Chapter 16: Announcement Day (part 1)

83 48 5
                                    

"Welcome back to the Famous House of Rodericka!" Ani Heidee.

"Today is a very big day, right Heidee?" ani Romulo kay Heidee.

"Ano nga bang meron ngayon Kuya Rom?" Pagtatanong ni Heidee kay Romulo.

"Kayong mga nasa bahay, alam niyo ba kung anong meron ngayon?" dagdag niya.

"Eh yung crowd kaya alam nila bakit sila andito?" dugtong ni Heidee. Kasabay noon ang pagtili at pagiingay ng mga tao.

"Heidee, today is the day! Makikilala na natin ang mga new homebuddies! Out of 1000 selected nominees by Mrs. Rodericka, sino kaya ang 15 lucky home buddies?" sabi ni Romulo kay Heidee at sumenyas ito sa staff para ipasok ang malaking lalagyan na naglalaman ng mga pangalan ng aspiring homebuddies.

"Ganito ha para fair. Palitan tayo. Ako una, tapos ikaw naman tapos ako ulit tapos ikaw. Ganun okay?" Sabi ni Romulo at nagtawanan nalang ang dalawang hosts. Pagkatapos ng tawanan nila ay lumapit na si Romulo sa bunutan at bumunot na.

"Ang unang makakapasok sa TFHOR ay si.." Wika ni Romulo kasabay ang mahabang drumroll. Pagkatapos ay ihinarap niya ang papel. Kasabay nito ang pagsabi niya ng

"Bronson Cruz!" tapos lumabas ang video audition ni Bronson sa malaking screen sa likod ng mga hosts.

Bronson's POV

Nakikinood kami ni Bentong sa tindahan ni Aling Barbara dahil ngayon ina-announce ang mga nakapasok sa TFHOR sabi sakin ni Ivan.

"Bumili naman kayo kahit candy lang. Bawal ang tambay dito mga totoy." Ani Aling Barbara kaya bumili nalang kami ng sampung pisong v-fresh.

Seryosong seryoso kaming nanonood. Habang nagdadrumroll ay bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong natatae sa kaba.

Naiinip na ako at nawawalan ng pag-asa kaya uupo na sana ako ulit, nakatalikod nako dahil sa tagal ng drumroll ng biglang..

"Bronson Cruz!" Sa sobrang gulat ko ay napalingon ako ulit sa tv nila Aling Barbara at natulala. Nakita ko ang video na nirecord ni Ivan. Salamat Ivan..

"Tol!" Sigaw ni Bentong sa akin at nanlalaki ang mata. Halatang di makapaniwala.

"Tol!!" Sigaw ko pabalik. Tol nalang kami ng tol sa isa't isa habang magkahawak ang magkabilang kamay habang tumatalon talon ng parang mga batang nanalo ng prize sa kiddie games.

"Naku! Naku! Naku! Eto oh. Wag mo kong kakalimutan Bronson ha? Susubaybayan kita. Galingan mo!" Ani Aling Barbara. Inabot niya samin ang isang plastik na may lamang bigas at 2 lata ng sardinas. Ang bilis magbago ng pakikitungo neto ah.

"Opo salamat po." Wika ko nalang at umupo kami ulit ni Bentong para makapanood padin at para malaman ko ang mga kailangan."

"Ayan ang first homebuddy natin. Welcome sa TFHOR Kuya Bronson. Luvin' the voice. Ako naman ang susunod na bubunot." Wika ni Heidee.

Lumapit siya sa lalagyan at hinalughog ang laman. Pagkatapos ay bumunot siya.

"Ang nabunot ko ay si.. Q–F–Z" sabi ni Heidee sabay hagikgik. May drumroll pang kasabay.

TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon