"Ang galing naman magballet ni Ate Gurl! Isa ka ng homebuddy!" sabi ni Romulo.
"Heidee?" Ani Romulo at gets na ni Heidee ang dapat niyang gawin kaya bumunot na ito.
"Lalaki." sabi niya kasabay ng pagdrumroll.
"May L sa pangalan.. J nagsisimula ang apilyedo." Pasuspense na wika ni Heidee.
"You are now an official homebuddy.."
"Lloyd Christopher Javier!" At pagkasabi nito ay lumabas na ang audition video ni Lloyd.
Lloyd's POV
Nakatambay kaming dalawa ni Kuya dito sa shop nila Kuya Bugoy. Si Kuya ay nagfe-facebook habang ako naman ay nakikipagkantahan kay Kuya Bugoy at mga kaibigan niya.
*sings Huling El Bimbo*
"Tope! Halika dito bilis!" Naalarma kami kaya lumapit kami kay Kuya. Nanonood pala siya ng TFHOR Live sa facebook. Nakisali na ang lahat sa pakikinood.
"Uy Tope! Di ba sumali ka dyan? Malay mo makuha ka!" Ani Kuya Bugoy. Nagulat ang iba naming kasama. Napakamot ako ng batok at tinitignan nila akong lahat na animo'y naghihintay ng sasabihin ko. Napabuntong hininga na lamang ako.
"Oo na, oo na. Pero di naman tayo sigurado kung makukuha ako diyan. Kadalasan kasi sa mga ganyan bias." Sabi ko pero nakinood nalang din ako.
Pinanood parin namin ang live sa fb at sa buong oras na yon ay wala akong ibang naramdaman kundi kaba. Di ko alam kung kaya ko ba talaga tong pinasok ko e.
Tumalikod na lamang ako at naggitara sa isang sulok magisa ng biglang matawag ang pangalan ko at nagsigawan sila.
—"Aww Kuya, pinaluha mo kaming lahat." Ani Heidee habang nagpapahid ng luha.
"Good luck sayo Lloyd and welcome sa TFHOR. Ngayon, sino kaya ang pang-siyam na home buddy natin?" Pagkasabi niya noon ay bumunot na siya *drumroll*
"Ang 9th homebuddy natin ay si.. Emma Yambao!"
Emma's POV
"Emma come here!" Tawag sakin ng manager ko. Halos lahat pala ng workers ng company ay nasa loob na. Baka may meeting.
Kadalasan kapag may meeting di naman ako kasali e. Ang alam ko lang na models na nakakapasok dun ay yung mga balak nilang tanggalan ng trabaho. Nagstay lang ako sa may pinto ng meeting room.
"Manager bakit po? Matatanggal na po ba ako dito?" Kabado kong tanong. Isa isa kong tinignan ang mga tao sa loob at lahat sila ay di makatingin sakin. Nahagip ng mata ko ang may-ari ng kumpanya. Alam ko na ang mangyayari.
"Si M-Mr. Lizzi?" Sabi ko sabay tingin kay Manager.
"Halika na." Walang emosyong sabi ni Manager sabay hila sakin paloob.
"I believe that you know the reason why are you inside this room, hindi ba hija?" Sabi sakin ni Mr. Lizzi. Nakayuko lang ako. Paano ko na makukuha si Aaron at Gabreel?
"Well Emma, the whole company will miss you, dear. Especially your manager." ani niya kaya naluha nako.
"Sir are you firing me?" Pagkatanong ko nun ay isa isang nagsitayuan ang mga katrabaho ko at tumalikod.
"C-O-N-G-R-A-T-S-E-M-M-A-!" Nakasulat sa papel na nakadikit sa likod ng mga staff tapos si Manager ay may hawak ng cake. Tinurn on ni Mr. Lizzi ang projector at nagflash roon ang replay ng TFHOR kung saan tinawag ako at pinakita ang audition ko.
BINABASA MO ANG
TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)
Детектив / ТриллерThis is not your common reality show. Will you survive?