Chapter 14: Krisha's POV

41 29 1
                                    

🎵 Swan Lake (music for ballet) plays 🎵

Ine-enjoy ko lang yung pagsayaw ko at pinapakiramdaman ko ang musika. Nang matapos ito..

"Great job girls! *claps* so tomorrow, you need to be here at exactly 9:00 am. Walang male-late okay? Yun lang. Dismissed." sabi ni Ms. Regine, ang instructor namin.

Pagkasabi niya noon ay nagpaalam na kami at dumiretso na sa shower room para makapaligo at makapagayos ng sarili.

"Tam, we're going to watch a movie today. Wanna join?" Pag-aya sa akin ni Lorie habang nakangiti. Nasa likod niya si Kim at Sylvia, ang mga alipores niya.

"No, thanks. Magsho-shopping ako ngayon eh. *smiles* by the way thank you. Enjoy nalang kayo." Sabi ko at nag-shrug nalang siya ng balikat bilang sagot.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ko sila tinanggihan, ganito kasi yun..

*FLASHBACK*

"Tammy, tara shopping?" Pagyayaya sa akin ni Danie, my ex bff. Wait, naging magbest friend nga ba talaga kami nun? Sus. I don't effin' think so.

"Tara." halos araw-araw kaming lumalabas noon. Kasama rin si Lorie at Kitty. We are the so called Queen Bees noon.

Lagi ako yung gumagastos sa mga gimik namin na sila lang naman yung may gusto. Wala namang issue sa akin yon dahil mas mahalaga ang kaligayan nila kaysa sa pera para saakin. Minsan nga sila ng tatlo ang may hawak wallet ko e. Pati debit at credit cards ko.

All went well as expected, hanggang sa dumating yung araw na kinakatakutan ko. Ang bumagsak at matanggal sa university na pinapasukan namin.

Mataas ang expectations sa akin ng mom and dad ko. Lagi akong nasa top simula pre-school pero bigla akong nagkaroon ng bagsak. Hindi ko alam paano nangyari iyon.

May note na binigay sa akin na pinapabigay sa parents ko. Pagkauwi ko, binigay ko naman iyon agad pero nasaktan lamang ako sa mga salitang lumabas sa bibig ni mom.

"What the hell did you do Tamara?!" pagtataas niya ng boses sa akin habang nanlilisik ang mata.

"I did nothing but my best, mom!" Medyo napataas narin ang boses ko dahil gulong gulo na ako.

"Let her explain tomorrow Kris." Seryosong sabi ni Dad kay Mom. Walang nagawa si mom kung hindi iwanan ang papel at dumiretso sa kwarto nila ni Dad.

"Don't be stressed sweety. I know your mom will understand and I know you're always doing your best. Cheer up." sabi ni Dad at tinap niya ang ulo ko. Gumaan rin naman yung pakiramdam ko kahit papaano.

Kinabukasan ay pumunta sina Mom at Dad sa office at syempre, sumama ako. Kailangan kong malaman kung ano ang mali ko. At kung mali ko ba talaga iyon.

Pagkarating namin ng office ng Principal, nag-usap kaming apat at pinakita ang isang test paper na nakapangalan sa akin na ang score ay 32/100. Napaka imposible nun dahil bukod sa paborito kong subject iyon, pinag-aralan kong mabuti ang lessons doon.

"Imposible yan sir! Siguradong pinalitan nila yan. Hindi ganyan ang penmanship ko. Kahit ipagawa niyo pa saakin ulit ang test na yan, mape-perfect ko po yan. Tsaka yung pirma ko po diyan, bakit printed? Hindi po ba dapat hand-written yan?" pangangatwiran ko sa principal.

Inobserbahan niya ang exam at napansin niya rin iyon. Pinatawag niya ang prof ko sa subject na yon at pinaamin sa harapan namin.

"Pasensya na po. Matindi po kasi ang pangangailangan ko ngayon. Manganganak napo ang misis ko sa susunod na linggo. Kailangan ko po ng budget kaya tinanggap ko ang suhol ni Danie." Ani Prof.

Di ako makapaniwala. Si Danie? Ang bestfriend ko? Sasaksakin ako patalikod? Hindi ako makatingin ng diretso sa prof ko dahil tumutulo na ang luha ko. Hinahagod ni mom at dad ang likod ko. Napagdesisyunan ng principal na ipatawag si Danie at kinausap rin siya sa harapan namin.

"Maybe I cheated and I paid him *sabay turo sa prof* but Tamara, I got a surprise for you, your family, and our whole school." sabi niya sabay tawa.

Inilabas niya ang kanyang phone at may plinay siyang video na ikinagulat ng lahat. Wala akong maalalang ganon.

Isang sex scandal ng babaeng pinapalabas niyang ako at ng taong hinahangaan ko simula high school. Wala akong nagawa kung hindi ang umiling ng paulit ulit.

"Hindi ako yan!" Sigaw ko sa gitna ng pagiyak. Nakatingin ako kay mom at dad at bakas sa mga mukha nila ang galit at inis pero alam kong di para sa akin yun.

"Ikaw bata ka, stop putting damages on my daughter's name!" Sabi ni dad.

"That is not my daughter. She doesn't have a mole sa likod." Kalmadong sabi ni mom pero alam kong nagpipigil lang siya. Maswerte padin ako dahil may tiwala ang parents ko sakin.

"Talaga Mrs. Gamboa? E ano ho ito?" Nilipat ni Danie ang pic at lumabas ang picture naming apat nila Danie, Lorie, at Kitty nung nagswimming kami. Lahat kami nakabikini at kita ang tattoo ko sa balakang na kamukha ng tattoo ng babaeng nasa scandal.

To make the long story short, pinaniwalaan ng Principal si Danie kaya pareho kaming na-drop. Natanggalan nadin ng license ang prof naming nagpabayad. Dahil dun, nadepress ako ng sobra kaya dinala ako ni Mom at Dad sa USA para makaget over sa masamang nangyari.

*END OF FLASHBACK*

Nang makauwi kami sa Pilipinas, naging kaklase ko sa ballet class si Lorie. Di ko alam kung kasabwat ba siya ni Danie noon pero wala na akong pakialam. Bahala sila. Idgaf to toxic people.

Nagtwitter ako at nakita ko na nagtweet si Danie.

[Just sent my audition vid sa TFHOR. Wish me luck folks!]
Tsk. Desperadang teenage mom.

Dahil gusto ko siyang gantihan, naisip kong sumali din sa TFHOR para may thrill. I can't wait to see the look on her face kapag nakapasok ako dun.

Kinuha ko ang action cam ko at pinwesto ito sa table sa kwarto ko. Pagkatapos ay sinumulan ko ng gawin ang audition video.

"Hello everyone, my name is Krisha Tamara Gamboa, 21 years old, Pure Filipina, and I can stay for 2 months. Uhm, my talent is ballet dancing." Pagkasabi ko nun ay pumwesto ako sa gitna kung saan makikita ang buong katawan ko para makita ang pagsayaw ko.

*Mozart Symphony 40 plays*
Sayaw here, sayaw there..

"Gusto ko pong maging one of your home buddies because I want to teach other people a lesson that they won't forget. That's all. Thank you." Pagkatapos kong kong sabihin iyon ay pinatay ko ng ang pagkakarecord ng video at sinend ko na agad ito sa website ng TFHOR.

Pinagisipan ko na ng mabuti ang desisyon na to at desidido na ako. Clinick ko kaagad ang send. No turning back!

Sent.

See you there Danie.

• Elisse Joson as Krisha Tamara Gamboa.  (Photo not mine | credits to the owner)•

Kyleng's note: So yung Gamboa, tribute po ito para sa poser kong si Marceline Gamboa. 😂 i love u kasi no hate spread love 😂 btw, last character chapter na to. Start na sa loob ng bahay ni Rodericka niyan. Keep reading guys! God bless! 🙌

TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon