Chapter 5: Lloyd's POV

81 54 0
                                    

🎵 If I could get another chance

Another walk

Another dance with him

I'd play a song that would never ever end

How I'd love love love

To dance with my father again.. 🎵

(Lyrics of Dance With My Father by Luther Vandross)

Kinakanta ko ito habang sinasabayan ng paggigitara. Miss ko na talaga si Papa. Sobrang miss..

Kung andito pa sana siya, wala kami ni Kuya sa puder ni Tiyang. Edi sana wala kaming pasa, bukol, bugbog, at sugat ni Kuya.

Shout outs nga pala sa nanay kong nag-abroad para pag-aralin daw kami pero iniwan lang kami nila papa at kuya para sumama sa foreigner niyang kamukha ni Mr. Clean.

Mahal ko naman si mama e. Pero di lang talaga katanggap tanggap na iniwan niya kami dahil sa bugso ng damdamin niya. Na iniwan niya yung dalawa niyang anak na nangangailangan ng magulang lalo na ulila na sa ama dahil sa kalandian niya.

"Bakit ka tumigil sa pagtugtog? Feel na feel ko pa e." Sabi ng kuya ko.

"Wala kuya, namiss ko lang si papa. Oo nga pala, may pinapagawa bang bago si Tiyang?"

"Oo tol, pumunta daw tayo sa sala. Dun na daw tayo magplantsa at magtupi. Gusto niyang makita. Alam mo naman yun. Feeling niya lagi tayong pumepetiks" wika ng kuya ko.

"Mas okay na ding nakikita niya para wala siyang nasusumbat na wala tayong silbi" sagot ko naman kay kuya.

"Sa bagay, osya tara na!" Wika ni kuya

"Sige kuya susunod ako." Pagkasabi ko nito ay lumabas na si kuya at binalik ko na ang gitara na pinamana sakin ni papa sa case nito at itinago ko na sa loob ng cabinet. Baka kasi yun pa ang pag-initan ni tiyang. Nagiisang pamana na lang kasi sakin ni papa yun. Pagkatapos noon ay pumunta nako sa sala.

"Oh Tope, ikaw ang magtupi. Ang kuya mo na ang nagplantsa." Ani Tiyang habang nanonood ng tv at hinahaplos haplos ang balahibo ng kanyang alagang pusa.

"Opo Tiyang" sagot ko at sinimulan ko na ang pagtutupi ng gabundok na damit.

"Welcome back to The Famous House Of Rodericka!" Lagi ko naman to naririnig kapag pinapanood ni Tiyang e. Kumakatak katak ang dalawang host sa show kaya pinagpatuloy ko nalang ang pagtutupi ko. Jusmiyo wala pa pala ako sa 1/4. Grabe naman kasi magpalit ng damit si Tiyang e. 3-4 na beses sa isang araw. Psh.

"Kailangan 18-30 years old, pure Filipino, at kayang magstay sa TFHOR sa loob ng dalawang buwan."

"Just send a 3 minute video audition that includes your personal information, talents, and syempre reason why you want to join THFOR. Just send it on our site."

Nang marinig ko ang mga katagang yan ay medyo napapatingin tingin narin ako sa tv pero patago dahil baka masita nanaman ako ni Tiyang.

Dahil sa takot na mahuli, nakinig nalang ako at di na sumulyap pa sa tv. Ang sabi ng mga host ay 25,000 kada month sa loob ng 5 taon ang premyo. Sinabi rin na ang top 2 finalist ay papalit sa mga hosts. Kaya dahil doon napaisip ako. Malaking halaga ang premyo at pwede na kaming makaalis ni kuya kung sakali. At pangarap ni papa na makita ang kahit isa sa amin sa telebisyon.

Pagkatapos naming magtupi at magplantsa ni kuya, bumalik na kami sa kwarto at kinwento ko sakanya na balak kong sumali sa The Famous House of Rodericka.

"Talaga Tope? Naku, matutuwa si Papa kung sakali. Pangarap niyang mapunta kahit isa lamang satin sa tv!" Masiglang sabi ni kuya. Ngumiti lamang ako bilang sagot sakanya.

"Tara gawa ka na ng video. Ise-set ko na yong cellphone ko. Ako na magsesend." Napaka supportive ng kuya ko diba? Kaya kahit gusto ko ng sukuan ang buhay iniisip ko na napaka swerte ko dahil nandyan pa rin siya.

"Magandang araw po. Ako po si Lloyd Christopher Javier. 18 years old. Purong pinoy po ako. Ang talent ko po ay paggigitara at pagkanta at ang tutugtugin ko po ngayon ay ang kantang sinulat ng papa namin, "Aking Yaman"."

Pagkasabi ko noon ay kinuha ko na ang gitara sa side ko at tinugtog ko na ang huling kantang isinulat ni papa, ang kantang para samin ni kuya.

Ang kantang nagpapahiwatig na akala niya si mama ang yaman na para sakanya pero parte lamang pala siya para mabigay ang tunay na kaligayan ni papa, at kami iyon ni kuya.

"Nais ko pong sumali sa TFHOR dahil nais kong maging proud sa akin ang papa kong sumalangit na. Ito po kasi ang pangarap niya." pagkasabi ko nito ay nadala na ako sa aking emosyon at naluha na ako ng tuluyan.

"Pasensya na ho, nadala lang. Maraming salamat po!" Yan nalang ang nasabi ko at pinatay na ni Kuya ang pagkakarecord ng video.

Kinabukasan, nilapitan ako ni Kuya at sinabing "Tol, pumunta nako sa computer shop nila Bugoy! Nasend ko na ang video!"

"Talaga kuya? Bilis mo ha?" Sabi ko.

"Syempre, kuya mo pa ba ang papahina? Syempre hindi! Hahahaha." Sagot niya naman sakin.

Tumawa nalang ako at sinabing "salamat kuya" pagkatapos at ngumiti.

This is it! No turning back. Kaya mo yan Lloyd. Para kay Papa!

• Makisig Morales as Lloyd Christopher Javier. (Photo not mine | credits to the owner)•

TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon