Bukas na pala ang last episode ng batch na to sa TFHOR. Kailangan kong makapunta sa live na paga-announce ng winners. Kailangan naming magtulungan para mahinto na ito..
Para wala ng sumunod pang mga biktima..
Kinuha ko ang bag ko na naglalaman ng mga gamit ko. Nag-ayos ako ng sarili at dumiretso sa station ng bus papuntang Maynila. Buti nalang at hindi masyadong marami ang mga tao kaya nakakuha agad ako ng ticket.
Habang nasa biyahe, nanonood lang ako sa tv na nasa harap. Ilang teleserye na din ang natapos. Kita sa side na bandang ilalim ang count down para sa grand finale ng TFHOR. Mukhang aabot naman ako.
Matapos ang ilang biyahe, nakarating din ako sa venue kung saan gaganapin ang event ng TFHOR.
(Photo not mine. Ctto. "Expo Filipino")
Phew! Buti nalang sakto lang ang dating ko.
Hinintay ko lang na magsimula ang TFHOR. Nakahanap ako ng maganda at maayos na puwesto.
Iilan pa lang ang mga tao at halos lahat sila at nagsisikuhanan ng mga litrato. Mga walang alam sa katotohanan..
Nang magsimula na ang event, hinanda ko ang DSLR na pinamana sa akin ng ama ko at bawat anggulo ng dalawang natitira ay kinuhanan ko.
Kung hindi ako nagkakamali, ang pangalan ng babae ay Heidee Dela Vega at Romulo Esguerra naman ang lalaki.
Isa sakanila ay mananalo ng 25,000 kada buwan sa loob ng limang taon. Yung isa naman ay makakakuha ng brand new na sasakyan pero pareho silang papalit sa mga dating hosts.
Sana magkaroon ako ng pagkakataon para makausap silang dalawa..
Sana makumbinsi ko silang tumulong sa plano ko..
Hinintay kong matapos ang awarding. Akala ko lalapit sila sa mga pamilya nila pero hindi. Kahit nanalo si Heidee at nakikita kong isang pikit nalang ay tutulo na ang kanyang mga luha pero pinipilit parin nitong ngumiti.
Maliban roon, may isa ring nahagip ang mga mata ko kaya nabaling ang atensyon ko sa batok nila Heidee at Romulo. Hindi maari..
Mayroon na rin sila. Magiging hosts na talaga sila..
Nang maubos na ang mga tao sa paligid ay dahan dahan akong pumuslit sa backstage. Success!
Pumasok ako sa tent kung nasaan si Heidee at nakita niya ako. Diretsong diretso ang tingin niya sa mga mata ko.
Akala ko sisigaw siya at magpapanic pero hindi. Lumuhod siya sa harapan ko at humagulgol.
"Pakiusap, tulungan mo ko. Tulungan mo kami.. Please.. Nagmamakaawa ako.." Wika niya sa akin.
Naestatwa ako ng ilang segundo. Awang awa ako sa itsura ng inosenteng dalaga na to.
Itatayo ko na sana siya ng may biglang humampas ng matigas na bagay sa batok ko at tuluyan na akong nawalan ng malay..
—
Nagising ako ng puro itim lamang ang nakikita ko.
"Patay na ba ako?" wika ko sa aking sarili. Babangon na sana ako pero di ko magalaw ang katawan ko dahil nakaipit ako sa masikip na lalagyanan at may narinig akong boses..
"Kuya Rom, b-baka siya na yung makakapaglabas satin d-dito.. Baka siya na y-yung magliligtas sa atin." ani ng isang boses na umiiyak at nauutal. Panigurado akong si Heidee ang nagmamay-ari ng boses na yon.
"Heidee, tanggapin mo na. Wala na tayong magagawa. Wala na tayong kawala dito. Iligtas nalang natin siya. Atleast makakatulong tayo kahit ngayon lang." Malungkot na sagot nung Romulo kay Heidee.
Sa sobrang dilim sa loob ng kinalalagyan ko ay may natamaan ako ng di sinasadya na naging sanhi ng pagkahulog ng kinalalagyan ko. Nakapatong pala ito sa isang case ng speaker kaya medyo mataas ang binagsakan ko. Nabuksan naman agad ang kinalalagyan ko. At kung di ako nagkakamali, lalagyanan ito ng mga costume.
"Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Romulo at tumango lang ako. Kasabay nito ay ang pagalok niya ng kamay para maitayo ako.
"Tara na. Sumama na kayo sa akin. May alam akong pwedeng paglabasan ng lugar na ito! Pinag-aralan ko na ng mabuti ang bawat sulok ng lugar nato!" Wika ko sakanilang dalawa.
"Hindi napo kami makakalabas dito. Kung pipilitin man po namin, mamamatay lang po kami." sabi ni Heidee.
"Pero.." Di pa ako tapos magsalita ay may narinig na akong mga mabibigat na hakbang. Pagkalingon ko ay may apat ng lalaki sa likuran ko.
"Sino to?! *sabay hawak sa kwelyo ng damit ko* Anong sinabi niyo sa kanya?!" Sigaw ng isang malaking lalaki kay Romulo at Heidee.
"Wala! Wala kaming sinabi. Umalis na kayo dito!" Sagot ni Romulo habang nakayakap lang kay Heidee. Si Heidee naman ay nakayakap rin sakanya at nakasubsob ang mukha sa dibdib niya habang umiiyak.
"Siguraduhin niyo." Sabi ng isa ring malaking lalaki pero mas nakakatakot siya. Siya ang pinaka nakakatakot sakanila at mas malaki ang boses niya.
Dinala ako ng apat na lalaki sa isang silid. Nakakatakot ito dahil may bakal na upuan ito na may built in posas sa kamay, paa, at leeg.
Nang iuupo na ako ng isa sa mga malalaking lalaki ay nanlaban na ako. Baka patayin nila ako!
Pero dahil malalaki sila at apat sila, tinutukan ako ng mga malalaking baril ng dalawa at ang dalawa naman ay may hawak na malalaki at makakapal na bakal na tubo kaya wala akong nagawa kung hindi maupo.
"Huwag mo kaming sagarin." Sabi ng pinaka nakakatakot sakanila. Kalmado naman ang pagkakasabi niya pero nanginginig na agad ang kalamnan ko.
"Gusto mo bang tumagal ang buhay mo o gusto mo ng mamatay?" Tanong ulit sakin ng pinaka nakakatakot. Dahil sa sobrang kaba ay di ako nakasagot kaya hinampas ng isang lalaki ang upuan gamit ang bakal na hawak niya sabay sigaw ng "SAGOT!"
"G-gusto ko pa pong m-mabuhay.. M-maawa po kayo s-sa akin. Fan l-lang po t-talaga ako nung d-dalawa.." Nauutal na pagpapalusot ko sakanila. Hindi ko alam kung nauto ko ba sila pero nagtinginan sila pagkatapos ay tumingin ulit sila sa akin at ngumiti.
Ngiting hinding hindi mo gugustuhing makita..
"Maari ka pang mabuhay. Pero sa isang kondisyon." Sabi ng isa sa apat na malalaking lalaki.
"A-ano p-pong kondisyon y-yon?" Hindi ko na alam papaano pa ako nakakasagot dahil kung tutuusin ay sobrang takot na takot na ako at isang galaw nalang ay maiihi na ako sa saluwal ko.
"Kailangan mong sumali sa TFHOR. Dapat walang makakaalam ng lahat ng nakita at nalaman mo. Kung hindi, alam mo na ang kapalit. Pati buong angkan mo idadamay ko.." bungad ng isang boses na hindi ko alam saan nanggagaling pero nakakatakot ito..
BINABASA MO ANG
TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)
Mystery / ThrillerThis is not your common reality show. Will you survive?