"Okay Emma.. 1, 2, *click" at marami pang clicks ang maririnig mo. Pose dito, pose roon, smile dito, smile roon, fierce dito, fierce roon.
Nakakangalay din ang 7 inches na heels. Malamig din sa likod ang bawat bikini na sinusuot ko. Masakit narin ang panga ko kakangiti. Nakakapagod na minsan..
Pero mahal ko ang trabaho ko, lalo na yung mga nagsisilbing inspirasyon ko para magpursigi ako. Ang dalawa kong anak na si Aaron na 8 years old na ngayon at si Gabreel na 7 years old naman ngayon.
17 years old lang ako nung mabuntis ako ng kasintahan kong si Alfred. Pinanagutan naman niya ngunit itinakwil naman ako ng parents ko.
Nagsama kami ni Alfred sa pamamahay ng magulang niya. Mabait naman sila at mayaman. Inaalagaan ako ng katulong nilang si Manang Tin.
Nang manganak ako sa edad na 18, nagpakasal na kami ni Alfred at naging okay narin ang pamilya namin. Sa west lang kami ikinasal at pamilya pa ni Alfred ang gumastos dahil gusto nila ng maayos at buong pamilya para kay Aaron.
Di nagtagal ay nasundan na namin si Aaron. Naging masaya ang pamilya namin. Nagpatuloy ng pag-aaral ng medicine si Alfred at naging house wife naman ako dahil ayaw kong iasa sa mga katulong ang mga anak ko.
Nasanay na kami sa gaanong routine at naging busy din si Alfred dahil gusto niya talagang maging doctor pero never siyang nagkulang saaming tatlo nila Aaron at Gabreel.
Nung 4th anniversary namin, nangyari ang di inaasahan ng lahat. Ito ang araw na ayaw na ayaw kong maalala kahit kailan..
Galing siya sa university nila nung araw na yun. Pagkatapos, binili niya ang naka display at pinaka mahal na kwintas sa isang sikat na jewelry shop. Di niya alam na may mga nag-aabang na sakanya. Kausap ko pa siya sa call noon.
"Babe, Happy 4th anniversary! Pasensya na, pauwi nako. Late kasi kami natapos sa laboratory ngayon. I'm sorry babe. I love you." Sabi niya na nakapagpatunaw sakin.
"Happy 4th anniversary babe. Magiingat ka sa pagmamaneho. Tulog na ang mga anak natin. I love you too." Sagot ko naman sakanya.
"Babe punta ka sa movie room ngayon na." Seryoso niyang sabi kaya napa-okay na lamang ako at sumunod sakanya.
Pagkarating ko roon ay sobrang nagulat ako. Di ko alam kung anong magiging reaksyon ko..
May fitted at makinang na black dress. Hanggang tuhod ito ngunit backless. Napansin ko rin na may isang letter, isang bouquet ng rosas, hikaw at bracelet, at pulang mac lipstick. Binuksan ko ang letter..
"Happy 4th Anniversary Babe. I will be forever grateful because God gave me you. I love you, always. — A." Yan ang nasa letter. Di ko na napigilan kaya naiyak nako sa tuwa.
"Babe.." Yan na lamang ang nasabi ko dahil nakakaspeechless talaga.
"Sshhh. Mamaya na tayo diyan. Isuot mo na ang mga yan babe. Susunduin na kita. Mag-ayos ka. I want my wife to slay." Wika niya. Di pako nakakasagot ng magsalita siyang muli.
"Babe I'll call you back parang may sumusunod sa akin." Sabi niya
"Ah ganun ba babe? Osige mag-iingat ka. Tawagan mo ako agad." Sabi ko.
"Yes babe, I will." Sagot niya.
"I love you babe." Wika ko.
"I love you more than anything. Always remember that." wika niya at namatay na ang phone call.
Nakapag-ayos na ako at na-hele ko na si Aaron at Gabreel pero di padin siya nagcacall. Kinukutuban na ako kaya tinawagan ko na siya pero iba yung sumagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/89757033-288-k417808.jpg)
BINABASA MO ANG
TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)
Детектив / ТриллерThis is not your common reality show. Will you survive?