Chapter 10: Bronson's POV

61 46 6
                                    

"Galing mo talaga magpatawa San! Pwede mo ng tapatan si Vice Ganda, Empoy, Diego Kabayo, at Chokoleit! Hahaha!" sabi ng pinsan kong si Bentong na kasama kong pumupunta sa plaza para magpatawa kapag day-off namin. Parehas kasi kaming janitor sa isang private na paaralan kaya day-off namin ngayong sabado pati narin bukas dahil linggo.

Maliit lamang ang kinikita namin kaya nagpeperform kami sa plaza tuwing sabado para kahit papaano ay madagdagan ang aking ipon.

Para saan? Para kay Lily, ang aking nakababatang kapatid na may stage 2 leukemia.

Tuwing linggo naman ay nagsisimba kami at minsan rumaraket padin. Depende din sa panahon at sa oras na available kami.

Pagkauwi namin ni Bentong, nakita namin si Lily na tulog na tulog sa hita ni Inay.

"Mga anak, nandiyan na pala kayo. Halos kakatulog lang ni Lily. Napainom ko narin siya ng gamot. May itlog at kamatis pa tayo diyan. Pagkasiyahin niyo nalang ha?" Malambing na sabi ni Inay sa amin ni Bentong.

"Sige po Nay Portia, kakain napo kami. Salamat po." sagot ni Bentong kay Inay habang ako naman ay nakatitig parin kay Lily.

Pansin na pansin ang unti-unting pangangayayat niya at mahahalata mong nanghihina siya kahit siya ay tulog. Pero kahit ganoon, di parin maalis ang awra niyang mala-anghel. Buti nalang di niya ako kamukha. Buti nalang hindi siya nagmana sa akin. Kanino kaya siya ipinaglihi ni Inay?

FLASHBACK..

"Kuya ang hirap naman ng assignment na to. Pwede mo ba akong tulungan?" Matamlay na sabi Lily sa akin habang ako ay nanonood lamang sa kanya.

Di ako nakapagtapos ng pagaaral kaya di ko siya masyadong matuturuan.

"Naku Bunso. Di ko rin alam ang mga yan e. Kauwi nalang ni Inay ha? Namalengke lang yun." Pagkasabi ko nun ay papunta sana ako ng banyo para umihi pero may narinig akong kalabog kaya napatakbo agad ako sa kay Lily.

Nakita ko siyang walang malay sa sahig at may dugo sa ilong. Nagmamadali ko siyang binuhat at nagpatawag ako ng tricycle kay Bentong para madala siya ka agad sa pinaka malapit na ospital.

"She has tiny red spots in her skin. Those spots are called petechiae. Did she have fever these past few days? Is she feeling weak? Excessive sweating? Especially at night?" Sunud-sunod na tanong ng doctor.

"Uhm doc, pasensya na po ha? Pero pwedeng pakitagalog? Ang bilis niyo po kasi magsalita tapos english pa." Sagot ko sa doctor. Ngumiti lamang ito at sumagot.

"Nilagnat ba siya ng mga nakaraang araw? Nanghihina ba siya? Namamawis tuwing gabi?" Sunud-sunod na tanong niya ulit.

"Nilalagnat po siya ng madalas nun. Minsan sinasabi niya na nanghihina siya. Namamawis po siya tuwing gabi. Siguro po dahil mainit sa bahay. At yung spots po ata na sinasabi niyo baka allergy lang po yun kasi kumain siya ng manok." Sagot ko naman.

"Sir, according po sa mga tests, pasado po lahat na yung kapatid niyo ay may.."

"Ay may ano ho doc?" Tanong ko ng kinakabahan habang si Bentong ay nakikinig lamang saamin pero nakatingin rin ng diretso sa doctor.

"May stage 2 leukemia." di ako makapaniwala sa sinabing iyon ng doctor. Parang tumigil ang mundo ko.

"Sir, pwede pa naman pong maagapan ang sakit ni Lily ngunit malaki po ang gagastusin niyo sa mga gamot at therapies." dugtong ng doctor.

"Gagawin ko po lahat para sa kapatid ko."

END OF FLASHBACK..

Tinapik ako ni Bentong at sumenyas siya sa akin na kakain na kami kaya sumunod na lamang ako sakanya.

Kinabukasan, habang break ng mga estudyante ay nilapitan ako ni Ivan, ang estudyanteng laging present kapag nagjo-joke ako sa mga estudyante.

"Kuya Brons! Kuya Brons!" nakangiting tawag sa akin ni Ivan habang tumatakbo palapit sakin.

"Oh Ivan, ikaw pala yan. Ano yun?" Sagot ko.

"Nakahanap na ko ng paraan para mapagamot mo si Lily!" Sabi niya.

"Ano naman yun Ivs?"

"Basta ivivideo kita magready kana kuya!" Sabi niya.

"Sabihin mo lang pangalan mo, personal information mo, talent mo tas perform ka! Aish! Basta iga-guide kita kuya! Wag ka magalala!" Sabi ni Ivan habang nire-ready ang phone niya na ipangvivideo sa akin.

"Baka madiscover ako diyan Ivan! Uy" pero di siya nakinig sa akin.

"1,2,3.. Action!"

"A-ako po si B-bronson Cruz, ahhh.. 27 anyos po, janitor po ako sa eskwelahan na ito. Kilala po ako bilang JaniComi. K-komedyante po kasi ako p-pero di po nila alam na kumakanta ho ako." Sabi ko ng nauutal utal.

"Kanta ka kuya Brons! Kailangan yun kahit sandali lang!" Pabulong na sabi ni Ivan para di masyado marinig sa video. Tumango na lamang ako at nag-ehem bago ko kantahin ang Sana'y Maulit Muli by Pepe Herrera

🎵 Parang hanging nadarama

Ngunit 'di naman ito nakikita

Tulad sa dilim, hanap ko'y liwanag din..🎵

"Kuya sabihin mo rason mo bat gusto mo sumali sa TFHOR!" Pabulong ulit na sabi ni Ivan. Lumaki ang mata ko ng marinig ko ang katagang TFHOR. Dahil sa pagkakaalam ko, sikat na reality show yun, pero tinuloy ko parin ang video.

"Gusto ko pong sumali diyan kasi alam ko po na makakatulong ito sa pagpapagamot ko sa kapatid ko at pagtaguyod sa pamilya ko. Yun lang po. Maraming salamat po." Pagkasabi ko nito ay itinigil na ni Ivan ang pagvivideo.

"Kuya ang galing mo palang kumanta! " sabi niya at dun ko lang napansin na ang dami na palang estudyante ang nakatingin sa akin.

"Huwag moko pagtritripan Ivan ha?" pagkasabi ko noon ay nagring na ang bell nila.

"Oo naman kuya no! Ise-send ko na to sa site mamaya! Babye!" Paalam niya at tumakbo na siya patungong classroom nila.

Sana nga ito na ang makatulong kay Lily..

• Pepe Herrera *Benny* as Bronson Cruz. (Photo not mine | credits to the owner)•

TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon