baby boy! Ang laki mo na ha? Welcome home po!" Maliksing sabi ni inay. Sa mga kwento kasi, nagkasabay na buntis si inay at si Ma'am Nicole nung umalis ang pamilya nila sa bansa.

"Naku, namiss naman kita Mabel! Salamat sa pag-alaga kay mama at papa habang wala kami ha? Malaki na nga si baby boy ko. Parang kelan lang mukhang mga bola yung tiyan natin. Asan nga pala yung anak mo?" tanong niya kay inay.

TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon