🎵You can thank your stars all you want
But I'll always be the lucky one
I'll always be the lucky one
I'll always be the lucky one🎵
Nakakabinging ingay ang maririnig mo sa campus grounds ng kantahin ko yung last line ng Your Universe by Rico Blanco.
"WAAAAAH!!"
"Fafa Mike!"
"CLINT NATIONS MABUHAY!!"
Tili ng mga babae dito. Sa pagkakaalam ko college na kaming lahat dito pero kung makasigaw, tili, yugyog, at talon sila daig pa ang batang nagta-tantrums dahil inagawan ng lollipop.
Ngumiti lamang ako ng napaka tipid at umalis na. Bwisit kasi yung principal e. Ako pa yung pinili para magspecial number dito sa school event na to.
Di naman sa ayaw ko sa mga tao, babae, or fans. Di ko lang kasi talaga hilig to. Di ko gaanong kagusto ang pagkanta lalo na sa harap ng maraming tao.
Ang passion ko kasi talaga ay pagma-magic. Sinusuportahan naman ako ni mom. I still remember the first time I had my own cards, si mom ang bumili non.
Si dad? Haha. Sinusuportahan niya naman ako e. Sa ibang bagay nga lang.
Mas gusto niya kasing kumanta ako at maging sikat sa campus dahil ganoon siya dati. Hindi ko alam papaano ko ipapaintindi sakanya na hindi siya ako at kahit tatay ko siya, magkaiba kami ng hilig. Pero nirerespeto ko siya, kaya mananahimik na lang ako.
Tuwing nakikita niya akong nagpra-practice ng magic tricks, sinasaway niya ako at sinasabihan na mag-aral o kumanta nalang ako.
Nung high school ako, may time management siyang ginawa para sa akin. Dapat may 2 hours practice ako ng pagkanta everyday.
Nung nagcollege ako, umabot pa sa punto na kinumpiska niya yung mga baraha at iba ko pang gamit na pangmagic pero binalik rin naman niya ito kinagabihan.
Simula nung nangyari yun, madalas na akong maglock ng kwarto tuwing magaaral ako ng panibagong trick ng sa gayon ay di niya kunin ang mga gamit ko.
Pagkauwi ko, didiretso na sana ako ng kwarto pero nasa sala pala si Dad kaya nagmano na muna ako..
"Kamusta performance mo kanina? Madami bang kinilig sayo?" tanong niya.
"T'was okay dad. As usual.." Tipid kong sagot at dumiretso na ako sa kwarto.
Pagkarating ko sa kwarto, binuksan ko ka agad yung smart tv para makapanood ulit ako sa internet ng mga panibagong magic tricks na pwede kong aralin.
Card tricks..
Levitating..
Impalement..
Super chair suspension..
Ah! Etong news paper tear trick di ko pa masyadong alam! Mapanood nga.
Nang binuksan ko ang video ng newspaper tear trick ay may nagpop na ad. Picture ng bahay na malaki at may title na nakalagay.
"The Famous House Of Rodericka." basa ko sa title
"..not your common reality show." nakalagay ng mas maliit sa title sa baba. Sa palagay ko description iyon.
Teka.. Ito yung sikat na reality show ha? Dahil sa curiosity, binuksan ko ang ad na yon. Bumukas yung TFHOR.com.ph
[18-30 years old, Filipino Citizen, & can stay in THFOR for 2 months]
[ a 3 minute video that contains personal info, talent/s, and reason why you want to enter TFHOR *click here to submit* ]
Yan yung naka emphasize na sentences sa site pero binasa ko yung article sa ilalim at grabe! 25,000 a mont for 5 years? Kung sakaling makuha ko yun, magkakaroon ako ng sariling pera na hindi galing kila Dad.
Tsaka ito naman ang gusto niya e. Ang sumikat ako. Eto na, ibibigay ko na yung gusto niya. Sa iba nga lang paraan. Ipapakita ko kung sino talaga ako at hindi yung kung sino ang gusto niyang makita.
Kinuha ko yung cellphone ko at baraha dahil obviously, di ko naman magagamit pangrecord ng audition video yung smart tv.
Inayos ko sandali ang itsura ko at sinimulan ko na ang pagrecord ng video.
"Hello po! My name is Michael Clint Alfonso, 20 years old at purong pinoy. Ako po ay Engineering Student at ang talent ko po ay pagmamagic." Pagkasabi ko nun ay lumayo ako ng konti sa screen para makita ang pagca-card trick ko.
Whispering deck ang kind ng card trick na ginawa ko.
"Gusto ko pong maging home buddy sa TFHOR dahil I want to express myself. I want to show the world who is the real me. I promise to do my very best 'til the end. That's all po. Thank you." pagkasabi ko ng mga ito ay nagsmile lamang ako at pinatay ko na ang pagkakarecord ng video.
Tinype ko ang site ng TFHOR sa phone ko at sinend ko na ang video na ginawa ko ngayon ngayon lang.
[SENT]
Nasend na pala ang video na ginawa ko.
Sana matanggap ako..
Sana..
• Enrique Gil as Michael Clint Alfonso. (Photo not mine | credits to the owner)•
BINABASA MO ANG
TFHOR: The Famous House of Rodericka (On going)
Misterio / SuspensoThis is not your common reality show. Will you survive?